<meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/797413349892369998?origin\x3dhttp://angelasolomon0.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Stories · About · Links · Archives

Life
http://angelasolomon.blogspot.com

"From now on, everyday will be the most important day." Hi! The name is Angela. Born on 10191988; existing (and living) for 21 years (and counting). Only daughter. Graduate of UST BSCS '09. Currently working (and wasting my once productive life) in night shift to sustain her luxurious life. Plans to mature on February 2010. Addicted to Web. A licensed driver. In a relationship since 122108. Loves my circle of friends. Loves sweets. Sentimental. Slim, long-legged with fair complexion. Wants to edit her life. So help me God.

I can be reached everywhere.
YM. Plurk. E-mail. Facebook. Twitter. Friendster. Multiply. Tumblr.

Rants
say anything like you mean it.

Hope you enjoyed. :)

free counters

9.29.2007
So Busy
Story told at 00:25 // 0 person(s) left violent reaction(s).

after last week, feeling ko, bumagal ang takbo ng oras at araw... bakit kaya?

haggard. sobrang tambak gawain! i don't actually know what to start. nagkasabay-sabay. ang hilig talaga namin mag-cram.

starting tomorrow, my world's going to be terribly busy [tiring, hard, hectic, occupied, whatever you wanna call]. in the morning, i'll be waking up at 6, go to school at 7 to start researching for our thesis proposal. goddamn thesis. we, my groupmates and i, find it very hard to look for sources since our chosen topic was too recent that we couldn't even see a book containing it. err. out of all the books in the library, i guess, there were only 3 books which have this topic. so, how was that? bad trip!

next, we're going back to la mesa ecopark on sunday [fuckin' family day] to retake our video in the museum. ewan ko kung anong nangyari sa video namen at nawala sa files ko at sa files ng classmates ko! another one bad thing. :(

next week, OS presentation regarding warp, lots of quizzes, graded recitation, submission of thesis proposal, NS presentation and documentation, and so on. i am too busy.

and... next, next week is our HELLEST week. it's our finals week. ang bilis! parang kelan lang nag-iisip pa lang ako kung anong notebook at ballpen ang bibilhin, ngayon, finals na! err. ni hindi ko pa nahahabol ung mga subjects ko. kinakabahan tuloy ako. :s

i didn't know what happened to myself. i got out of the concentration on my studies since i started my college life. nung elementary and high school ako, i was so proud of myself because i was always assured na mataas ang grades ko kahit di ako mag-aral. now, mag-aral ako o hindi, walang nangyayare. gusto ko tuloy bumalik sa pagkabata...

pero i'm not yet totally losing hope. i know that i can still rise from the dead, that i can find myself again. maybe i can never be the best in everything i do, but i know to myself that i did my best in everything. it's just that my best isn't enough... *optimistic to pessimistic mode*

oh well, for the next 2 weeks, i will be missing a lot of people, a lot of things. i will miss:
-- brian jingco [bf], who's there to cheer me up always with his corny pero funny thoughts kahit depressed na ko sa buhay, to ride with me on the trike, jeep and lrt whenever our paths cross, to buzz me in ym para ipaalalang brewrats na, dami pa..
-- patrick soriano [pat], who has become my friendly friend, kahit masyado na nalululong sa pc games [dota, in particular]..
-- francis diaz [clark], who once became my singer-slash-guitarist-slash-choco mucho-slash-katelebabad boy friend..
-- richard yap [pare], who always tries to find his way just to reach me..
-- ivan neric, who never forgets to even text `Angelaq` every hour [i am exaggerating]..
-- brewrats, which gives me a reason to smile even from 9pm to 12mn only..
-- friendster, which has been my best companion in keeping the good memories alive...
-- blogspot, which makes me feel a little bit free from anger, sadness and irritability..
-- et cetera :D

wish me good luck guys! :)

uhm, i'm planning to join the 23rd USTetika literay contest [category: short story]. para naman hindi masayang dito ung talent ko sa pagkkwento about my life :) encourage me guys! nyaha :D

*praying so hard*

oh, it's my kuya's 23th birthday tomorrow [september 30]. please greet him [through me] :D

9.24.2007
Strolled 2 Malls Alone
Story told at 16:30 // 0 person(s) left violent reaction(s).

dahil sa magandang tinig ng aking ina, alas-10 ako nagising. sa bagay, tanghali na rin un para sa isang prinsesang tulad ko... O_O

nagpunta ako ng LTO. wala sila [mommy] kaalam-alam sa plano ko [palibhasa me pera ko]. sa masinag ako dumaan. namimiss ko na ung ruta ko dun.

nadagdagan na naman ang pagka-morena ko. bad trip ung mga driver ng jeep na napagsasakyan ko. puro mali ang mga pinagbababaan sa akin. e ung nadala ko pala payong sira. tsk. nakakainis. buti na lang walang nangholdup sakin. nakow, pag nagkataon. di na talaga ko magcocommute [haha, as if]!!!

pagdating ko dun, okay naman. kinuha agad ung papel ko. nainis lang ako dahil hindi naman pala marerelease ung card ngayon. bad trip! january pa un! hanggang ngayon wala pa rin! nakakainis! akala ko pa naman makukuha ko na. sayang effort at pamasahe.

kaya minabuti ko na lang dumirecho ng sta lu. kahit ako lang mag-isa. naikot ko naman. from the old mall to the grandmall. adik noh? ako lang mag-isa. haha. naghahanap ako ng magic wallet pati bag eh. malas, walang nagpakita sakin. frustrated tuloy ako.

pinagtetext ko ung mga katext kong pwedeng pumunta ng sta lu. wala naman dumating. si bf, nainis lang, ayaw daw ng dinadaanan ng gm. haha. abnoy. si pare, pupunta sana, me hinintay naman na prof. in short, wala talaga kong nakasama. so lonely. >_<

naisipan kong dumaan ng rob bago dumirecho ng uwi. nalulungkot ako. wala pa rin magic wallet at bag. nagbabakasakali akong makita si clark na pakalat-kalat. wala talaga...

hay. i feel so alone... so lonely. i never felt this way before. :'(

9.23.2007
Our Lady of Manaoag
Story told at 21:17 // 0 person(s) left violent reaction(s).

naisip kong hindi na lang matulog nung gabi bago kami umalis papuntang manaoag. 2 am na ako natulog at 4 ako gumising. sakit lang ng ulo ang inabot ko.

nagtetext lang ako sa mga panahong un. ganun ako kaadik.

usapan namin 5:00 kami aalis. pero hindi ako naniwala. at tama naman ung pinaniwalaan ko, 5:30 na kami nakaalis. uhm, 6 na kami nakalabas ng marikina :D

actually, wala ako maikwento. natulog lang kase ako simula nlex hanggang petron sa pangasinan. haha. adik noh? :D

9 kami dumating sa simbahan ng manaoag. saktong-sakto lang un gdating namin. katatapos lang ng last mass. ayos. napagsimba ako ng ayos. masarap makinig ng misa [kahit masakit sobra ulo ko at maraming tao] dahil magaling magmisa ung pari. basta ang sermon nya is about contentment.

nablessan din ako nung pari. kahit di ko naramdaman ung talsik ng holy water, okay lang. feeling ko kase umusok ako, ibig sabihin, nablessan ako. haha >:)

paglabas namen, nang magkita kami nina daddy at ate nikki [nagkahiwalay kase kame dahil sa dami ng tao], nadukutan pala ng cellphone si ate nikki. malas. 1600 lang naman ung unit. galing pa ke ate celia. pero sayang pa rin. sa halip na di na bibili. buti na lang bibigyan ulit sila. swerte [bakit ako nung nawalan hindi binigyan? haha].

akalain nyo un. nasa simbahan na kame, nasa pangasinan na kame, talamak pa rin ang dukutan! bad trip na mundo.

tapos umalis na kame. natulog ulit ako. paggising ko nasa SM clark na kame. haha :) ang sarap sa napagparkan namen. puno, damo, kambing... probinsyang-probinsya. tahimik.

naikot ko lahat. pero wala pa rin ung hinahanap ko. basta un. bumili na lang ako pabango. tgsh.

infairness, maraming conio sa pampanga. haha. sa lahat ng SM sa probinsya, dun ata ung pinakamaraming gwapo, maganda at magaling magdala ng damit :)

tapos umuwi na kame. 9pm na kami nakarating ng bahay. pagod na ako sa byahe [at sa kakatulog] pero 2:20 pa rin ako natulog. katext ko pa si pat :) gusto ko sana sya damayan hanggang sa makauwi sya ng bahay kaso hindi ko na talaga kaya. ayun.

boring noh? ano bang buhay to. haha.

9.22.2007
What a Day
Story told at 21:36 // 0 person(s) left violent reaction(s).

almost 2 na naman ako nakatulog. nakakainis!!! [haha, new year's resolution ko kase un, hindi na ko magpupuyat, kaso, wala, nagpupuyat pa rin ako, tgsh]

i left the lights on. haha. sa baba pati dito sa computer. lokal. napahiga lang ako e. nakatulog na pala ko. namalayan ko na lang na naiwan ko, 7:30 na ng umaga. haha. si mommy pa nakapagpatay [buti na lang ung computer napatay ko bago ko nahiga, kundi, maririndi na naman ako sa sermon, err]. nagising ako ng 7:30. text mode agad. akala ko hindi na ako makakatulog ulit. walangya, tinapos lang ung gm ko. nakatulog ulit ako. haha. sabe ko pa naman ke pare [richard] e di na ko makatulog. joke lang pala. haha.

bilib ako ke bf [bri]. 6:15 ata nang magtext. "ndi p q ntu2log. haha, masayang katxt si abby =)" -- hindi ko matandaan kung iyan ung exact message nya. haha. basta yan ung meaning. adik noh? nagising diwa ko nung sinabi nya un. sabe ko sa sarili ko, me mas malala na pala sakin. haha :)

nagising ako almost 11 na ata. haha. ayos. bawing-bawi naman na siguro ko ng tulog :D kaso naman, bad trip, laglag eyebags ko. amf.

maaga-aga ako nakarating sa school. sa lrt, nakasabay ko pa si jay at mariko. so sweet :D gwapo't maganda pa rin :)

nakasabay ko si maangas na 1st year o second year man. nagyoyosi pala ung ugok na un. aun. hindi naman sya gwapo, hindi ko sya crush. sadyang pag nakikita ko lang sya, nayayabangan ako sa kanya. haha. parang ewan lang eh noh...

pati ung crush kong second year IT, nakita ko rin. hihi :D

me utang pang limang piso sakin si mark! waha. kinalimutan na nga ung crispy fries ko, kulang pa ung sinukli sakin. amf. kfc mode na naman kami kanina.

nagpicture kami ni steph. haha. aun, na ke allyson pa. hindi pa nya isinesend sa akin ngayon. bukas na lang daw. err.

mahabang math. dalawang oras. nakaidlip na naman ako. nagising lang ako nung sinabi ni diana: "ang sarap ng tulog ni angela oh..." :D

quiz 3 in math: 17/30. FUCK!!! [parang wala na kong inaasam na grade kundi puro pasang-awa na lang, syet, me mga pangarap ako!!!]

file org. akala ko wala na naman si maam cosme. hay. buti na lang nadalian lang ako sa lesson. gets na gets ko [haha, dapat lang, di na ko pwede bumagsak sa kahit anong quiz, seatwork o exam dun, para kong nagpakamatay].

hindi naman ako bobo. pinanganak akong me utak. matalino ang nanay at tatay ko. tanga lang talaga ko. pabaya. kaya ko naiinis sa sarili ko. nung high school ako, sinasamba ko sarili ko. ang pagpasok sa top 10 [even being the top 1] was very easy for me. pero ngayon, feeling ko, sobrang baba ko. ung tipong nakalevel ako sa mga below average. shit!!! ano bang nangyare sakin?!?!?! :(

napaisip ako sa nilesson namin sa file org kanina about the balanced k-way [alam nyo un?]. the logarithm thing... the scientists really make life so complicated. me pinaanalyze kase sa amin si maam cosme. walangya, n lang pala un. bakit kelangan pang log of NR base 2 ang gawing formula?! bad trip!

gusto ko ng bagong cellphone. N70. give me one. i'm begging.

text-text na lang: 09156709928. punta kame manaoag bukas. kelangan ko nang kausap. matagal-tagal na byahe un :D

*dead*

9.21.2007
Break, Break, Break!!!
Story told at 21:26 // 0 person(s) left violent reaction(s).

my classes started at 9 o'clock in the morning. hindi na ako sanay. we had to have make-up class on ETAR. ayun, maaga ako. 8:30 pa lang, i'm at school na. o di ba, bagong buhay na talaga. haha.

wala akong calculator. naiwan ko. actually, iniwan ko. wala namang battery. anong silbi nun? buti na lang pumayag nang cellphone ang gamit. buti na lang din at hindi pa ganun ka-old school ung cellphone ko, me calculator naman. :D

tanga ko pa. nagpasa ako ng papel nang hindi chinecheck ang sagot. e di nagkamali tuloy ako sa number 2 sa seatwork dahil sa pagka-careless ko. amfness!!!

break = 2 hours. okay.

cobol. lesson. antok ako. idlip.

english. wala si maam. after nun, break.

break = 2 hours again. okay.

PL na. waaa! reporting na! whew. grabe, sobrang kinabahan ako! buti na lang, successful. :)

wala si maam cosme.

break = 1 hour. amf.

last class, environmental science. me quiz na ata next meeting. ni hindi man lang ako nakikinig dun. hindi pa naman daw isesend sa amin ung slides. yari.

yes, uwian na. nasa lrt pa lang ako, iniisip ko na kung anong gagawin ko. matutulog ba ko nang maaga o magbababad sa net... nagawa ko na kase ung assignment ko sa math kanina. ahem :D

tanga ko [part 2]. pagsakay ko ng lrt, nagtext si bes [darrell]. bakit daw tumatawag ako tas hindi naman sasagot... nagtaka ko! un pala, nai-dial ko na naman nang walang kamalay-malay ung cellphone ko! amf. pinagkatipid-tipid ko pa naman ung load ko [tiniis ko na nga lang hindi replyan si pat kahit sobrang sweet ng message nya kagabe] nasayang lang din. sana alam ko na lang para nakausap ko na lang si bes. miss na miss ko na sya...

aun. maya-maya tulog na ko. ang sakit ng ulo ko. kahit maraming beses ako nakaidlip maghapon e bitin pa rin un. ako pa, antukin :D

Broken, Once Again
Story told at 21:01 // 0 person(s) left violent reaction(s).

i love the scent of his perfume.
i love the way he hugged me.
i love the way he kissed me.
i love the way he said he loves me.
i love the way he pinched my cheeks and nose.
i love the way he sang songs for me.
i love the way he played his guitar.
i love the way he talked to me.
i love the way he told stories about what had happened to him all day.
i love the way we were.

...but i guess, i'll just have to love those memories because it's never gonna happen again... :(

i'm missing him. maybe, i'll be missing him more. uhm, am i being too arrogant if i would expect he's missing me, too?

*dead*

9.20.2007
Double Celebration
Story told at 23:49 // 0 person(s) left violent reaction(s).

happy birthday, mommy!

happy birthday, aya!

haha. maaga ako nagising. papasok kase ako nang maaga. pero kahit na naiinis ako ke mommy dahil sa mga pinagsasasabi nya sakin na pagkahibang nila, binati ko pa rin sya at kiniss ng happy birthday.

aun. haggard dahil parang ang dami-daming dapat gawin. late na ko nakauwi, nagpunta pa ko ng sta lu at edong para i-celebrate ung birthday ni mommy at aya. kami-kami lang. tamang onting salo-salo lang. aun. tamang pagpupuyat na naman ako...

9.19.2007
Gloomy
Story told at 21:23 // 0 person(s) left violent reaction(s).

umambon nang umalis ako. kaya ako asar na asar. ayoko pa naman sa lahat ng umuulan dahil hindi ako marunong maglakad pag basa ang daan. tumatalsik sa pants ko. amf. ang timang ko pa. nagpalit pa ko ng flipflops e ang haba ng pants ko, hindi ko naisip na sasayad. ang iniisip ko, baka mabasa ung sapatos ko. waha. bad trip.

boring sa lrt. wala na naman ako kasabay tulad ng araw-araw. dumating din ako sa school, almost 1 na. pero hindi ako nagmamadali. nakakatamad kase. ang init-init pa. pero buti na lang at lumamig-lamig na ung aircon sa room 55 kahit papano. ayos. nakapasok na rin si niko.

walang english. ayos. siguro binaha. haha. me time pa ko para iedit ung review of related literature ko. haha. mukhang ewan lang kase :D

kaya nagreview na lang kame para sa quiz namin sa PL. sa mcdo. ayos. tamang mcflurry at fries lang. solb. solb talaga :)

at PL na. nagquiz agad kame. nice. 8/10. haha. kahit pano nakabawi ako. awts. pero bagsak pa rin. kelangan ko pa ng 5 points para pumasa. haha. bad trip. pano ba naman, nahatak ung grade ko. 1 over 10 lang ako sa first quiz. imagine?! 1 over 10?! awts. pabaya na talaga ako... :(

at lab na naman. sinabi naman nya na multilevel control breaking process na kame. awts. e single-level nga di ko namaster. nakakainis naman kase ung compiler ko dito sa bahay. ayaw gumana! hindi tuloy ako makapagpractice. huhu. tamang 60 na naman ung grade ko. awts :(

tuloy ang lungkot ko umuwi. ngayon lang ako nalungkot ng ganito sa hindi ko pagkakatapos ng exercise. ngayon ko lang kase narealize na sobrang nagiging pabaya na ako sa pag-aaral ko. ewan. nahihibang na ko talaga >_<

sana pumasa ako sa lahat ng subjects ko. KAILANGAN. kapag me ibinagsak akong kahit isang subject ngayon [minor or major], para kong nagpakamatay. T.T

bukas, me napakahabang quiz naman sa etar. dapat nung tuesday un. pero dahil me meeting sila, napostponed. ayan, me make-up class tuloy kame sa friday ng 9am-11am. waaaa!

assignment sa math. ayokong mangopya. kelangan ko gawin un. alam kong me panahon pa ko para hindi matempt sa mga bagay-bagay sa paligid. haay. ilang linggo na lang, matatapos na sem namin. sobrang nagwoworry talaga ako!!!

help me lord :(

Rainy Morning
Story told at 10:19 // 0 person(s) left violent reaction(s).

pagdilat ng mata ko ng 7:00am, madilim na paligid ang nakita ko. grabe, ang lakas naman pala ng ulan! super... ung tipong hindi na titigil.

malakas na ulan + malamig na aircon = tulog.

hanggang ngayon, naghihintay pa rin ako ng announcement na walang pasok. haha.

nababadtrip pa ko dahil ayaw magconnect ng ym. bad trip.

pero magla-lunch na ko. manok na naman ang ulam. manok. chicken. oh yes, i guess, if tomorrow i would still have the same viand, my dream [of flying] would be fulfilled. haha :)

9.18.2007
Mind Boggled
Story told at 09:14 // 0 person(s) left violent reaction(s).

i slept at 2:00, and woke up at 8:30. that was so unbelievable. harhar :D

i thought of going to school earlier than the regular time so i could still study for my quiz in OS. too bad, masyado kong nalulong s computer [actually, as always]. ayun, i left the house just 10 minutes before 12 nn. uhm, still earlier, right? haha.

on my way to LRT [in bayan], there was this jeppney drivers and konduktors na gusto na ata magpatayan. walangya, alam nyo ba ung mga bitbit na steel bars ng jeepney drivers? ayun, naghatawan sila ng jeep nila gamit un. weird, right? tamang-tamang patawid ako nun towards them dahil sasakay ako ng jeep going to lrt/cubao. i saw the whole thing. astig. that was my first time. what a great experience! :s

syempre, sa lrt, me katabi na naman akong gwapong pinagpapantasyahan ko. haha. bedan siguro un. porma pa lang eh :D

tapos when i got to school, nakita ko rin ung crush namin nina diana na nakita namin sa engineering complex during the nursing-architecture game. haha. we first thought he was cheering for her nursing girlfriend. kaso nakita ko sya sa architecture. harhar. akala ko pa nman doktor sya. ang galing magdala ng damit :x

quiz sa OS + walang alam = FAILED. i am pretty sure i will fail. oh well, better luck next time... if there's still next time >_<

we were dismissed early. we only had classes til 3. me meeting kase ung professors namin sa next classes namin. kaso di naman ako nakauwi agad. we had to wait til 4 para magsagot ng survey about ergonomics. gahd, sobrang antok na antok na ko at ang sakit-sakit na talaga ng katawan namin dahil sa ecopark kahapon. amf. pero syempre, pakikisama na lang. kahit hindi bukal sa loob namin, nagsagot kame. bwahaha! >:)

almost 4:30 na ko nakaalis ng school. dami pala tao sa lrt ng ganung oras ng uwe. so i decided na magpa-drop na lang sa cubao stn. good decision, after i bought my favorite choco crumble of zagu, nakasakay ako ng jeep, sa tungaw pa [yan ung jeep na super mega banking :D ung tipong kakapit ka talaga]. haha. pero hindi sya masyado bumirit. buti na lang. baka kase pagbaba ko ng jeep e masakit na lalo katawan ko. haha. nakasabay ko pa si dina at vonn :)

nakausap ko ulit si adik [mark] sa phone. naglalabas ng sama ng loob sa girlfriend nya. haha. shock absorber na naman ako. hehe. pero di ako nagrereklamo. i love the way my friends trust me :) e kaso eto namang si mark, bibili lang ng cd ng adobe photoshop, nagpapasama pa! parang sanggol! :D pero... we'll see :) sa totoo lang, masaya talaga kausap si mark. kwela kase :) and he's willing to listen to my stories, ako lang ung ayaw magkwento. harhar :D

kachat ko lang si bf [bri] habang hinihintay namin ung brewrats! nakapasok sya sa line. ayos :) me bati ako from him on air. haha. kaso, he left a mind-boggling question, anu ba talaga nauna, itlog o manok? harhar :D

i'll try to call there sometimes. i'll make a list :)

at natulgo ako ng 12:00mn. that was really shocking!!! haha :)

9.17.2007
Lamesa Ecopark + Rogue Assassin = Sleepless Night
Story told at 23:25 // 0 person(s) left violent reaction(s).

isa lang ang masasabi ko... NAKAKAPAGOD TALAGA!!!

kahit na almost 2:00 am na ako nakatulog dahil sinumpong na naman ako ng insomnia ko at kinausap ko pa si bf [bri] sa telepono, kinailangan kong gumising nang maaga [6:45 to be exact] para hindi ako magbayad ng pamasahe [deal naming magkaka-group pag na-late]. awa ng diyos, late ako pero mas late si allyson. harhar. grabe, sobrang kaba pa naman ako kase baka magbayad ako ng pamasahe naming lahat, e pwede naman pala umatras. haha. asar, sana di na ko nag-effort magmadali at magtatakbo :D aun. pagdating nya e umalis na agad kame.

naisipan naming mag-fx. mas masarap kase dun kesa jeep malamang :) buti na lang di sila nagkuripot pagdating dun. harhar. isang fx lang kame. hanggang fairview wet market. dun kase kame magkikita ni gena. pero dumaan muna kame ng mercury drug para bumili ng mga gusto nilang bilhin [harhar, ako kase kumpleto, me pagkaen, tubig, tsinelas, payong at iba pa, mamumundok kase kame eh, ayoko nang kulang-kulang, harhar].

pupunta na sana kame sa east fairview subdivision [un ung subdivision na daan papuntang ecopark] nang madaanan namin ang kfc. tutal 11:00 na, malapit na mag-lunch, kumaen na kame. matapos ang ilang minuto, solb. :)

at pumunta na nga kame sa ecopark...

maganda dun. kung nature lover ka, gugustuhin mo talagang bumalik. umakyat kame ng pagkataas-taas, nagsawa sa picture-taking, nag-video, naupo, nagtatakbo, naglakad nang naglakad. nakakapagod talaga. dumating kame ng almost 12:00nn dun, nakauwe kame, almost 5 na ata. nun palabas na kame e nag-boating pa kame. ang saya-saya :)

at umuwi na kame...

nag-bus na lang ako. buti na lang hinintay ako ni master makasakay. nakakatakot dun sa lugar na un [actually, me trauma na kase ako kaya sa lahat ng lugar e natatakot na ko]. nakatulog pa ko sa bus. ang lamig kase. ang sarap. pero pagsakay ko ng fx sa gateway, todo kaba ko nung di ko nakapa agad ung purse ko sa bag. haha. mega tibok puso ko :D

me usapan kame ni clark na magkita ngayon. kaso kamalas-malasan, namatay na ang telepono ko. nagpunta ako ng sta lu para sana makicharge, pero ayaw. bawal daw. oh well, binalak kong pumunta na lang sa ospital [naospital si hon (lizel), me dengue, tgsh]. montalban sana ang sasakyan ko pero kung di puno, hindi tumitigil sa harap ko [ayaw ko kase ng naghahabol sa jeep, gusto ko titigil mismo sa harap ko, haha]. naisip kong pumasok na lang muna sa rob. at ang galing ng pagkakataon, sabay pa kame papasok ni clark. haha. aun.. basta dumirecho na lang kame sa sinehan. nanood kame ng rogue assassin. alam kong un ang ginusto nyang panoorin dahil ke jet li. paborito nya kase un. ewan ko lang kung naintindihan nya ung kwento :D

masaya naman. minahal ko nang husto ung perfume nya. haha :) ayaw maalis sa damet ko. toink :D

aun. eto, ngayon ko lang natapos. tulog na ko at sobrang mega over lumulutang na ung pakiramdam ko sa sobrang antok. good mornight! :)

9.16.2007
Sunday Escapade
Story told at 23:58 // 0 person(s) left violent reaction(s).

itineraries:
cavite
sm megamall
st francis square

bad trip aku dahil ayoko talaga sumama. haha. nakakatamad kase. inihatid lang naman namin si nanay. un lang. tapos dumirecho kame sa megamall para i-claim ung raffle tickets ng nanay ko sa berkeley. tas umikot ako mag-isa. iniwan ko sila. at least, nakaabot pa ako ng st. francis square. harhar. gusto ko sana mag-starbucks. wala naman ako kasama. hay...

9.15.2007
Poor UST, Poor!
Story told at 23:45 // 0 person(s) left violent reaction(s).

akala ko maaga ko makakarating ng school. pareho lang pala. amf. ay hindi, mas napaaga pala ng mga 10-15 minutes. bago un :D

pagdating ko, walang aircon! busyet. almost 4 na ata nung nagkaron. hay. di tuloy ako naka-concentrate sa exam namin sa math. amf.

ang mahal-mahal ng tuition tapos ganun?! bad trip!!!

Mind Harassed.
Story told at 09:43 // 0 person(s) left violent reaction(s).

eto na naman po nagka-cram na naman ako. marami na namang naaapektuhan.

nag-alaram aku ng 6:45. hindi naman tumunog ung alarm clock ko. bad trip. nagising aku 7:50 na. buti na lang at hindi natuloy ung meeting. nakaligtas ako. pero minabuti kong di na lang matulog ulit. mag-aaral na lang ako. [pero nakaharap ako dito sa pc at nagba-blog. oh c'mon...]

quiz namin sa math ngayon. kinakabahan ako. hindi ko masyado namaster ung mga lessons namin ngayong term. [actually, kahit naman last term. hihi.] pero mas madali ung ngayon. medyo me naiintindihan ako. hopefully, pumasa naman ako dito sa exam na to. inspired ako sa quote ni bf [engineer bri]: "mag aral ng mabuti, para ikaw ay may ipag malaki" -- exactly quoted from his page :D

sabado na naman. huling araw na naman ng pasok this week. pero parang busy na busy ako. parang ang dami ko gagawin. gusto mo malaman kung ano-ano? eto:

quiz: CS103 [OS] | ETAR | CS106 [PL] | Math111 [Discrete Math]
thesis | photocopy: Eng108A [Tech Writing]
environmental trip: NS103 [Envi Sci]
officers' meeting: ICOn or Dean's Office
oral report | handouts: PHP

kitams. busy ako. haha.

pero tinatamad ako. uhm, i mean, hindi ako motivated gawin tong mga to. hindi ko alam kung bakit. haha.

bakit kaya kelangan pang pag-aralan ang Linear Mapping [Discrete Math] kung pwede namang simpleng 1+1 na lang ang tutukan? para lang ba masabing me pinag-aralan? err.

UAAP cheerdance competition na bukas. hindi kame makakapanood. malas. wala kame nabiling tickets. huhu. okay lang. makapanood na lang sa tv. sana manalo UST. taga-UST ako e. haha. :)

parang kaya ko nang ibahin ung routine ko. okay na sakin matulog nang mas maaga sa alas-3. nagigising na ko ng mas maaga sa alas-10. haha. magandang pangitain to. nagiging responsable na ko ng 10%. haha.

ayos. okay na ulet friendster. hindi na ulit pure HTML. haha. hindi na ko mahihirapan mag-edit.

me pasok ako ng 1. nakakatamad. sabi ni mark, tumawag daw ako sa uste. baha daw kase sa lacson. ano ngayon? lahat ba ng estudyante sa lacson manggagaling? tgsh.

gusto ko maospital. haha. :x

birthday na ni mark bukas. sana i-treat nya kame maya. hanggang 6 lang ako ngayon. di na raw kame magkaklase sa NS to give way sa mga mag-a-out-of-town para sa environmental trip namin. buti na lang kame sa la mesa eco park lang. un nga lang, walang thrill. ang lapit. haha.

ewan. aral mode na lang ulet.

hopefully, before the next week starts, matapos ko na lahat ng unfinished blog ko. haha. parang ewan lang eh noh?

good luck.

9.13.2007
Thursday Blog
Story told at 20:12 // 0 person(s) left violent reaction(s).

playing hard habit to break by chicago...

maaga ko pumasok. buti na lang nagising ako ng maaga kahit hindi ako nag-alarm. 11 kase usapan namin ni arizia. dapat 10 pa lang aalis na ko. nahihiya ako ma-late. haha.

pagbaba ko ng lrt, nakasabay ko pa si zarah. hehe. 11 nga pala pasok nya. hindi ko naisip na pwede ko sya makasabay. akala ko kase maaga sya pumapasok. aun, buti pa sya me nakareserve nang ticket para sa cheerdance sa sunday! waaa! di man lang ako makakapanood. huhu.

dumating naman ako ng 11. ayos. di ako late. haha. kaso si arizia naman ang matagal. nagpaikot-ikot na ata ko sa UST. haha. ewan ko kung bakit hindi ko naisip na magpunta na lang sa library agad. haha. ayon, ayos. nalamigan din ako. gagawa sana ko ng assignment sa math nang biglang dumating na si arizia. tgsh. PHP mode na. :D

tapos, nilibre na ko ng mais con yelo. actually, matagal ko na inaasam-asam un. kahit nung monday lang e kumaen din ako nun sa goldilocks. yumyum. salamat arizia. wag ka mag-alala, sa susunod, ikaw naman ililibre ko. harhar.

9.12.2007
Anak versus Magulang
Story told at 21:34 // 0 person(s) left violent reaction(s).

"Hindi mo ba ako naiintindihan? Ha?" -- sabi ni Marc towards my mom [angas noh? parang hindi 8 years old. haha!]

Ayan Na Naman...
Story told at 09:42 // 0 person(s) left violent reaction(s).

4 am na ko nakatulog. haha. magkausap lang kame ni clark from 12 til almost 3:30. at saktong-saktong pagbaba ko ng telepono, si mark naman ang tumawag. mga aswang!

ngayon ung araw ng promulgation ni erap. kaya pinapapasok ako ng nanay ko ng maaga. ayoko nga. anong silbi ng lrt? tsk.

aun. nag-ingat ako sa telepono pero 3:25, nag-ring pa rin ang telepono! ABNORMAL ka talaga mark!!! haha. lagot sakin un >:)

dun ako sa kwarto ng nanay ko natulog kaya agang-aga, nasermunan agad ako. haha. bakit daw alas-3 na naman ako natulog [actually, mali sya, 4 talaga ko nakatulog :D]. di ko na lang pinansin. natulog na lang ulit ako. bwaha >:)

bakit kaya lahat ng bagay pinapakialaman sakin ng mga magulang ko? i guess they're being too overprotective. nakakainis pa dahil pati walang mga kamuang-muang e nadadamay. ano kayang dapat ku gawin... :-?

malaki naman na ko. dapat i can make my own decisions na for my life. kaso hanggang ngayon, sobrang dependent pa rin ako sa kanila. bad trip! dapat di ko na lang sinanay ung sarili ko...

nainvolve na naman ako sa situation na hindi ko mapigilan ung sarili ko. siguro nga totoo to:
"It is a truth universally acknowledged that when one part of your life starts going well, another falls spectacularly to pieces."

tsk.

ma'am cha day na naman! anong petsa na naman kaya ako makakauwi... hay naman. sobrang stressful tong araw na to. err.

good luck na lang sakin >_<

9.09.2007
High School vs. College
Story told at 20:33 // 0 person(s) left violent reaction(s).

nung gumraduate ako ng high school at nagsimulang magkolehiyo, saka ko lang narealize na hindi pa pala ako matalino.

Whew!
Story told at 11:19 // 0 person(s) left violent reaction(s).

"dengue sucks!!!"

yan ang unang-unang masasabi ko. i was absent here in friendster and blogspot because of that. pero hindi naman ako ung nagkaron nyan. my lil bro. imagine? my 8-year-old brother, marc, was victimized, put into a very critical condition.. very bad. it was a mental, emotional and FINANCIAL burden. err. buti na lang kahit pano we have money to pay for the hospital bills. pano na lang ung mga batang walang pampagamot? kawawa naman.

kaya wala nang pwede magka-dengue samin. dahil pag nagkataon. hindi na ko mag-aaral!!! haha :D

pero at least, he was saved. now, he's going to the mall. o di ba, parang last week lang halos magsi-iyak na kami dahil sa condition nya. thank you, good Lord!

kaya mag-off lotion na kayo. effective daw :D pero dahil sa init ng panahon, ayoko nun. saka na. tutal, matatapos naman na ang tag-ulan. bwahaha!

salamat sa prayers nyo :)

Labels: