Life
http://angelasolomon.blogspot.com
"From now on, everyday will be the most important day."
Hi! The name is Angela. Born on 10191988; existing (and living) for 21 years (and counting). Only daughter. Graduate of UST BSCS '09. Currently working (and wasting my once productive life) in night shift to sustain her luxurious life. Plans to mature on February 2010. Addicted to Web.♥ A licensed driver. In a relationship since 122108. Loves my circle of friends. Loves sweets. Sentimental. Slim, long-legged with fair complexion. Wants to edit her life. So help me God.
I can be reached everywhere.
YM.
Plurk$a>.
E-mail.
Facebook.
Twitter.
Friendster.
Multiply. Tumblr.
Rants
say anything like you mean it.
| |
Regarding the Viewing of Profiles
Story told at 10:40 //
0 person(s) left violent reaction(s).
-- if you don't want other people to view either your profile or your boyfriend's/girlfriend's profile, you better cancel your accounts. ang corny nyu! haha! (pwede ring gumawa na lang kayo ng sarili nyu site para walang ibang titingin. :P) kung "feeling" nyu naman e "perpekto" na kayo, bakit kayo nagwoworry kung me ibang taong magview ng profile ng me profile? nasa policy ba ng friendster un? anung number? pakisabi.. haha! anu ba yan.. i shouldn't be going down to your level. argh. ang corny. haha. alam mo bang pinagtawanan lang kita? haha. tandaan mo to, di aku katulad ng iniisip mu. baka ikaw pa. :P *** haha. pero sabi nga ni tin, hayaan na. hehe. actually, hindi ko naman talaga dapat patulan un. natatawa lang ako sa mga pinaggagagawa nila. haha.
Free from Ma'am Cha
Story told at 23:06 //
0 person(s) left violent reaction(s).
2:00am na naman ako nakatulog. at hindi na bago un. nag-alarm ako ng 7:00am pero hindi rin naman ako bumangon. hindi rin bago un. umaga na ako nagnotes sa PL. para sana fresh pa sa utak ko. kaso onti lang din naman ung naaaral ko. ang haba e. nakakatamad. hehe. maaga ko kumain kaya marami akong kinain. tas adobo pa ulam. paborito ko. ke sarap ng luto ng nanay ko. hehe. past 12 na nung makaalis ako ng bahay. medyo harsh ung byahe ko ngayon dahil papasok pa lang ako e nagfoundation na agad ako ng usok. papuntang LRT katipunan lang un a. argh. how i wish magkaron na ng terminal ng fx dito sa roosevelt. argh. late ako. 1:15 ako dumating sa USTe. syempre, nagtatakbo na ako. dahil nasa harap ang pintuan, nakakahiyang pumasok ng late. pero nasa 2nd floor pa lang ako, medyo hingal-hingal pa, nakasalubong ko si allyson at angeli. WALA DAW SI MAA'AM CHA!!! ang galing! iniisip ko pa lang na sana makasalubong ko sila, nakasalubong ko na nga! haha. nung una nalungkot pa ko, hindi dahil wala si maam cha, kundi dahil me english pa. haha. ayoko ng subject na un. ang boring. hehe. nagjeep lang ako pauwi. bukod sa mas mura, hindi ko rin naman nakasabay si angeli. un nga lang, wala na kong katabing macho gwapito. inantok lang ako. haha. tamad na tamad. haha. ngayon, eto nakaharap na naman ako sa computer. ewan ko kung ano oras ako matapos dito...
Sta Lu
Story told at 22:21 //
0 person(s) left violent reaction(s).
kakauwi ko lang galing sta lu. infairness, ngayon lang ulit ako nakatungtong dun. bibili sana ko ng sapatos para sa school. me nakita na sana ko, sa finickee. anak ng tae, walang size! bwiset na paa to. argh. magsisimba ako dapat ngayon. pero hindi na naman ako nakasimba dahil sa pag-aaya nila sa akin. argh. pahamak talaga tong mga to. baka sabihin pa ng diyos kung ano-ano pa inuuna ko kesa sa kanya. tsk. nag-aahente ung nanay ko ng bahay. bale apat silang ahente. since ako ang magvivideo at magpipicture gamit ang camera ko, me commission din ako. wahaha! ayos. :) ayun. walang masyadong mangyari. ni wala man lang akong nakitang cute sa mall. argh. nakakatamad tuloy. haha! owel, life is really great. bukas, punta kami ng cavite. yey! :)
Condolence
Story told at 16:02 //
0 person(s) left violent reaction(s).
this was my six-year-old ring. matagal na talaga tong singsing na to sakin. i couldn't remember if it was exactly mine for 6 years or less. did you know that it was from cavite? yeah, you read it right. this cheap ring was from cavite pa. i bought it during the fiesta. sa naglalako ko lang po to binili. dun sa naglalakad na me tinutulak lang. nakipagsiksikan pa ko nun para lang makabili. ang cute kasi. naaaliw ako. simple lang sya pero it looked good dahil nandun ung pangalan ko. i feel unique. haha. aun. it cost only 10 pesos. very cheap nu? haha. i always wore this. whether nasa bahay lang ako, nasa bonggang occasion, natutulog, kumakain, naglilinis, even on my debut party, suot ko to. hindi ako nagpapabili ng ibang singsing because i'm content with this. i know mahilig ako sa accessories pero not with rings. talagang okay na sa akin un. there was this one time pa nga na pati ung mga pinsan at tita ko bumili na rin dahil tumagal nga kasi ung akin. tapos nagpagawa pa ako ng isa pang singsing na katulad na to, necklace, bracelet at anklet. pero lahat, nasira na, buo pa rin tong original. naalala ko pa nga. ang daming nagtatanong kung san ko daw nabili. parang manghang-mangha pa sila na 10 pesos lang un pero umabot na ng ilang taon. nitong week lang, me isang tao pang nakapansin nitong singsing ko. i just couldn't remember who it was. err. kanina, nagbabasa lang ako chicken soup. due na kasi un on monday (pero tuesday ko pa isosoli, magmumulta na lang ako 5 piso). nakahiga lang ako sa kama. naisipan ko magpalit ng pwesto. aba'y, sumabit ba naman ung singsing ko dun sa bwiset na knitted na kumot ng nanay ko. argh. di ko naalala agad na posibleng masira ung singsing ko na un. maraming beses na rin kasi sumabit yun pero hindi talaga nasisira. ngayon lang. pagtingin ko, wala na sa kamay ko. un pala, nakasabit nga dun sa kumot. nakakainis. nasabi ko na lang, "Ehhh!"this is how it looks like now... too bad it's now broken. i never thought it would come to this end - to this tragic end. :( akala ko pa naman hanggang sa college graduation ko eto pa rin ung singsing na makikita ko sa graduation picture ko. :( this ring is very important to me. if not, why would i still bother to post about it here, di ba? err. sad. :( Labels: ring
Whattaday
Story told at 11:47 //
0 person(s) left violent reaction(s).
(posted for 21 july) err. kahit alam kong dahil sa oras ng pagtulog ko kaya bumababa dugo ko, 2:00am pa rin ako natulog. ganun ako kapasaway. takot ako pumasok. panu, baka maranasan ko na naman ung naranasan ko kahapon. nakow. birthday ni leah ngayon. 1:00am pa lang binati ko na. ang adik noh? siguro natutuliro na sakin un. nasa school pa lang kami binabati ko na. haha. adik. late ako. syempre, sabado. laging ganun. hinapit ko kasi ung presentation at documentation namin sa CS102 (file organization) pati NS103 (environmental science). un nga lang, hindi naman kami nagreport. err. okay na rin. hindi ako ready. waha. potek. bagsak ako sa first quiz sa CS103. 17/30. kulang pa ng one point, hayuf! wala si maam cosme. nung una nag-arm wrestling lang kami ni steph. since kami ang seatmates simula sa nakakalokang discrete math namin. wala kami magawa. nag-arm wrestling kami. talo ko sya. akalain nyo un. haha. aun. nagkalat na. lahat ng kababaihan samin nag-arm wredtling na rin. maliban ke leah na busyng-busy ke droo. :) naglaban din kami ni diana. kaso, as we all know, she's terrible. talo ko. :P sa laki ng muscles nun. potek. kahit matanda na un, malakas pa un! haha! (if only she could read this, for sure me kurot at hampas na naman ako dun, haha) hanggang sa mag-aya si karla ng uno. hehe. first timer ako dun. dati di ku sila panapansin maglaro. wala kasi ako hilig sa card games maliban sa ungguy-ungguyan at solitaire na laro ng mga walang kwenta. haha. aun. pangalawa kong nanalo. nice noh? :P tapos pagkatapos ng natsci, tumakbo na kami ni steph sa library. humiram kami ng books. sya para sa project nila sa PL. ako, chicken soup for the teenage soul na ilang beses ko nang hinahanap-hanap. at last, nakahiram din ako! naisipan ko mag-jeep. tinitipid ko kasi ung lrt card ko. para umabot hanggang sa tuesday (super mega cost-cutting ako). haha! mabilis naman ako nakasakay. 7:30pm ako nakaalis ng USTe. nakauwi ako? almost 10 na. :D hindi ko alam kung malas lang ba talaga ko. sa pagkakaalam ko, wala naman ako balat sa pwet. pero nagtataka ko kung bakit puro kamalasan na lang inaabot ko. bandang hapon pa lang, me nariring na kaming mga bumberong nagdadaan sa school namin. syempre maririnig naman un dahil nasa tabi ng daan ung building namin. err. aun. nasa españa pa lang ako, laganap na ung mga bumbero. tuloy, lalong nagkakagulo sa daan. alam na kasing traffic, dun pa dadaan. aun. pagpasok namin ng E. Rodriguez, hala, natigil kami sa bandang QI. nandun pala ung sunog. adik. kaya naghanap kami ng alternate route. nakaabot kami sa UERM. sa sta mesa kasi kami dumaan. err. wala naman si stephen dun. haha! aun. e 5 lang kami sa jeep. tas wala pang cute. ang boring. nakakatamad. ginawa ko, binasa ko na lang ung chicken soup for the soul. adik. buti na lang di ako nahilo. lobat na kasi ako kaya hindi ako makapagtext o makapagradyo man lang. sayang lang ung pagkaka-unli ko. err. aun. pag-uwi ko, kumain ako agad. kasi tamang-tamang kumakain sila. argh. alimasag. grr. i hate that. di ako nabubusog! inuwi daw nung contractor nina daddy sa ACE. sang lupalop kaya nanggaling un. haha. buti na lang me giniling. nice. yumyum. :) at nagloko ung smartbro kagabi. maaga pa lang tumatawag na ko sa smartbro pero ang hirap nila contactin. ako tuloy pinanggigigilan ng pinanggigigilan. err. i hate it. kaya kahit 1:00am na, tumawag pa rin. hoping na maaayos pa. kaso wala. sira daw base station. too bad. buti na lang okay na ngayon. obviously. haha. lunch time na!
Transient Ischemic Attack?!
Story told at 01:10 //
0 person(s) left violent reaction(s).
i though i was about to die. hindi pa pala. sayang. haha! umaga pa lang talagang sumasakit na ung puson at tiyan ko. i thought it was just a simple dysmenorrhea, but everything turned out to be so terrible when i reached the lrt2 katipunan station. pagbaba ni angeli, hindi ko alam kung bakit bigla na naman sumakit ng grabe ung tiyan ko. stomach cramps. err. hindi ako makagalaw. pero syempre, ayoko magpaka-stiff dun dahil baka magpanic ung mga tao dun at isipin e hihimatayin na nga ko. "arriving at katipunan station. paparating na sa katipunan station." when i heard that, i was too excited because at last, i could go home. dahil nga kasi sa stomach cramps ko. pero palabas pa lang ako ng pinto, nagsimula nang magdilim ung paningin ko. lalo na when i went out of the train and i was about to ride the escalator. feeling ko talaga magko-collapse na ko! kaya nga ang ginawa ko, minabuti kong dumaan muna sa wash room sandali para makapagwash-up at baka sakaling sa sobrang init lang. i also peed. :D knowing na that cubicle was for employees only, iintindihin ko pa ba un e ang sama na talaga ng pakiramdam ko. err. nakita ko pa naman ung lola ni camille. nakakahiya. baka sabihin, taga-UST pa naman ako pero ang hina ko umintindi. naku. if only i had the chance to explain to her what was happening... err. tas aun nga. paglabas ko ng wash room, the guard was looking at me. siguro napansin nya sobrang putla na ko (infairness, natuwa ako, pagtingin ko sa salamin, ang puti ko, haha). tas aun. hinang-hina pa rin ako. di ko na maintindihan kung ung lakad ko ba e lakad pa ng matinong babae or what. di ko na macontrol ung actions ko dahil sobrang nagttingle ung buong katawan ko pati sobrang numb. aun. bumili muna ko tubig tas waffle (parang nasa USTe lang, haha). pero hindi pala talaga gutom un. naghihintay na ko ng jeep, biglang umalagwa na naman. err. kaya kahit anong jeep sinakyan ko na makaupo lang ako (calumpang naman ung nasakyan ko, kesa naman umupo ako sa kalsada, kamusta naman un). at nagtricycle na rin para diretsong bahay na. aun. awa ng diyos nakauwi naman ako ng ayos.. when i got home, naiiyak-iyak pa ko. haha. nanginginig ang boses ko. di ako makapagkwento. parang tuwing babanggit ako ng salita, naiiyak ako. haha. takot kasi talaga ko. err. aun. my mom and i consulted our medical book. we found out na ung mga nangyari sa akin e symptoms ng transient ischemic attack at mild stroke (ye, you read it right, mild stroke!!!). akalain mo un! me sakit pa ata ko sa puso. err. pero when my dad knew what happened, isa lang ang conclusion nya, "me mens ka ba? ... meron pala e! un un!" very nice... : grabe. unforgettable experience talaga. i never want to experience that about-to-collapse feeling again! that really sickened me! hindi pa ko handang mamatay! what if sa daan ako nagcollapse?! omg. pero ang weird ko talaga. the time na nagdidilim na ung paningin ko, naisip ko talaga mamatay na ko. na panu un, hindi pa alam ng mga magulang ko kung anong dapat na kulay na kabaong ko at kung paano ang funeral rites. wala pa rin akong lupang paglilibingan. err. pero that time, i realized na dapat ienjoy ko na ung buhay ko. na gawin ko na lahat ng pwede at kaya kong gawin habang nabubuhay pa ko. we'll never know kung kelan tayo mamamatay... and there goes exaggeration. ang loss of consciousness, napunta sa kamatayan. haha.
i cheer Go USTe!
Story told at 02:35 //
0 person(s) left violent reaction(s).
i really like this "i cheer Go USTe!" racerback sando. it's cute, isn't it? :)
Aswang
Story told at 02:28 //
0 person(s) left violent reaction(s).
eto, nagkape na naman ako kaya kahit 2:38am na e gising pa ku. argh. akala ko kasi sisipagin ako gawin lahat ng gagawin. kaso pag tinamaan ka naman talaga ng katamaran. nakow, walang mangyayari sa buhay mo. tsk, tsk. naka-isang tumbler na naman ako ng kape. naman! ang hirap-hirap ko ngayon. bankrupt ako. haha. kasi naman ako e! err. ang dami ko namimiss gawin sa buhay ko. hay. kelan kaya ulit mauulit ung mga nangyari dati. hay. i feel incomplete. something's missing. i just don't know what it is. pero siguro, i'll try to enjoy living my life. saka na ko maghahanap ng sakit ng ulo pag matataas na grades ko. waha. studies first muna. err. T.T
Wednesday Laboratory
Story told at 02:26 //
0 person(s) left violent reaction(s).
err. ngayon lang ako inabot ng hanggang 8:00pm sa lab pag cobol programming. kainis. ang sakit sa ulo mag-ayos ng filler! okay na. nagpprint namin. mali-mali lang ung lumalabas sa hard copy. err. minus 10 tuloy ako. pero buti na lang naka-80 pa ko. kesa naman 60. argh.
Tuesday Bagyo
Story told at 02:24 //
0 person(s) left violent reaction(s).
parang last week umulan din ng malakas. pero iba ung ulan nung tuesday. ang lakas talaga. err. malamang, basa na naman ang pants namin ni angeli. haha. kamalas-malasang tuwing uulan na lang, hindi ko dinadala ung tsinelas ko at backpack. hay naku. simula ngayon, every tuesday ko na dadalhin ung mga un!
Valenzuela Trip
Story told at 23:26 //
0 person(s) left violent reaction(s).
me project kami sa PL. si arizia ang partner ko. matagal na naming napag-usapan na pupunta ako sa kanila para dun. pero kanina lang ako nakapunta. hehe. sabi ko 9 ako aalis ng bahay. pero almost 11 na ko nakaalis. nagjeep lang ako hanggang cubao, at nag-bus hanggang sa village nila. medyo traffic din. tas ang dami pang stopover nung bus. err. aircon ung nasakyan kong bus pero parang ordinary lang dahil sa init. argh. 1 na ko nakarating dun. adik. buti na lang nakita ko si arizia nakatayo dun sa kanto ng village nila. di ako naligaw. haha. pagdating, gumawa na agad kami. kasabay ng tv, cookies, pancit, chocnut, jellyace at c2. almost 7:30, binalak ko na umuwi. nung nasa daan na kami, biglang dumating ung mommy at daddy nya. bumalik pa kami sa kanila para kumain. mga 7:45 siguro ko nakaalis ulit dun. ang bilis ko kumain e. kahit pangalawang beses ko na nakapunta dun at mabait naman ung parents nya, nahihiya pa rin ako. di na ko hinatid ni arizia. pagkasakay ko ng tricycle, bumalik na rin sya sa kanila. mabilis naman ako nakarating sa kanto ng village nila. tas sumakay agad ako ng jeep. nung una, naalala ko talagang sumakay kami ng jeep dati. pero nung nakakita ko ng bus na dumadaan dun, bigla ko nagdalawang isip. parang gusto ko bigla bumaba ng jeep. akala ko nagkamali ako. haha. un pala, tama lang palang nag-jeep ako (kahit bwiset na bwiset ako dun sa high school students na nakasabay ko na feeling nila e service nila ung jeep, tatapunan pa ko nung buko nung bading, ang sarap sabunutan). buti na lang nakita ko ung binabaan namin dati. biglang luminaw ang pag-iisip ko. haha. akala ko naligaw na ko. di ko pa naman kabisado talaga ung daan. hehe. tapos 8:30 na ko nakasakay sa bus. ang saklap. puro ordinary kasi ung bus dun. gusto ko aircon. haha. mabilis lang ung biyahe. mga 20 minutes nasa cubao na ko. dumaan pa ko ng gateway para mag-cr. haha. nag-jeep lang ako. patok. tutal pauwi na rin naman. para masaya. anak ng tae. hindi ko alam kung bakit tuwing me innova na dadaan e plate number agad an gtitingnan ko. walangya, pagtingin ko dun sa isa, ZHM601. ke dadi un! bwiset. namiss ko lang sya. haha. pero nagtataka ko, anu un, dala nya sa school? e di lalo na ang dami nagkandarapa dun? naku... haha! sana di nya mabasa to. huling-huli ako. hehe. almost 10 na ko nakauwi. buti na lang naabutan ko pa si director choi. haay. ang gwapo talaga. :) Labels: valenzuela
Joyride
Story told at 23:19 //
0 person(s) left violent reaction(s).
haha. wala kaming magawa. kahapon, nagpunta kami ni mommy, kuya, ate nikki, aya, marc, nanay at tita edith sa kung saan-saan. si daddy? iniwan namin sa bahay. haha. :) nagpunta kami sa sucat para sa bioresearch. pet shop. haha. bwiset. wala namang makita dun iba bukod sa isdang masarap prituhin, asong masarap i-menudo at ibong masarap gawin fried chicken. nakakaaliw lang kasi ang dami talagang isda. un nga lang. puero isda na lang. nakakasawa rin kaya! dadaan sana kami sa manila zoo. buti na lang pasara na. haha. hindi ko naman namimiss ung mga kamag-anak ko dun kaya ayoko pumunta... haha! dumiretso kami sa luneta. the hell... ang corny na dun! haha. ayoko nang bumalik dun. wala na ung mga guardia sibil. wala nang mapaglaruan. haha! tapos dumaan kami sa baywalk. di ko nga nakuhanan ung sunset. medyo dilim na kasi nung dumating kami dun. aun. pero nagpicture pa rin kami dun. pero hindi na maganda dun. di na kaaya-aya. bukod sa me foreigner na kumukuha sa akin ng video, masangsang na amoy dun. di mo mate-take kumain. argh. nandun pa nga ung aegis. nakakawalang gana lalo. haha. tapos pumunta na kami sa riverpark. dun kami kumain. at dun na natapos. nagpagod lang ako. sana ginawa ko na lang ung mga dapat ko gawin. hahay. Labels: joyride
Inuman at Mayrics!
Story told at 01:01 //
0 person(s) left violent reaction(s).
hindi namin malaman kung anong mga pumasok sa utak naming magkaklase at naisipan namin uminom matapos ang klase namin. akala ko lokohan lang. pero pagtapos ng klase namin. totoo ngang iinom kami. desidido. haha. sino-sino kami? ako, karla, diana, mark, gena, master, steph, gelo, leah and droo. haha. nung una sa 1611 kami nagpunta. e kaso puno kaya lumipat kami sa mayrics. wala namang tao. haha. wala kasing gig. pero after more than 2 years, ngayon lang ulit ako nakatungtong dun. good thing hindi pa polluted. haha. usapan, tig-iisang bote lang. haha. parang titikim lang kami. umorder lang ng dalawang calamares at isang liempo. tas ung iba kumain ng kanin. hehe. pero nung kalagitnaan, inalok kami ni champ. haha. aun. me dumating pa ulit 8 bottles. e ung iba hindi naman uminom. kami na lang nina mark at diana. hehe. naka-more than 2 bottles of san mig light din ako. dahil hindi na ako sanay uminom ng ganun, inaamin kong nalasing talaga ko. haha. pero i still have the whole piece of myself. mas mukhang tanga lang. haha. bandang 9:30, umuwi na si karla, master at steph. okay lang. hindi sila pwedeng uminom at gabihin. kaming iba, naiwan. hehe. tapos nakasama pa namin si rex, niko at jp. okay naman. mga 10:45 na kami nakaalis dun. kasabay ko si leah, droo and rex gang cubao. pero nung nasa cubao na kami, kami na lang ni rex ang nagkasabay. punta pa kasi si rex sa sss. dun daw sa isang kabarkada nya. tamang inom na naman sya. parang wala sa vocabulary nya ung nalalasing. haha. aun. nagtaxi sya. sinabay na ko gang blue wave. ayos. :) sana maulit un. masaya sya. :) sana lahat makasama na. mas masaya un. :) Labels: inuman, mayrics
Story told at 20:17 //
0 person(s) left violent reaction(s).
nakakasawa rin pala ang siomai... haha. parang kahit kailan ayaw ko na ulit me makatungtong na siomai sa mga bibig ko. hahaha! :) 7:30 ata nag-alarm ako. pero hindi ako nagising. ewan ko ba. 1am na nga ko natulog. kung tutuusin maaga na un. :) kaso tanghali pa rin ako nagising. bakit? pampam na panaginip un. nakakapagod. panaginip? hay naku. lumabas daw ako ng bahay tapos me stalker daw ako (pero hindi ako natutuwa dahil hindi naman kasing-gwapo ni jake cuenca ung stalker). dyos me. ang tanda na. hindi ko alam kung saang dimensyon nanggaling un. tapos, super mega kinabahan ako kasi hanggang bahay namin talagang sumunod sya. ultimong bintana ginagapang nya. kung san ako nandon, nandon din sya. hanep. ayoko nang panaginip na un. bangungot na nga un e. kung si jake cuenca, sam milby o piolo pascual un, sweet dreams un. haha. ano kaya ibig sabihin nun? wala naman naghabol sakin ngayon. kainis. haha! :P nakabackpack ako. me dalang tsinelas. sa pag-aakalang uulan. pero nagkamali ako. umulan. pero ni hindi pumatak ang ulan nung papasok ako at pauwi. bad trip. pero okay na rin. at lease di umulan. mas mahirap ata ung umuulan. haha. buti na lang di pumasok si mimi kanina. natraffic daw. asus. pero okay lang. di kasi ako nakaaral ng ayos. hihi. mamaya mag-aaral na talaga ko. hintay ko lang si DIRECTOR CHOI! haha! :)
76? I thought 30!
Story told at 11:32 //
0 person(s) left violent reaction(s).
ayos. inihatid ako sa LRT kahapon. nagpunta kasi sila sa divisioria kaya sumabay na ko. sa santolan. ngayon lang ulit ako nakasakay dun. :) namiss ko dumaan sa tulay ng marikina. haha. CS103 na naman ang first subject ko. syempre, kawawa na naman ung prof ko dun sa dami ng inaabot nyang panlalait samin. haha. CS106. ang saya! ngayon lang ako nakaramdam ng saya sa subject na un. haha! panu, nagquiz kami dun nung friday. akalain mong over 100, naka-76 pa ko! ang galing! medyo mababa pa rin yan kung tutuusin pero achievement na sa akin yan dahil 30 lang ang ineexpect ko talaga. haha! ang galing talaga infairness. sana sa cobol ganun din. *sigh* quiz lang sa ETAR. discussion sa CS102. tapos uwian na. masaya sana dahil medyo maaga kami dinismiss ni maam perl di tulad nun mga nakaraan. ang kaso naman, bumabagyo! literal na bumabagyo! langya, natapat pa naman na wala akong dalang tsinelas na binabalak ko na sanang dalhin nung papasok ako. tae. buti na lang me dala akong payong kahit papano. kaso natapat na ung bag kong bronze ang nadala ko. dapat backpack. argh. pero lumusong na kami ni angeli. mukhang hindi na kasi titigil ung ulan. grabe. kahit nasa pedicab kami e basang-basa kami. tsk2. basa tuloy ung sapatos ko. waha! at ngayon, wala si maam cha. english lang ang klase ko. kamusta naman un... :/
Story told at 21:34 //
0 person(s) left violent reaction(s).
magja-jogging sana kami ni inah pero dahil sa 2:00am na ko nakatulog at sobrang sakit pa ng ulo ko, hindi na ko naggising kahit sangkatutak na text messages na ang nareceive ko galing sa kanya. haha. 10 na ko naggising. pero 10:45 ako bumangon. katamad e. hehe. attire: khaki shorts, brown racerback, coat, flats, banig bag. :) nagpunta kami sa camp aguinaldo, camp crame, sta lucia realty and development, megamall at blue wave. wala kasi kaming magawa. walang magandang nangyari sa araw na to. :-/
A Day With Inah
Story told at 21:28 //
0 person(s) left violent reaction(s).
umaga ako nagpaschedule sa dentist. tumawag pa ko. di rin naman pala ako makakapunta. haha. after lunch na rin ako nakapunta. nagpunta muna kami ng loyola kasi birthday ng nanay suila kahapon. aun. hinatid na lang nila ako sa dentist after dun. nag-adjust lang. hindi sana ako mapapatagal kung hindi sila naglalandian nung asawa nya na orthodontist ko. hehe. pero ayos lang. kaso ang sakit ng ipin ko hanggang ngayon. pati utak ko ayaw magfunction normally dahil sa dami ng sinisingil nila. bwiset na mga un. haha! pero sabi pwede na raw tanggalin ung braces ko. ewan ko lang kung ipapatanggal ko na. hehe. pagkatapos, umuwi muna ko. magkikita kasi kami ni inah. kaso nasa antipolo pa sya nung mga panahong un. aun. kaso pagdating ko ng bahay, after 15 minutes, dumating din sya sa bahay. haha. sana pala hinintay ko na lang sya sa blue wave. toink. nung magkita kami, pumunta muna kami sa sta lu. hinatid kami ni rec na nagpapractice pa lang magmaneho sa sakayan papuntang sta lu. aun. andun kasi sina zarah. buti na lang pala tumawag muna kami. hihi. wala naman. naggala-gala lang kami. kasama nya ung daddy nya pati si zaki syempre. nilibre kami sa greenwich. hihi. :) mga 6:20, naghiwa-hiwalay na kami nina zarah. nagsimba kasi kami ni inah sa OLA ng 6:30. aun. nakaabot naman. saktong-sakto lang ung dating namin. :) tas after namin magsimba, nagpunta kami ng starbucks para uminom ng mocha frap venti split into two. haha. last na un. ipunan time na e. hehe. at 9 na kami umuwi. Labels: gala
Story told at 01:16 //
0 person(s) left violent reaction(s).
i don't have any sleeping problems. i have no worried, no fears, no nothing, just myself. but when i met a couple this morning, laughing together, holding their hands tightly and looking through each other's eyes, it's harder for me to sleep now. maybe they're right. i thought i'm better off alone. maybe it would be nicer to spend your time with someone that you love, someone who means something to you. maybe i'll try it, not for now but soon. soon enough when i find someone to share my life with...nice, huh? richard sent this quote to me last friday. i didn't know if his purpose was for me to think of having a relationship with somebody, or he was just sending this as a group message. nah. anyway, maybe, single's journal is right -- as well as richard. :) i thought i'm better off alone. but i know i'm not. i know there's something incomplete in me that i'm just trying to hide. oh well. good luck.
Story told at 01:10 //
0 person(s) left violent reaction(s).
got nothing to say, really. i just wanted to post something. haha. i'm actually sleepy. i just don't want to sleep yet. argh. look, i've got a newly-edited page. :) love it? please comment. :) i miss him. hay.. sleep tight.
Story told at 23:54 //
0 person(s) left violent reaction(s).
as usual, dahil sabado ngayon, late na naman ako. haha. pero parang sakto lang ung dating ko. katatapos lang mag-pray. hehe. parang hindi pa rin ako late. hihi. pero late pa rin. waha! medyo mainit nun papasok ako. nakasabay ko pa si sir dota pagbaba sa legarda. akala ko kung sinong mama ung lumapit sa akin at sinabing, "seryosong-seryoso ka a..." lokong un. alangan namang humagalpak ako ng tawa kahit mag-isa ako? labo ni sir. haha. pero okay na rin. nilibre nya ko ng pamasahe sa jeep papuntang uste. haha. sana makasabay ko sya lage. toink. :P me exam sa math. ang hirap! bwiset na exam un. di ko malaman kung panu sasagutan. langya, paniguradong bagsak na naman ako dun tulad ng other first quizzes ko. tsk. CS102 na naman. tamad na tamad na ko. hay. binigay lang nya ung course syllabus tapos medyo nagsalita ng onti. actually, ng marami. lagi naman e. ayun. medyo matagal pa rin. pero dinismiss naman nya kami agad nung nagbell. buti na lang wala si maam mimi! waha. 6 pa lang nakalayas na kami ng uste. hehe. after class, nagpunta kami ni inah sa kanila. hehe. natutuwa ako kasi sa kagustuhan nyang pumunta talaga ko sa kanila e hinintay nya talaga ko ng 2 hours and 30 mintues. haha. ang galing. hehe. wala naman kami ginawa. nanood lang ng tv. tumawag ke zah. kumain. humiga. nagplano ng pagpunta sa baguioand/or EK. aun. 10:45 ako umalis sa kanila. pero 11:30 na ako nakauwi dahil sa hirap sumakay sa kanila. wala kasing dumadaang trike na unoccupied. ayun. bukas punta kami kina zah. pero magsisimba muna ko pati pupuntang dentista. papacheckup ko lang ung ipin ko muna. toink. sa monday, jogging ulit kami. :)
Hell Day
Story told at 21:08 //
0 person(s) left violent reaction(s).
madugong araw ng exams. cobol, PL at file org. okay. wala akong nagawang matino... buti na lang pala di ako masyadong nag-aral. kasi kahit nag-aral ako o hindi, wala naman mangyayari. >_< Labels: exams
Independence Day 2
Story told at 00:10 //
0 person(s) left violent reaction(s).
independence day nga pala ngayon. ni hindi ko man lang naalala. kung hindi ko pa nakita sa status ni rose anne na holiday ngayon, hindi ko pa maaalala... ganun na pala ang panahon ngayon. ultimong independence day nakakalimutan ko na dahil sa dami ng iniintindi. hay. buti pa si abbee nabati ko ng happy birthday, samantalang ung pilipinas ni hindi ko man lang naalala. :( Labels: independence day
EXP3_29.COB = 85%
Story told at 18:47 //
0 person(s) left violent reaction(s).
wednesday ngayon kaya me lab na naman sa cobol. excited ako. di tulad dati nung C at C++, parang ayaw ko na dumating ung araw ng lab. nakakasawa na si maam. buong araw namin syang prof. haha. sumingit lang si "the familiar 3CS-A smell". pero okay lang naman talaga si maam cha. sa cobol lec, wala naman kami ginawa. me pinakopya lang sya cobol program samin tapos nagdiscuss sandali. aun. sa PL naman, nagpaseatwork lang sya. me +2 kami sa quiz on thursday ni diana. ayos. :) buti naman at ung thesis proposal namin e by group na. hehe. kundi, magkandaloka na kami. waha! topic pa lang laglag na ko e. toink. mahirap mag-isip ng topic kahapon. wala kasi ako sa sarili. hehe. ayun. lab na. madali lang naman. ka-format lang nung pinakopya nya samin sa lec. maaga sana kong natapos. kaso, lintik na filename un. dapat pala 8 characters lang. kainis. pero buti na lang naka-85 pa. ayos na rin un. kesa un dati na 60 e masaya na ko. haha. maaga rin ako nakauwi. before 7 tapos na ko. marami lang mga kaekekan. hehe. okay naman. madali lang nakasakay. mabilis lang ang biyahe. pero kung kailan nasa roosevelt na ko na malapit samin, saka pa ko nadisgrasya. pagbaba ko dun sa bulok na jeep e tamang-tamang nauntog ako nung pababa ako. bwiset. ang tanga nung jeep. ang sakit tuloy ng ulo ko. langya, kala ko simpleng sakit lang. pagkita ko sa kamay ko me dugo na! waaa! nakakapanghina. kung marami-rami lang un baka natumba na ko sa gitna ng daan sa sobrang panghihina. yikes. medyo malalim rin. nilagyan ko agad ng cold pack na ang bilis naman uminit. tsk. tas nilagyan na rin ni nanay nung cream na mabisa daw para sa pagpapagaling nun. ewan. tapos tinignan na rin ni mommy. bati na kami? hehe. ang sakit tuloy ng ulo ko ngayon. tsk. kainis. bakit kaya puro 30-second preview lang ung butterfly ni mariah carey sa imeem. tsk. di ko tuloy maidagdag sa playlist ko ung original. ung ke regine at kyla lang ang nakuha ko. pwede na rin un. aun. sana maraming masayang mangyari bukas. good night. Labels: cobol
Misinterpretation Leads to All-day Exasperation
Story told at 21:10 //
1 person(s) left violent reaction(s).
i slept at 10:30pm last night. that was really shocking! wala lang. ewan ko kung bakit. ang init-init kasi ng ulo ko kahapon sa kadahilanang hindi ko alam. pero naiirita kasi ako sa mga tao sa mundo kagabi. dagdagan pa ng mga taong nagpapagulo sa ttotoong katauhan ko. hapon pa lang asar na ko. pano, pati problema ng ibang tao pinapaproblema pa nila sa akin. problema nila sa buhay, sa love life. sows. kaya nga hindi ako nagboboyfriend dahil ayokong iluklok ung sarili ko sa pamomroblema tapos ganun din ung nangyayari. di naman sa nagrereklamo ako na sinasabihan nila ako ng problema nila. okay lang sa akin un. ang ayoko lang e ung dinadamay pa ko sa problema nila. problema nila, ayusin nila. hindi ung ako pa talaga ang gagawa ng paraan para magkaayos sa lahat na pag gumawa na ko ng paraan e wala rin namang nangyayari. nagegets nyo ba? nakakainis. isa pa, pati mga tao dito sa bahay. kapag tahimik ako, akala nila galit ako sa mundo. kapag nagsalita naman ako, galit pa rin. ano ba talagang gusto nilang maging ugali ko?! bwiset. kaya kahit anong gawin ko, tuwing uuwi ako sa bahay namen parang ayaw ko laging umuwi agad e. panu, ultimong sa bahay namin misinterpreted ung mga galaw ko. matutuwa ka ba nun?! tsk. pati ung mga taong lagi na lang ako minimisjudge.. wala akong magagawa kung ganyan ang tingin nyo sa akin. wala akong pakialam kung ayaw nyo sa mga galaw ko, sa paraan ng pananalita ko, sa paraan ng pakikisama ko. kung ayaw nyo ung mga ugali ko, sabihin nyo sa akin at saka kayo lumayo. hindi ung hahayaan nyo ko manghula sa totoong estado ko sa inyo. kung pinaplastik nyo ko, e di mamplastik kayo. hindi ko ikakamatay kung gawin nyo un. sabihin nyo lang agad kasi kapag ako na gumawa nun hindi nyo na magugustuhan.. sa mga namomroblema naman dyan, bago kayo pumasok sa isang bagay, siguraduhin nyo lang na lahat ng bagay kaya nyong ayusin ng kayo lang. hindi ung iaasa nyo pa sa ibang tao na hindi naman dapat nadadamay ung pagkakaayos ng mga bagay-bagay. malalaki na kayo. isipin nyo muna ung mga galaw nyo. naku. di ko maexplain tong nararamdaman ko. :( Labels: exasperation
Miracle
Story told at 20:27 //
0 person(s) left violent reaction(s).
2:30 na kami natulog ni inah. Pareho kaming nahikab, inaantok, pero hindi makatulog. weird. maaga pa lang nagbalak na kaming magjogging at magbadminton sa sports center. pero nagduda kami ng una. nag-alarm ako ng 4:45 pero duda talaga kong magigising ako. pero himala. isang malaking HIMALA. bago pa tumunog ung cellphone ko e nagising na ko. kaya pagkatunog na pagkatunog pa lang, napatay ko na agad. pero di pa ko nakapagtext agad ke inah. ayun tuloy, biglang nagparing sa bahay ang bruha -- na para bang wala akong ibang kasama. haha. magja-jogging daw sya para makalimot sa naging problema nila ni jhay. ako, bakit ako nagjogging? problemado rin ba ko?... nung gabi parang ayaw ko magjogging. nakakatamad kasi. pero nung umaga na, nauna pa ko ke inah sa sports center. excited na excited na ko pumasok kaso ang tagal naman dumating ni inah. mga 15 minutes din siguro ko naghintay. medyo tumaas na ung araw. me bitbit pa kaming backpack at badminton rackets. pagkaikot namin ng dalawa na naglalakad lang, minabuti na lang naming maglaro ng badminton. di na kami sa mismong court. dun na lang kami sa basketball court na katabi nung police station. haha. ang sarap nga ng laro namin. parang pumayat ako lalo. haha. mga 8 pa lang umalis na kami. ang init na kasi. nagbihis lang kami dun sa cr sa entrance ng sports center na dalawang piso ang bayad pag magbibihis pero napakarumi naman. err.. tapos dumirecho na kami sa starbucks. kahit 100 lang ang pera namin, nabuhay kami. haha. ung tall azuki frap, pinasplit pa namin sa dalawa. hanep. haha. tapos, sinabayan namin ng pandesal na binili ko sa bakery kanina bago ko nagpuntang sports center. hanggang almost 10:30 din kami dun. ayaw pa kasi namin umuwi. haha. pero napilitan na kami umuwi dahil masyado na kami matagal dun. mas masarap matulog sa bahay. waha. at pagdating ko ng bahay, aun nga. natulog ako. hanggang 2. haha. tas nagpunta na ko ng dentista. dyos me. sobrang kaba ko dahil akala ko ooperahan ako ngayong araw, langya, di rin naman pala matutuloy. tas napagastos pa lalo dahil sa mga kagagahan ko. bwiset! namomroblema tuloy ako ngayon. hay. pauwi na sana ko pero naalala ko ung bag ko. naghanap ako sa palengke ng gumagawa. pero bago pa ko makaabot ng palengke e napadaan ako ng simbahan nang wala sa oras dahil sa bwiset na OPSS na un. haha. pagkagaling ko kasi sa clinic, di na ko nagsuot ng helmet. matapang ako kunyari e. aun.. nakita ko na sya nakatingin sakin. pero dumirecho pa rin ako kahit nagpipito na sya. haha. gagu nu? kaya umuunlad ang pilipinas dahil sa mga taong tulad ko. bravo! wahaha! aun. sa riverpark kami nagdinner. bumili sila ng pizza at manok sa tabi-tabi. hehe. nakaraos naman. tas nagpunta kami dun sa mini zoo sa gitna ng skating rink sa riverpark. langyang sawa un. nakakapangilabot! argh. malaki pa yata sa katawan ko un e. yikes. tas umuwi na kami. stroll lang ulit ako... ayoko nang napipirmi sa bahay. argh. buti na lang me pasok na bukas. pahirapan na naman sa pag-uwi nito. tgsh. Labels: jogging
Thomasians: M&M's
Story told at 01:28 //
0 person(s) left violent reaction(s).
M&M's? mayayamang mayayabang. we are not what other people like HIM think we are. humble kami. kayo na lang ang gumagawa ng gusto nyang paniwalaan. anyway, we don't care. basta kami, kami. kayo? ewan. isa pa, tandaan nyo, kung mainit ulo nyo, wag na lang kayo magreact sa sinasabi ng ibang tao kung ayaw nyo ng gulo. tapos magsosorry kayo. sows. moral: panindigan mo ung sinasabi mo. whatever... Labels: thomasians
Bag-addict!
Story told at 01:14 //
0 person(s) left violent reaction(s).
it's sunday! so what? 3 am na ako nakatulog pero ginising nila ako ng 9 am. ang saklap. almost 11 e bihis na ko. punta raw kaming greenhills e. si daddy pa nagsabi. sa bilis gumalaw nun, pag sinabi nyang ganitong oras, ganitong oras. haha. kaso pilipinong-pilipino kami kaya 12 na rin kami nakaalis. kamusta naman un. sa luyong kami nag-lunch. waha. napakaraming tao. kinailangan pa naming maghintay. ano kaya meron? yumyum. buttered chicken, sweet and sour lapu-lapu, tortang chorva -- which is hindi ako kumakain -- at walang kamatayang lumpiang shanghai. hehe. masarap naman sila. pati nga ung langaw sarap na sarap sa pagswimming sa royal ko. gagu. pumunta na kami greenhills. dahil kulang ang tulog ko, natulog lang ako sa daan. paggising ko, nandun na kami. ang galing. :) wala naman kaming binili. maliban sa rubber shoes ng kapatid ko na parang binili na rin sa department store, damit ni mommy na pampabata, 2 razorback sandos at bag ko na ilang taon kong hinanap. haha. lahat ata ng tindahan na me bag e tinignan ko na. kung kailan pauwi kami saka lang ako nakabili. haha. 500. worth it? pwede na. :) tapos sta lu naman. grocery. daming tao. buti na lang mautak tatay ko. habang namimili kami e pumila na sya. e di ayos. :) tapos umuwi na kami sa napakakalat naming bahay. inutusan akong magwalis at magkuskos ng sahig pero hanggang ngayon nakaharap pa ako sa pc. 1:30 na. me jogging pa kami ni inah ng 6. kamusta naman un? good luck. me dental surgery ako bukas. please pray for my soul. Labels: bag
Haggard! PBB done.
Story told at 00:37 //
0 person(s) left violent reaction(s).
like last saturday, late na naman ako kanina. hehe. ang tagal-tagal ko kasing naghintay sa fx, jeep din naman pala bagsak ko. okay na rin. patok naman. hehe. nakasabay ko pa si jerico. alam kong late na rin sya dahil pagbaba ng lrt katipunan e nagtatakbo na sya. toink.buti na lang walang quiz kanina. kundi, yari ako. babagsak na naman ako. wala namang bagong nangyari. maliban sa kasama namin si karla nung break, nagparenew ako ng membership sa ICOn. wala na. ordinaryo lang. from 1 to 7, wala kong ibang inisip kundi matapos na lahat ng klase ko at nang makauwi na ko. "krrrrrriiiiiiinnnnnnnnnggggggggg!!!" nag-uwian na nga! almost 8 na nung umalis ako sa school. nagsoli pa kasi kami ni arizia ng book na hiniram namin about ASP. tapos hihiram sana kami ni steph ng chicken soup for the soul. kaso sabi naman nung librarian, down daw ung system kaya hindi makakahiram. biglang pagbaba namin nakita namin si joanne me dalang dalawang libro. hayuf na librarian un. kung nasa 2nd floor lang ung humanities section, inakyat na ulit namin ni steph un. e kaso nasa 5th floor pa. kamusta naman un. pagbaba namin e hindi na pwede humiram. haha! binalak ko mag-fx, kaso ang traffic. nag-lrt na lang ako tulad ng nakagawian. okay naman. mag-isa lang ako gaya ng 4 sems ko sa uste. pero pagbaba ko ng katipunan. langya, indulto inabot ko. ang hirap sumakay! nagpabalik-balik na ko from shed to shed pero wala pa rin! buti na lang me bagong biyaheng SSS Vill. dun na ko nakasakay. masaya na sana ko. kaso naman, pagbabang-pagbaba ng jeep na sinakyan ko sa tulay sa barangka, na-stuck na kami dun. hindi na umandar. tumigil nang matagal. akala ko aabutin na ko ng hanggang bukas dun at hindi ko mapanood ung big night. sa kalagitnaan ng paghihintay na un, hindi ko napansin nandun pala ung classmate ko nung 4th year na si rexter. buti na lang pinansin ako. medyo nagkaron naman ako ng kausap. kaso me tao sa gitna namin. naiilang naman ako. di na lang ako nakipagdaldalan ng matagal. aun nga... buti na lang medyo marunong pa kahit papano ung driver. pinatay nya ung ilaw ng jeep, tinanggal ung signboard at sinabi sa amin, "sabihin nyu service to a?" sumang-ayon na lang kami. sa loyola kami dumaan e bawal kasi ang PUJ dun. swerte at wala namang nagtanong. baka kasi ung nasa likod ang tanungin e magkamali ng sagot. babanatan pa ng driver un. mapapatagal pa lalo. mega over traffic talaga! akalain nyo, 9:15 na ako nakababa ng sports center! tae. pero pagbaba ko naman e sinalubong ako nina mommy na nanggaling sa market! market! at sta lu. buti naman. medyo bawas pamasahe at pagod na rin. pagdating namin, XXX pa lang! buti naman. akala ko di ko na mapapanood ung PBB. buti na lang umabot... maraming pinakita. pero papaikliin ko na. 4th big placer: gee-ann abrahan -- parang hindi sya kuntento. hehe. 3rd big placer: wendy valdez -- atleast, hindi sya ung big winner! waha! 2nd big placer: mickey perz -- wala lang. parang bata lang sya. pinoy big brother season 2 big winner: beatriz saw -- wala lang. parang walang nangyari. normal na pumalakpak ang mga tao pagkababa nya sa malaking disco ball. argh. nothing much to say. hehe. actually, ayaw ko ke bea dati. pareho kasi kami ng ugali. parang walang reaksyon sa mga bagay-bagay. gusto ko si nel ang manalo. kaso naalis na si nel at si bea ang nanalo, wala na kong gagawin kahit ano pa gustuhin ko. aun. natapos na pbb. mapapaaga na tulog ko. hehe. infairness, masaya pa rin ako kahit medyo hindi ko pa rin magets kung ano ba talaga ung gusto sabihin ni dadi. still, i'm happy. i had conversed with him -- again. i'm gonna miss him again. err. -- ang kailangan kong gawin ngayon ay ayusin ang notes ko para magkakinabukasan na ko. quiz week na bukas alam ko! good luck na lang... O_O Labels: pbb
My name is Ma. Angela Solis Solomon. My friends call me Angela, Angel, Anj and Gela. I was born on October 19, 1988 which is equivalent to 21 years of my existence in this world. I am the only daughter of Caloy and Belen. I am proud to be a Filipino. I have two brothers namely Alex (25) and Marc (11). Raised in Marikina City but grew up in Cainta, Rizal. I am a more-or-less-113-lb 5-foot-7-inch girl who was once offered a glamorous modeling career by one of our bus-mates in Hong Kong in 2007 but refused it. Already tried different whitening soaps to have a fair from a slightly dark complexion. I so hate the fact that my mom loved eating a pound of M&Ms Milk Chocolate when she was pregnant to me. Well, I had no choice but to believe in this saying, "Black is beauty."
Done with schooling. Grade School: Roosevelt College Cainta '01. High School: Our Lady of Perpetual Succor College (OLOPSC) '05. College: University of Santo Tomas (UST), BS in Computer Science '09. Masteral: soon. :)
Interests: Surfing the Web, shopping, daydreaming, fashion, sweets, gadgets, celebrities, out-of-town trips, hanging out with friends, reading books (of Paulo Coelho, Bob Ong, Mitch Albom, Sophie Kinsella), movies, music, food, beach, love, life. A WHOLE LOT MORE.
Working for Stream Global Services (CC7: Shaw) since May 2009 as a Customer Service Associate 1 (Account: AT&T HED).
I belong to an organization in our parish (Our Lady of the Abandoned in Marikina City) named Eco-Disaster Management Team since March 2007. I was surprisingly recruited by a friend of a friend. I became the committee head for membership and food on December 2009 as appointed by the chairman. Our mission is to serve the people. We do free weekly BP Operation, conduct outreach programs and extend our helping hand during calamities.
Mood swings.
How did I get engaged to blogging?
When I was kid, I always wanted to be a doctor. Then when I reached high school and got recognitions in my computer skills, I realized I wanted to become a computer programmer/web designer/web developer - or whatever you call a person who uses computer for a living.
I officially started blogging in 2005 after my website project in my fourth year in high school. Been signing up in different blog sites until I found my stability in Blogger in May 2007.
(Edited on 01252010 around 5:00PM MNL, Solomon's Residence.)
Editor: /rac♥
Background: stinkkyy
Layout/Coding: Mary
Inspiration: xanga livejournal
Host: 1 2
Regarding the Viewing of Profiles
Story told at 10:40 //
0 person(s) left violent
reaction(s).
-- if you don't want other people to view either your profile or your boyfriend's/girlfriend's profile, you better cancel your accounts. ang corny nyu! haha! (pwede ring gumawa na lang kayo ng sarili nyu site para walang ibang titingin. :P) kung "feeling" nyu naman e "perpekto" na kayo, bakit kayo nagwoworry kung me ibang taong magview ng profile ng me profile? nasa policy ba ng friendster un? anung number? pakisabi.. haha! anu ba yan.. i shouldn't be going down to your level. argh. ang corny. haha. alam mo bang pinagtawanan lang kita? haha. tandaan mo to, di aku katulad ng iniisip mu. baka ikaw pa. :P *** haha. pero sabi nga ni tin, hayaan na. hehe. actually, hindi ko naman talaga dapat patulan un. natatawa lang ako sa mga pinaggagagawa nila. haha.
Free from Ma'am Cha
Story told at 23:06 //
0 person(s) left violent
reaction(s).
2:00am na naman ako nakatulog. at hindi na bago un. nag-alarm ako ng 7:00am pero hindi rin naman ako bumangon. hindi rin bago un. umaga na ako nagnotes sa PL. para sana fresh pa sa utak ko. kaso onti lang din naman ung naaaral ko. ang haba e. nakakatamad. hehe. maaga ko kumain kaya marami akong kinain. tas adobo pa ulam. paborito ko. ke sarap ng luto ng nanay ko. hehe. past 12 na nung makaalis ako ng bahay. medyo harsh ung byahe ko ngayon dahil papasok pa lang ako e nagfoundation na agad ako ng usok. papuntang LRT katipunan lang un a. argh. how i wish magkaron na ng terminal ng fx dito sa roosevelt. argh. late ako. 1:15 ako dumating sa USTe. syempre, nagtatakbo na ako. dahil nasa harap ang pintuan, nakakahiyang pumasok ng late. pero nasa 2nd floor pa lang ako, medyo hingal-hingal pa, nakasalubong ko si allyson at angeli. WALA DAW SI MAA'AM CHA!!! ang galing! iniisip ko pa lang na sana makasalubong ko sila, nakasalubong ko na nga! haha. nung una nalungkot pa ko, hindi dahil wala si maam cha, kundi dahil me english pa. haha. ayoko ng subject na un. ang boring. hehe. nagjeep lang ako pauwi. bukod sa mas mura, hindi ko rin naman nakasabay si angeli. un nga lang, wala na kong katabing macho gwapito. inantok lang ako. haha. tamad na tamad. haha. ngayon, eto nakaharap na naman ako sa computer. ewan ko kung ano oras ako matapos dito...
Sta Lu
Story told at 22:21 //
0 person(s) left violent
reaction(s).
kakauwi ko lang galing sta lu. infairness, ngayon lang ulit ako nakatungtong dun. bibili sana ko ng sapatos para sa school. me nakita na sana ko, sa finickee. anak ng tae, walang size! bwiset na paa to. argh. magsisimba ako dapat ngayon. pero hindi na naman ako nakasimba dahil sa pag-aaya nila sa akin. argh. pahamak talaga tong mga to. baka sabihin pa ng diyos kung ano-ano pa inuuna ko kesa sa kanya. tsk. nag-aahente ung nanay ko ng bahay. bale apat silang ahente. since ako ang magvivideo at magpipicture gamit ang camera ko, me commission din ako. wahaha! ayos. :) ayun. walang masyadong mangyari. ni wala man lang akong nakitang cute sa mall. argh. nakakatamad tuloy. haha! owel, life is really great. bukas, punta kami ng cavite. yey! :)
Condolence
Story told at 16:02 //
0 person(s) left violent
reaction(s).
this was my six-year-old ring. matagal na talaga tong singsing na to sakin. i couldn't remember if it was exactly mine for 6 years or less. did you know that it was from cavite? yeah, you read it right. this cheap ring was from cavite pa. i bought it during the fiesta. sa naglalako ko lang po to binili. dun sa naglalakad na me tinutulak lang. nakipagsiksikan pa ko nun para lang makabili. ang cute kasi. naaaliw ako. simple lang sya pero it looked good dahil nandun ung pangalan ko. i feel unique. haha. aun. it cost only 10 pesos. very cheap nu? haha. i always wore this. whether nasa bahay lang ako, nasa bonggang occasion, natutulog, kumakain, naglilinis, even on my debut party, suot ko to. hindi ako nagpapabili ng ibang singsing because i'm content with this. i know mahilig ako sa accessories pero not with rings. talagang okay na sa akin un. there was this one time pa nga na pati ung mga pinsan at tita ko bumili na rin dahil tumagal nga kasi ung akin. tapos nagpagawa pa ako ng isa pang singsing na katulad na to, necklace, bracelet at anklet. pero lahat, nasira na, buo pa rin tong original. naalala ko pa nga. ang daming nagtatanong kung san ko daw nabili. parang manghang-mangha pa sila na 10 pesos lang un pero umabot na ng ilang taon. nitong week lang, me isang tao pang nakapansin nitong singsing ko. i just couldn't remember who it was. err. kanina, nagbabasa lang ako chicken soup. due na kasi un on monday (pero tuesday ko pa isosoli, magmumulta na lang ako 5 piso). nakahiga lang ako sa kama. naisipan ko magpalit ng pwesto. aba'y, sumabit ba naman ung singsing ko dun sa bwiset na knitted na kumot ng nanay ko. argh. di ko naalala agad na posibleng masira ung singsing ko na un. maraming beses na rin kasi sumabit yun pero hindi talaga nasisira. ngayon lang. pagtingin ko, wala na sa kamay ko. un pala, nakasabit nga dun sa kumot. nakakainis. nasabi ko na lang, "Ehhh!"this is how it looks like now... too bad it's now broken. i never thought it would come to this end - to this tragic end. :( akala ko pa naman hanggang sa college graduation ko eto pa rin ung singsing na makikita ko sa graduation picture ko. :( this ring is very important to me. if not, why would i still bother to post about it here, di ba? err. sad. :( Labels: ring
Whattaday
Story told at 11:47 //
0 person(s) left violent
reaction(s).
(posted for 21 july) err. kahit alam kong dahil sa oras ng pagtulog ko kaya bumababa dugo ko, 2:00am pa rin ako natulog. ganun ako kapasaway. takot ako pumasok. panu, baka maranasan ko na naman ung naranasan ko kahapon. nakow. birthday ni leah ngayon. 1:00am pa lang binati ko na. ang adik noh? siguro natutuliro na sakin un. nasa school pa lang kami binabati ko na. haha. adik. late ako. syempre, sabado. laging ganun. hinapit ko kasi ung presentation at documentation namin sa CS102 (file organization) pati NS103 (environmental science). un nga lang, hindi naman kami nagreport. err. okay na rin. hindi ako ready. waha. potek. bagsak ako sa first quiz sa CS103. 17/30. kulang pa ng one point, hayuf! wala si maam cosme. nung una nag-arm wrestling lang kami ni steph. since kami ang seatmates simula sa nakakalokang discrete math namin. wala kami magawa. nag-arm wrestling kami. talo ko sya. akalain nyo un. haha. aun. nagkalat na. lahat ng kababaihan samin nag-arm wredtling na rin. maliban ke leah na busyng-busy ke droo. :) naglaban din kami ni diana. kaso, as we all know, she's terrible. talo ko. :P sa laki ng muscles nun. potek. kahit matanda na un, malakas pa un! haha! (if only she could read this, for sure me kurot at hampas na naman ako dun, haha) hanggang sa mag-aya si karla ng uno. hehe. first timer ako dun. dati di ku sila panapansin maglaro. wala kasi ako hilig sa card games maliban sa ungguy-ungguyan at solitaire na laro ng mga walang kwenta. haha. aun. pangalawa kong nanalo. nice noh? :P tapos pagkatapos ng natsci, tumakbo na kami ni steph sa library. humiram kami ng books. sya para sa project nila sa PL. ako, chicken soup for the teenage soul na ilang beses ko nang hinahanap-hanap. at last, nakahiram din ako! naisipan ko mag-jeep. tinitipid ko kasi ung lrt card ko. para umabot hanggang sa tuesday (super mega cost-cutting ako). haha! mabilis naman ako nakasakay. 7:30pm ako nakaalis ng USTe. nakauwi ako? almost 10 na. :D hindi ko alam kung malas lang ba talaga ko. sa pagkakaalam ko, wala naman ako balat sa pwet. pero nagtataka ko kung bakit puro kamalasan na lang inaabot ko. bandang hapon pa lang, me nariring na kaming mga bumberong nagdadaan sa school namin. syempre maririnig naman un dahil nasa tabi ng daan ung building namin. err. aun. nasa españa pa lang ako, laganap na ung mga bumbero. tuloy, lalong nagkakagulo sa daan. alam na kasing traffic, dun pa dadaan. aun. pagpasok namin ng E. Rodriguez, hala, natigil kami sa bandang QI. nandun pala ung sunog. adik. kaya naghanap kami ng alternate route. nakaabot kami sa UERM. sa sta mesa kasi kami dumaan. err. wala naman si stephen dun. haha! aun. e 5 lang kami sa jeep. tas wala pang cute. ang boring. nakakatamad. ginawa ko, binasa ko na lang ung chicken soup for the soul. adik. buti na lang di ako nahilo. lobat na kasi ako kaya hindi ako makapagtext o makapagradyo man lang. sayang lang ung pagkaka-unli ko. err. aun. pag-uwi ko, kumain ako agad. kasi tamang-tamang kumakain sila. argh. alimasag. grr. i hate that. di ako nabubusog! inuwi daw nung contractor nina daddy sa ACE. sang lupalop kaya nanggaling un. haha. buti na lang me giniling. nice. yumyum. :) at nagloko ung smartbro kagabi. maaga pa lang tumatawag na ko sa smartbro pero ang hirap nila contactin. ako tuloy pinanggigigilan ng pinanggigigilan. err. i hate it. kaya kahit 1:00am na, tumawag pa rin. hoping na maaayos pa. kaso wala. sira daw base station. too bad. buti na lang okay na ngayon. obviously. haha. lunch time na!
Transient Ischemic Attack?!
Story told at 01:10 //
0 person(s) left violent
reaction(s).
i though i was about to die. hindi pa pala. sayang. haha! umaga pa lang talagang sumasakit na ung puson at tiyan ko. i thought it was just a simple dysmenorrhea, but everything turned out to be so terrible when i reached the lrt2 katipunan station. pagbaba ni angeli, hindi ko alam kung bakit bigla na naman sumakit ng grabe ung tiyan ko. stomach cramps. err. hindi ako makagalaw. pero syempre, ayoko magpaka-stiff dun dahil baka magpanic ung mga tao dun at isipin e hihimatayin na nga ko. "arriving at katipunan station. paparating na sa katipunan station." when i heard that, i was too excited because at last, i could go home. dahil nga kasi sa stomach cramps ko. pero palabas pa lang ako ng pinto, nagsimula nang magdilim ung paningin ko. lalo na when i went out of the train and i was about to ride the escalator. feeling ko talaga magko-collapse na ko! kaya nga ang ginawa ko, minabuti kong dumaan muna sa wash room sandali para makapagwash-up at baka sakaling sa sobrang init lang. i also peed. :D knowing na that cubicle was for employees only, iintindihin ko pa ba un e ang sama na talaga ng pakiramdam ko. err. nakita ko pa naman ung lola ni camille. nakakahiya. baka sabihin, taga-UST pa naman ako pero ang hina ko umintindi. naku. if only i had the chance to explain to her what was happening... err. tas aun nga. paglabas ko ng wash room, the guard was looking at me. siguro napansin nya sobrang putla na ko (infairness, natuwa ako, pagtingin ko sa salamin, ang puti ko, haha). tas aun. hinang-hina pa rin ako. di ko na maintindihan kung ung lakad ko ba e lakad pa ng matinong babae or what. di ko na macontrol ung actions ko dahil sobrang nagttingle ung buong katawan ko pati sobrang numb. aun. bumili muna ko tubig tas waffle (parang nasa USTe lang, haha). pero hindi pala talaga gutom un. naghihintay na ko ng jeep, biglang umalagwa na naman. err. kaya kahit anong jeep sinakyan ko na makaupo lang ako (calumpang naman ung nasakyan ko, kesa naman umupo ako sa kalsada, kamusta naman un). at nagtricycle na rin para diretsong bahay na. aun. awa ng diyos nakauwi naman ako ng ayos.. when i got home, naiiyak-iyak pa ko. haha. nanginginig ang boses ko. di ako makapagkwento. parang tuwing babanggit ako ng salita, naiiyak ako. haha. takot kasi talaga ko. err. aun. my mom and i consulted our medical book. we found out na ung mga nangyari sa akin e symptoms ng transient ischemic attack at mild stroke (ye, you read it right, mild stroke!!!). akalain mo un! me sakit pa ata ko sa puso. err. pero when my dad knew what happened, isa lang ang conclusion nya, "me mens ka ba? ... meron pala e! un un!" very nice... : grabe. unforgettable experience talaga. i never want to experience that about-to-collapse feeling again! that really sickened me! hindi pa ko handang mamatay! what if sa daan ako nagcollapse?! omg. pero ang weird ko talaga. the time na nagdidilim na ung paningin ko, naisip ko talaga mamatay na ko. na panu un, hindi pa alam ng mga magulang ko kung anong dapat na kulay na kabaong ko at kung paano ang funeral rites. wala pa rin akong lupang paglilibingan. err. pero that time, i realized na dapat ienjoy ko na ung buhay ko. na gawin ko na lahat ng pwede at kaya kong gawin habang nabubuhay pa ko. we'll never know kung kelan tayo mamamatay... and there goes exaggeration. ang loss of consciousness, napunta sa kamatayan. haha.
i cheer Go USTe!
Story told at 02:35 //
0 person(s) left violent
reaction(s).
i really like this "i cheer Go USTe!" racerback sando. it's cute, isn't it? :)
Aswang
Story told at 02:28 //
0 person(s) left violent
reaction(s).
eto, nagkape na naman ako kaya kahit 2:38am na e gising pa ku. argh. akala ko kasi sisipagin ako gawin lahat ng gagawin. kaso pag tinamaan ka naman talaga ng katamaran. nakow, walang mangyayari sa buhay mo. tsk, tsk. naka-isang tumbler na naman ako ng kape. naman! ang hirap-hirap ko ngayon. bankrupt ako. haha. kasi naman ako e! err. ang dami ko namimiss gawin sa buhay ko. hay. kelan kaya ulit mauulit ung mga nangyari dati. hay. i feel incomplete. something's missing. i just don't know what it is. pero siguro, i'll try to enjoy living my life. saka na ko maghahanap ng sakit ng ulo pag matataas na grades ko. waha. studies first muna. err. T.T
Wednesday Laboratory
Story told at 02:26 //
0 person(s) left violent
reaction(s).
err. ngayon lang ako inabot ng hanggang 8:00pm sa lab pag cobol programming. kainis. ang sakit sa ulo mag-ayos ng filler! okay na. nagpprint namin. mali-mali lang ung lumalabas sa hard copy. err. minus 10 tuloy ako. pero buti na lang naka-80 pa ko. kesa naman 60. argh.
Tuesday Bagyo
Story told at 02:24 //
0 person(s) left violent
reaction(s).
parang last week umulan din ng malakas. pero iba ung ulan nung tuesday. ang lakas talaga. err. malamang, basa na naman ang pants namin ni angeli. haha. kamalas-malasang tuwing uulan na lang, hindi ko dinadala ung tsinelas ko at backpack. hay naku. simula ngayon, every tuesday ko na dadalhin ung mga un!
Valenzuela Trip
Story told at 23:26 //
0 person(s) left violent
reaction(s).
me project kami sa PL. si arizia ang partner ko. matagal na naming napag-usapan na pupunta ako sa kanila para dun. pero kanina lang ako nakapunta. hehe. sabi ko 9 ako aalis ng bahay. pero almost 11 na ko nakaalis. nagjeep lang ako hanggang cubao, at nag-bus hanggang sa village nila. medyo traffic din. tas ang dami pang stopover nung bus. err. aircon ung nasakyan kong bus pero parang ordinary lang dahil sa init. argh. 1 na ko nakarating dun. adik. buti na lang nakita ko si arizia nakatayo dun sa kanto ng village nila. di ako naligaw. haha. pagdating, gumawa na agad kami. kasabay ng tv, cookies, pancit, chocnut, jellyace at c2. almost 7:30, binalak ko na umuwi. nung nasa daan na kami, biglang dumating ung mommy at daddy nya. bumalik pa kami sa kanila para kumain. mga 7:45 siguro ko nakaalis ulit dun. ang bilis ko kumain e. kahit pangalawang beses ko na nakapunta dun at mabait naman ung parents nya, nahihiya pa rin ako. di na ko hinatid ni arizia. pagkasakay ko ng tricycle, bumalik na rin sya sa kanila. mabilis naman ako nakarating sa kanto ng village nila. tas sumakay agad ako ng jeep. nung una, naalala ko talagang sumakay kami ng jeep dati. pero nung nakakita ko ng bus na dumadaan dun, bigla ko nagdalawang isip. parang gusto ko bigla bumaba ng jeep. akala ko nagkamali ako. haha. un pala, tama lang palang nag-jeep ako (kahit bwiset na bwiset ako dun sa high school students na nakasabay ko na feeling nila e service nila ung jeep, tatapunan pa ko nung buko nung bading, ang sarap sabunutan). buti na lang nakita ko ung binabaan namin dati. biglang luminaw ang pag-iisip ko. haha. akala ko naligaw na ko. di ko pa naman kabisado talaga ung daan. hehe. tapos 8:30 na ko nakasakay sa bus. ang saklap. puro ordinary kasi ung bus dun. gusto ko aircon. haha. mabilis lang ung biyahe. mga 20 minutes nasa cubao na ko. dumaan pa ko ng gateway para mag-cr. haha. nag-jeep lang ako. patok. tutal pauwi na rin naman. para masaya. anak ng tae. hindi ko alam kung bakit tuwing me innova na dadaan e plate number agad an gtitingnan ko. walangya, pagtingin ko dun sa isa, ZHM601. ke dadi un! bwiset. namiss ko lang sya. haha. pero nagtataka ko, anu un, dala nya sa school? e di lalo na ang dami nagkandarapa dun? naku... haha! sana di nya mabasa to. huling-huli ako. hehe. almost 10 na ko nakauwi. buti na lang naabutan ko pa si director choi. haay. ang gwapo talaga. :) Labels: valenzuela
Joyride
Story told at 23:19 //
0 person(s) left violent
reaction(s).
haha. wala kaming magawa. kahapon, nagpunta kami ni mommy, kuya, ate nikki, aya, marc, nanay at tita edith sa kung saan-saan. si daddy? iniwan namin sa bahay. haha. :) nagpunta kami sa sucat para sa bioresearch. pet shop. haha. bwiset. wala namang makita dun iba bukod sa isdang masarap prituhin, asong masarap i-menudo at ibong masarap gawin fried chicken. nakakaaliw lang kasi ang dami talagang isda. un nga lang. puero isda na lang. nakakasawa rin kaya! dadaan sana kami sa manila zoo. buti na lang pasara na. haha. hindi ko naman namimiss ung mga kamag-anak ko dun kaya ayoko pumunta... haha! dumiretso kami sa luneta. the hell... ang corny na dun! haha. ayoko nang bumalik dun. wala na ung mga guardia sibil. wala nang mapaglaruan. haha! tapos dumaan kami sa baywalk. di ko nga nakuhanan ung sunset. medyo dilim na kasi nung dumating kami dun. aun. pero nagpicture pa rin kami dun. pero hindi na maganda dun. di na kaaya-aya. bukod sa me foreigner na kumukuha sa akin ng video, masangsang na amoy dun. di mo mate-take kumain. argh. nandun pa nga ung aegis. nakakawalang gana lalo. haha. tapos pumunta na kami sa riverpark. dun kami kumain. at dun na natapos. nagpagod lang ako. sana ginawa ko na lang ung mga dapat ko gawin. hahay. Labels: joyride
Inuman at Mayrics!
Story told at 01:01 //
0 person(s) left violent
reaction(s).
hindi namin malaman kung anong mga pumasok sa utak naming magkaklase at naisipan namin uminom matapos ang klase namin. akala ko lokohan lang. pero pagtapos ng klase namin. totoo ngang iinom kami. desidido. haha. sino-sino kami? ako, karla, diana, mark, gena, master, steph, gelo, leah and droo. haha. nung una sa 1611 kami nagpunta. e kaso puno kaya lumipat kami sa mayrics. wala namang tao. haha. wala kasing gig. pero after more than 2 years, ngayon lang ulit ako nakatungtong dun. good thing hindi pa polluted. haha. usapan, tig-iisang bote lang. haha. parang titikim lang kami. umorder lang ng dalawang calamares at isang liempo. tas ung iba kumain ng kanin. hehe. pero nung kalagitnaan, inalok kami ni champ. haha. aun. me dumating pa ulit 8 bottles. e ung iba hindi naman uminom. kami na lang nina mark at diana. hehe. naka-more than 2 bottles of san mig light din ako. dahil hindi na ako sanay uminom ng ganun, inaamin kong nalasing talaga ko. haha. pero i still have the whole piece of myself. mas mukhang tanga lang. haha. bandang 9:30, umuwi na si karla, master at steph. okay lang. hindi sila pwedeng uminom at gabihin. kaming iba, naiwan. hehe. tapos nakasama pa namin si rex, niko at jp. okay naman. mga 10:45 na kami nakaalis dun. kasabay ko si leah, droo and rex gang cubao. pero nung nasa cubao na kami, kami na lang ni rex ang nagkasabay. punta pa kasi si rex sa sss. dun daw sa isang kabarkada nya. tamang inom na naman sya. parang wala sa vocabulary nya ung nalalasing. haha. aun. nagtaxi sya. sinabay na ko gang blue wave. ayos. :) sana maulit un. masaya sya. :) sana lahat makasama na. mas masaya un. :) Labels: inuman, mayrics
Story told at 20:17 //
0 person(s) left violent
reaction(s).
nakakasawa rin pala ang siomai... haha. parang kahit kailan ayaw ko na ulit me makatungtong na siomai sa mga bibig ko. hahaha! :) 7:30 ata nag-alarm ako. pero hindi ako nagising. ewan ko ba. 1am na nga ko natulog. kung tutuusin maaga na un. :) kaso tanghali pa rin ako nagising. bakit? pampam na panaginip un. nakakapagod. panaginip? hay naku. lumabas daw ako ng bahay tapos me stalker daw ako (pero hindi ako natutuwa dahil hindi naman kasing-gwapo ni jake cuenca ung stalker). dyos me. ang tanda na. hindi ko alam kung saang dimensyon nanggaling un. tapos, super mega kinabahan ako kasi hanggang bahay namin talagang sumunod sya. ultimong bintana ginagapang nya. kung san ako nandon, nandon din sya. hanep. ayoko nang panaginip na un. bangungot na nga un e. kung si jake cuenca, sam milby o piolo pascual un, sweet dreams un. haha. ano kaya ibig sabihin nun? wala naman naghabol sakin ngayon. kainis. haha! :P nakabackpack ako. me dalang tsinelas. sa pag-aakalang uulan. pero nagkamali ako. umulan. pero ni hindi pumatak ang ulan nung papasok ako at pauwi. bad trip. pero okay na rin. at lease di umulan. mas mahirap ata ung umuulan. haha. buti na lang di pumasok si mimi kanina. natraffic daw. asus. pero okay lang. di kasi ako nakaaral ng ayos. hihi. mamaya mag-aaral na talaga ko. hintay ko lang si DIRECTOR CHOI! haha! :)
76? I thought 30!
Story told at 11:32 //
0 person(s) left violent
reaction(s).
ayos. inihatid ako sa LRT kahapon. nagpunta kasi sila sa divisioria kaya sumabay na ko. sa santolan. ngayon lang ulit ako nakasakay dun. :) namiss ko dumaan sa tulay ng marikina. haha. CS103 na naman ang first subject ko. syempre, kawawa na naman ung prof ko dun sa dami ng inaabot nyang panlalait samin. haha. CS106. ang saya! ngayon lang ako nakaramdam ng saya sa subject na un. haha! panu, nagquiz kami dun nung friday. akalain mong over 100, naka-76 pa ko! ang galing! medyo mababa pa rin yan kung tutuusin pero achievement na sa akin yan dahil 30 lang ang ineexpect ko talaga. haha! ang galing talaga infairness. sana sa cobol ganun din. *sigh* quiz lang sa ETAR. discussion sa CS102. tapos uwian na. masaya sana dahil medyo maaga kami dinismiss ni maam perl di tulad nun mga nakaraan. ang kaso naman, bumabagyo! literal na bumabagyo! langya, natapat pa naman na wala akong dalang tsinelas na binabalak ko na sanang dalhin nung papasok ako. tae. buti na lang me dala akong payong kahit papano. kaso natapat na ung bag kong bronze ang nadala ko. dapat backpack. argh. pero lumusong na kami ni angeli. mukhang hindi na kasi titigil ung ulan. grabe. kahit nasa pedicab kami e basang-basa kami. tsk2. basa tuloy ung sapatos ko. waha! at ngayon, wala si maam cha. english lang ang klase ko. kamusta naman un... :/
Story told at 21:34 //
0 person(s) left violent
reaction(s).
magja-jogging sana kami ni inah pero dahil sa 2:00am na ko nakatulog at sobrang sakit pa ng ulo ko, hindi na ko naggising kahit sangkatutak na text messages na ang nareceive ko galing sa kanya. haha. 10 na ko naggising. pero 10:45 ako bumangon. katamad e. hehe. attire: khaki shorts, brown racerback, coat, flats, banig bag. :) nagpunta kami sa camp aguinaldo, camp crame, sta lucia realty and development, megamall at blue wave. wala kasi kaming magawa. walang magandang nangyari sa araw na to. :-/
A Day With Inah
Story told at 21:28 //
0 person(s) left violent
reaction(s).
umaga ako nagpaschedule sa dentist. tumawag pa ko. di rin naman pala ako makakapunta. haha. after lunch na rin ako nakapunta. nagpunta muna kami ng loyola kasi birthday ng nanay suila kahapon. aun. hinatid na lang nila ako sa dentist after dun. nag-adjust lang. hindi sana ako mapapatagal kung hindi sila naglalandian nung asawa nya na orthodontist ko. hehe. pero ayos lang. kaso ang sakit ng ipin ko hanggang ngayon. pati utak ko ayaw magfunction normally dahil sa dami ng sinisingil nila. bwiset na mga un. haha! pero sabi pwede na raw tanggalin ung braces ko. ewan ko lang kung ipapatanggal ko na. hehe. pagkatapos, umuwi muna ko. magkikita kasi kami ni inah. kaso nasa antipolo pa sya nung mga panahong un. aun. kaso pagdating ko ng bahay, after 15 minutes, dumating din sya sa bahay. haha. sana pala hinintay ko na lang sya sa blue wave. toink. nung magkita kami, pumunta muna kami sa sta lu. hinatid kami ni rec na nagpapractice pa lang magmaneho sa sakayan papuntang sta lu. aun. andun kasi sina zarah. buti na lang pala tumawag muna kami. hihi. wala naman. naggala-gala lang kami. kasama nya ung daddy nya pati si zaki syempre. nilibre kami sa greenwich. hihi. :) mga 6:20, naghiwa-hiwalay na kami nina zarah. nagsimba kasi kami ni inah sa OLA ng 6:30. aun. nakaabot naman. saktong-sakto lang ung dating namin. :) tas after namin magsimba, nagpunta kami ng starbucks para uminom ng mocha frap venti split into two. haha. last na un. ipunan time na e. hehe. at 9 na kami umuwi. Labels: gala
Story told at 01:16 //
0 person(s) left violent
reaction(s).
i don't have any sleeping problems. i have no worried, no fears, no nothing, just myself. but when i met a couple this morning, laughing together, holding their hands tightly and looking through each other's eyes, it's harder for me to sleep now. maybe they're right. i thought i'm better off alone. maybe it would be nicer to spend your time with someone that you love, someone who means something to you. maybe i'll try it, not for now but soon. soon enough when i find someone to share my life with...nice, huh? richard sent this quote to me last friday. i didn't know if his purpose was for me to think of having a relationship with somebody, or he was just sending this as a group message. nah. anyway, maybe, single's journal is right -- as well as richard. :) i thought i'm better off alone. but i know i'm not. i know there's something incomplete in me that i'm just trying to hide. oh well. good luck.
Story told at 01:10 //
0 person(s) left violent
reaction(s).
got nothing to say, really. i just wanted to post something. haha. i'm actually sleepy. i just don't want to sleep yet. argh. look, i've got a newly-edited page. :) love it? please comment. :) i miss him. hay.. sleep tight.
Story told at 23:54 //
0 person(s) left violent
reaction(s).
as usual, dahil sabado ngayon, late na naman ako. haha. pero parang sakto lang ung dating ko. katatapos lang mag-pray. hehe. parang hindi pa rin ako late. hihi. pero late pa rin. waha! medyo mainit nun papasok ako. nakasabay ko pa si sir dota pagbaba sa legarda. akala ko kung sinong mama ung lumapit sa akin at sinabing, "seryosong-seryoso ka a..." lokong un. alangan namang humagalpak ako ng tawa kahit mag-isa ako? labo ni sir. haha. pero okay na rin. nilibre nya ko ng pamasahe sa jeep papuntang uste. haha. sana makasabay ko sya lage. toink. :P me exam sa math. ang hirap! bwiset na exam un. di ko malaman kung panu sasagutan. langya, paniguradong bagsak na naman ako dun tulad ng other first quizzes ko. tsk. CS102 na naman. tamad na tamad na ko. hay. binigay lang nya ung course syllabus tapos medyo nagsalita ng onti. actually, ng marami. lagi naman e. ayun. medyo matagal pa rin. pero dinismiss naman nya kami agad nung nagbell. buti na lang wala si maam mimi! waha. 6 pa lang nakalayas na kami ng uste. hehe. after class, nagpunta kami ni inah sa kanila. hehe. natutuwa ako kasi sa kagustuhan nyang pumunta talaga ko sa kanila e hinintay nya talaga ko ng 2 hours and 30 mintues. haha. ang galing. hehe. wala naman kami ginawa. nanood lang ng tv. tumawag ke zah. kumain. humiga. nagplano ng pagpunta sa baguioand/or EK. aun. 10:45 ako umalis sa kanila. pero 11:30 na ako nakauwi dahil sa hirap sumakay sa kanila. wala kasing dumadaang trike na unoccupied. ayun. bukas punta kami kina zah. pero magsisimba muna ko pati pupuntang dentista. papacheckup ko lang ung ipin ko muna. toink. sa monday, jogging ulit kami. :)
Hell Day
Story told at 21:08 //
0 person(s) left violent
reaction(s).
madugong araw ng exams. cobol, PL at file org. okay. wala akong nagawang matino... buti na lang pala di ako masyadong nag-aral. kasi kahit nag-aral ako o hindi, wala naman mangyayari. >_< Labels: exams
Independence Day 2
Story told at 00:10 //
0 person(s) left violent
reaction(s).
independence day nga pala ngayon. ni hindi ko man lang naalala. kung hindi ko pa nakita sa status ni rose anne na holiday ngayon, hindi ko pa maaalala... ganun na pala ang panahon ngayon. ultimong independence day nakakalimutan ko na dahil sa dami ng iniintindi. hay. buti pa si abbee nabati ko ng happy birthday, samantalang ung pilipinas ni hindi ko man lang naalala. :( Labels: independence day
EXP3_29.COB = 85%
Story told at 18:47 //
0 person(s) left violent
reaction(s).
wednesday ngayon kaya me lab na naman sa cobol. excited ako. di tulad dati nung C at C++, parang ayaw ko na dumating ung araw ng lab. nakakasawa na si maam. buong araw namin syang prof. haha. sumingit lang si "the familiar 3CS-A smell". pero okay lang naman talaga si maam cha. sa cobol lec, wala naman kami ginawa. me pinakopya lang sya cobol program samin tapos nagdiscuss sandali. aun. sa PL naman, nagpaseatwork lang sya. me +2 kami sa quiz on thursday ni diana. ayos. :) buti naman at ung thesis proposal namin e by group na. hehe. kundi, magkandaloka na kami. waha! topic pa lang laglag na ko e. toink. mahirap mag-isip ng topic kahapon. wala kasi ako sa sarili. hehe. ayun. lab na. madali lang naman. ka-format lang nung pinakopya nya samin sa lec. maaga sana kong natapos. kaso, lintik na filename un. dapat pala 8 characters lang. kainis. pero buti na lang naka-85 pa. ayos na rin un. kesa un dati na 60 e masaya na ko. haha. maaga rin ako nakauwi. before 7 tapos na ko. marami lang mga kaekekan. hehe. okay naman. madali lang nakasakay. mabilis lang ang biyahe. pero kung kailan nasa roosevelt na ko na malapit samin, saka pa ko nadisgrasya. pagbaba ko dun sa bulok na jeep e tamang-tamang nauntog ako nung pababa ako. bwiset. ang tanga nung jeep. ang sakit tuloy ng ulo ko. langya, kala ko simpleng sakit lang. pagkita ko sa kamay ko me dugo na! waaa! nakakapanghina. kung marami-rami lang un baka natumba na ko sa gitna ng daan sa sobrang panghihina. yikes. medyo malalim rin. nilagyan ko agad ng cold pack na ang bilis naman uminit. tsk. tas nilagyan na rin ni nanay nung cream na mabisa daw para sa pagpapagaling nun. ewan. tapos tinignan na rin ni mommy. bati na kami? hehe. ang sakit tuloy ng ulo ko ngayon. tsk. kainis. bakit kaya puro 30-second preview lang ung butterfly ni mariah carey sa imeem. tsk. di ko tuloy maidagdag sa playlist ko ung original. ung ke regine at kyla lang ang nakuha ko. pwede na rin un. aun. sana maraming masayang mangyari bukas. good night. Labels: cobol
Misinterpretation Leads to All-day Exasperation
Story told at 21:10 //
1 person(s) left violent

|