Life
http://angelasolomon.blogspot.com
"From now on, everyday will be the most important day."
Hi! The name is Angela. Born on 10191988; existing (and living) for 21 years (and counting). Only daughter. Graduate of UST BSCS '09. Currently working (and wasting my once productive life) in night shift to sustain her luxurious life. Plans to mature on February 2010. Addicted to Web.♥ A licensed driver. In a relationship since 122108. Loves my circle of friends. Loves sweets. Sentimental. Slim, long-legged with fair complexion. Wants to edit her life. So help me God.
I can be reached everywhere.
YM.
Plurk$a>.
E-mail.
Facebook.
Twitter.
Friendster.
Multiply. Tumblr.
Rants
say anything like you mean it.
| |
Bitter Truths
Story told at 19:11 //
0 person(s) left violent reaction(s).
Ang mga pulis, matitigas din ang mukha.
Tamang paggising na naman ng maaga sa umaga kanina matapos ang isang araw na bakasyon dahil sa Labor Day. Nakakabitin. Ala-una pa naman na ako nakatulog dahil sa insomnia ko (Insomnia bang matatawag ung antok na antok na pero pinipigil na lang dahil sa pag-eedit ng phonebook? Haha). Tulad ng palagi ko ginagawa, pagkabangon 30 minutes matapos tumunog ang alarm clock ko, maliligo, magbibihis, kakain, magtu-toothbrush, hihinging baon, at aalis na parang ayaw nang pumasok pa.
Buti na lang madaling sumakay. Pagbaba ko ng jeep sa Masinag, sakay na ulit ako ng FX papuntang LRT2-Santolan. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, palagi ko na lang nakikita ung dalawang matandang namamalimos sa hagdan ng overpass. At sa araw-araw na un, hindi rin ako nakakapagbigay ni piso (baka mawili e, at sa susunod, ako na ang mamalimos dun).
Ngayon lang ulit nangyaring nakatayo ako sa LRT. Haha. Kung kailan naman ako antok na antok saka ako napatayo. Buti na lang nakasabay ko si Gerald. Medyo nawala ung antok ko dahil sa mga madudugong pinag-usapan namin tungkol sa kung saan-saan. At kahit alas-7 na ata kami ng umaga nakarating ng Legarda, ang galing, hindi pa rin kami late.
Wala naman kaming ginawa. Pinagpatuloy lang namin ung ADT List na array-based. As usual, sabog pa rin. Hehe. Mukhang marami nang nagbago. Kung dati-rati na mabilis kami nakakatapos sa laboratory exercise namin sa IT102L, ngayon e umabot kami ng hanggang almost 12:30 dahil sa pagkatuliro namin kay Chiz, este, sa decoder (ata un). Pero buti na lang at naipasa ko kay Master (Eboy) ung paggawa ng post-laboratory report. At least, makakapagrelax ako (kapag hindi na nakayanan ng utak ko ung Machine Problem).
Nasanay na tuloy ako na sa mismong bubong na ng LRT nagpapahatid kay Manong Pedicab Driver. Sa sobrang init kasi. Sa bagay, limang piso lang naman ang dinagdag ko. Mahirap na nga ang buhay, pahihirapan ko pa ba ung sarili ko? May extrang income pa si Manong Pedicab Driver sa akin.
Ayos. Wala kong ginawa sa LRT kung di magbasa nung Stainless Longganisa ni Bob Ong na pinahiram sa akin ni Jerick, tingnan ang mga taong pumapasok at lumalabas sa LRT, tumingin sa relos, at magtext kahit wala namang load. At nakakainis dahil ung tren, patigil-tigil. Parang di malaman kung anong gagawin. Napatagal tuloy ng onti ung biyahe ko. Pati sa jeep papuntang Masinag. Kahit sabihin nilang masamang magbasa ng libro habang nasa sasakyan, nagbasa na lang ako kesa maramdaman ung harurot ng jeep papuntang langit (o impyerno) at makita ang mga taong parang nakakita ng artista, este aswang, kung makatingin sa akin.
At isa pang nakakatuwang kaabnormalan ko. Nainis ako sa isang pulis na mukhang bagong salta lang sa PNP e matigas na agad ang mukha. Hehe. Nauna ko sumakay sa kanya. Pagsakay nya, napansin kong naghahalungkat na sya sa bulsa nya ng kung ano man. Akala ko barya na para ipambayad sa jeep. Un pala, pampam lang pala. Pumara na sya sa jeep na "Pare, salamat" lang ang sinabi nya. Ni hindi man lang nagbayad ng jeep. Ayos. Tigas. Hindi porket "alagad" sila ni hudas, este, ng batas e ganun na ang gagawin nila sa mga taong iniisip nilang mas mababa ang estado sa kanila. Paano na lang ung pamilya ng driver ng jeep na umaasa sa bawat sentimong binabayad ng mga pasahero? Tsk2. Nakakainis lang na sa hirap na nga ng buhay ngayon, mas lalo pang dumarami ang matitigas ang mukha.
Kitams. Sabi ko sa inyo abnormal ako e; na pati problema ng ibang tao pinoproblema ko pa. Haha.
Aba, namiss ko ata magpost ng blog. Higit isang buwan din nung huli akong nagpost sa Friendster Blogs. Hindi na pala ako masyadong ADIK. ADIk na lang.Ü
My name is Ma. Angela Solis Solomon. My friends call me Angela, Angel, Anj and Gela. I was born on October 19, 1988 which is equivalent to 21 years of my existence in this world. I am the only daughter of Caloy and Belen. I am proud to be a Filipino. I have two brothers namely Alex (25) and Marc (11). Raised in Marikina City but grew up in Cainta, Rizal. I am a more-or-less-113-lb 5-foot-7-inch girl who was once offered a glamorous modeling career by one of our bus-mates in Hong Kong in 2007 but refused it. Already tried different whitening soaps to have a fair from a slightly dark complexion. I so hate the fact that my mom loved eating a pound of M&Ms Milk Chocolate when she was pregnant to me. Well, I had no choice but to believe in this saying, "Black is beauty."
Done with schooling. Grade School: Roosevelt College Cainta '01. High School: Our Lady of Perpetual Succor College (OLOPSC) '05. College: University of Santo Tomas (UST), BS in Computer Science '09. Masteral: soon. :)
Interests: Surfing the Web, shopping, daydreaming, fashion, sweets, gadgets, celebrities, out-of-town trips, hanging out with friends, reading books (of Paulo Coelho, Bob Ong, Mitch Albom, Sophie Kinsella), movies, music, food, beach, love, life. A WHOLE LOT MORE.
Working for Stream Global Services (CC7: Shaw) since May 2009 as a Customer Service Associate 1 (Account: AT&T HED).
I belong to an organization in our parish (Our Lady of the Abandoned in Marikina City) named Eco-Disaster Management Team since March 2007. I was surprisingly recruited by a friend of a friend. I became the committee head for membership and food on December 2009 as appointed by the chairman. Our mission is to serve the people. We do free weekly BP Operation, conduct outreach programs and extend our helping hand during calamities.
Mood swings.
How did I get engaged to blogging?
When I was kid, I always wanted to be a doctor. Then when I reached high school and got recognitions in my computer skills, I realized I wanted to become a computer programmer/web designer/web developer - or whatever you call a person who uses computer for a living.
I officially started blogging in 2005 after my website project in my fourth year in high school. Been signing up in different blog sites until I found my stability in Blogger in May 2007.
(Edited on 01252010 around 5:00PM MNL, Solomon's Residence.)
Editor: /rac♥
Background: stinkkyy
Layout/Coding: Mary
Inspiration: xanga livejournal
Host: 1 2
Bitter Truths
Story told at 19:11 //
0 person(s) left violent
reaction(s).

|