<meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/797413349892369998?origin\x3dhttp://angelasolomon0.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Stories · About · Links · Archives

Life
http://angelasolomon.blogspot.com

"From now on, everyday will be the most important day." Hi! The name is Angela. Born on 10191988; existing (and living) for 21 years (and counting). Only daughter. Graduate of UST BSCS '09. Currently working (and wasting my once productive life) in night shift to sustain her luxurious life. Plans to mature on February 2010. Addicted to Web. A licensed driver. In a relationship since 122108. Loves my circle of friends. Loves sweets. Sentimental. Slim, long-legged with fair complexion. Wants to edit her life. So help me God.

I can be reached everywhere.
YM. Plurk. E-mail. Facebook. Twitter. Friendster. Multiply. Tumblr.

Rants
say anything like you mean it.

Hope you enjoyed. :)

free counters

5.27.2008
What's Your Name's Hidden Meaning?
Story told at 21:09 // 0 person(s) left violent reaction(s).

I saw this Blogthing at nix's Friendster profile. Kahit na minsan eh napapadpad talaga ako sa site na un, ngayon lang ako sinipag ipost tong sagot sa isa sa mga tanong dun: "What's your name's hidden meaning?" kahit pano nag-match sa akin kaya natuwa ako.



What Angela Means



You are usually the best at everything ... you strive for perfection.

You are confident, authoritative, and aggressive.

You have the classic "Type A" personality.



You are very intuitive and wise. You understand the world better than most people.

You also have a very active imagination. You often get carried away with your thoughts.

You are prone to a little paranoia and jealousy. You sometimes go overboard in interpreting signals.



You are deeply philosophical and thoughtful. You tend to analyze every aspect of your life.

You are intuitive, brilliant, and quite introverted. You value your time alone.

Often times, you are grumpy with other people. You don't appreciate them trying to interfere in your affairs.



You are friendly, charming, and warm. You get along with almost everyone.

You work hard not to rock the boat. Your easy going attitude brings people together.

At times, you can be a little flaky and irresponsible. But for the important things, you pull it together.



You are relaxed, chill, and very likely to go with the flow.

You are light hearted and accepting. You don't get worked up easily.

Well adjusted and incredibly happy, many people wonder what your secret to life is.

ngayon, kayo naman ang magsabi sakin kung nagmatch nga sa personality ko yan. hehe. my tagbox is open for your comments. :D

Immersion-slash-Hiking with Eco-DMT
Story told at 21:04 // 0 person(s) left violent reaction(s).

that was my very first PAHIRAP mode sa buhay. but i am happy. :)

[to be continued.. more photos will be available on my multiply account.]

5.22.2008
Always Be My Baby
Story told at 12:37 // 0 person(s) left violent reaction(s).




ALWAYS BE MY BABY -- [David Cook]

we were as one babe
for a moment in time
and it seemed everlasting
that you would always be mine
now you want to be free
so I’m letting you fly
cause i know in my heart babe
our love will never die,no!

you’ll always be a part of me
i’m a part of you indefinitely
girl don’t you know you can’t escape me
ooh darling cause you’ll always be my baby
and we’ll linger on
time can’t erase a feeling this strong
no way you’re never gonna shake me
ooh darling cause you’ll always be my baby

i ain’t gonna cry no
and i won’t beg you to stay
if you’re determined to leave girl
i will not stand in your way
but inevitably you’ll be back again
cause ya know in your heart babe
our love will never end no

you’ll always be a part of me
i’m part of you indefinitely
girl don’t you know you can’t escape me
ooh darling cause you’ll always be my baby
and we’ll linger on
time can’t erase a feeling this strong
no way you’re never gonna shake me
ooh darlin cause you’ll always be my baby

i know that you’ll be back girl
when your days and your nights get a little bit colder ooohhh
i know that,you’ll be right back,
oh, baby believe me it’s only a matter of time

you’ll always be a part of me
i’m part of you indefinitely
girl don’t you know you can’t escape me
ooh darlin cause you’ll always be my baby
and we’ll linger on
time cant erase a feeling this strong
no way you’re never gonna shake me
ooh darlin cause you’ll always be my…my baby

you’ll always be a part of me (you will always be)
i’m part of you indefinitely
girl don’t you know you can’t escape me
ooh darlin cause you’ll always be my baby
and we’ll linger on (we will linger on)
time cant erase a feeling this strong
no way you’re never gonna shake me
ooh darlin cause you’ll always be my baby

oh always be my baby…

5.20.2008
Moodiness Strikes
Story told at 22:28 // 0 person(s) left violent reaction(s).

Aminado ako, SUPER hindi maganda gising ko. Agang-aga kase nang-aasar si Mommy. Isip-isip ko na lang, "Gigising ako kapag alam kong kailangan ko nang gumising!!!"

Kahit ayoko, na-late ako. Sinabotahe na naman ako ng mundo. Kahit alam kong late na ko, na-super late pa ko dahil sa lintek na LRT. Kung tutuusin, dapat mas mabilis ang biyahe ko dahil tren ang sinasakyan ko. Pero kanina, nang-aasar. Ang tagal-tagal bago dumating ng tren. Gusto ata nilang mapuno na ung buong platform bago magsakay ng pasahero. Ang sarap pasabugin.

8:40 na ko nakapag-login. Sa sama ng dating ko, pati pinto ng office muntik na ata masira. Haha. Parang ewan lang ako. Snob ako .. ke Kuya Nollie, ke Kuya Martin, sa lahat. Wala akong sinanto. Haha. Pero unti-unti rin namang nagbago ihip ng hangin makaraan ang ilang oras. Salamat sa Diyos. :D

Hindi ko alam kung anong dumapo sa akin at hindi ako makapag-isip ng tama. Wala akong magawa para sa system namen. Nag-aaksaya lang ako ng kuryente .. puro pansariling kapakanan ang ginagawa ko dun. Kung hindi lang ako takot ke Sir Carlos regarding YM, malamang nagchat na lang ako ng nagchat.

Nag-meeting kame nina Ate Ni's new sweetheart [Sir Bob], Kuya Nollie and Canda about sa bagong project. Hindi na itutuloy ung research project sa kadahilanang hindi sigurado si Dr. Litao kung sya pa rin ang hahawak nung project na un. Kaya ang nangyare, ibang project na lang binigay samen. UST Admission System. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi sa mga naging pagbabago. Pero mas okay na rin siguro un. At least, ung Admission System, buo na .. onting customization na lang DAW. Nawa'y gabayan kame ng Panginoong Diyos sa project na to. Onting oras na lang ang natitira samen. Sana matapos namen ung bago kame lumayas ng STEPS.

Dahil malamig sa loob ng conference room kung saan kame nag-usap about the new project [oh di ba, ngayon pa-conference-conference room na lang, dati inaasam-asam lang namin ni Kuya Nollie un room na un, haha], natuto akong magsuot ng jacket. Hahaha! Pati ba naman to kelangan isulat? Eh ba't ba, malamig eh.

Kahit di ako nakakain ng umaga dahil sa ayokong makaharap si Mommy, pagkabihis ko, umalis na ko agad. Buti na lang me baon akong Creams -- pang-agdong-buhay. Late na kame nag-lunch ni Ate Ni. 1:35 kami nag-logout. Sa Almer's kami kumain. Nagpabili lang si Nollie samen ng Burger Steak at Regular Yum sa Jollibee -- naghahabol kase sya ng oras kaya hindi na sya bumababa pag lunch simula kahapon. Kahit malakas ang topak ko, binili ko pa rin. Nakakahiya naman eh. Hehe.

After namen mag-lunch, maya-maya, umuwi na rin si Kuya Nollie. TINATAMAD-slash-WALA-SA-MOOD mode sya kanina. Haha. Tas nagpunta kame sa parish para icheck ung system at mag-clarify ng mga bagay-bagay .. panibagong mga problema na naman!!! Hay. Nakakaloka talaga maging programmer/database administrator/system analyst/web designer/web developer sa loob ng 300 hours. Pero okay na rin siguro tong training na to. At least, SUPER DAMI naming natutunan .. Hindi lang academically, pati sa lahat na ng aspect.

Pagbalik namen galing parish, wala na .. tinamad na kami gumawa. Haha! Nag-check na lang kame nung bagong project. Kumain ng Piattos. Nakipagkwentuhan. Nakipagtawanan. Nakipagdaldalan .. na para bang wala ung mga boss [Sir Bob, Sir Jhun and Sir Carlos] namen dun. Never mind. Basta masaya kame. BWAHA!

Dahil sa katamarang dumapo sa amin, 5 o'clock pa lang nag-out na kame. Pagsakay ko ng FX, nagtext si Sir Jhay [of Trendclassic]:
Go cee nid female models only for Matrix INshne Product launchng 1k per day for 2-3 hrs only event is on june 11,12,17,18,19,24,26 until july-august.No height and hair required.At 23rd flor loreal office robinsn equitable tower.Lok 4 jhay of trendclassic-pls pass.
Tuwang-tuwa ako nung nabasa ko yan. Ibig sabihin, naaalala pa nya ung binilin ko sa kanyang itext nya ko ulit kapag me bagong event [dahil kung natatandaan nyo, hindi ako natanggap sa Loreal Cut and Color Hair Trophy]. Pero nung tiningnan ko sa calendar ung mga araw na un, DEADZ. Tatapat na me pasok ako. Bad trip. Akala ko pa naman tagumpay na ko. Siguro, hindi pa talaga to ang tamang oras para dito. Kung alam nyo lang ang history ng pagkahilig ko sa modeling and fashion world, maii-stupidahan kayo saken .. at baka batukan nyo pa ako. Tsk, tsk. Kaya ngayon, wala akong magawa kundi tanggapin ang katotohanang, hindi pa ako para sa pagmo-model.

Napakaantukin ko talaga. Ika nga ni Pakz [Bev], "Masa" ako. Masandal, tulog. Hehe. Nakatulog ako sa FX simula Araneta Avenue. Nagising na lang ako nung me sumisigaw na ng "Gateway". Napababa na lang ako bigla ng FX ng wala pa sa sariling ulirat.

Umuulan na pagbaba ko ng jeep sa Blue Wave. Dahil ayokong mabasa ang payong ko, nagtiyaga akong jacket ko lang ang ipinantatabing ko sa ulo at gamit ko. Ganun ako kamaawain sa payong.

Porkchop ulam!

Ngayon, bagong edit ang aking layout. Na-inspire ako sa pinaghalo-halong ideas galing sa page ni Ayiene, Mei, Karyll at iba pang amateur layout designers tulad ko. Nyaha. Nawa'y mag-enjoy kayo.

Inaantok na ko. Tulog na ko.

5.13.2008
"Sorry, Sir."
Story told at 20:44 // 0 person(s) left violent reaction(s).

i woke up not that early but i was still able to arrive at the office at exactly 8 o'clock in the morning. i never thought i wouldn't be late today. this is so UNBELIEVABLE! :D

nollie came back from bora! before he left last week, i asked him to buy pasalubong for us. too bad, he didn't bring us even white sand nor seawater. *sad*

we just waited for ate nini then we went to the parish to see bro. matt sana for the configuration and installation of the system. unfortunately, he was at the symposium for the sakristans. aun. we went back to the office. since we did not have much to do with the system, i decided to just customize the system interface. i also made my progress report which took me a couple of hours before i was able to finish it. haha. i do not know why i could hardly write my progress report, yet, i could still post some blogs here. [i guess because that report was for academic purposes. hehe.]

11:00am. we went back to the parish. still, bro. matt was in the symposium. we went to the parish mezzanine hall to see him. but he said we could just install the system tomorrow. so we just ate lunch at KFC. i missed the chicken there. haha! :D

by 12:20pm, we were back to the office. all our bosses - sir carl, sir bob, sir polly, sir soc, sir martin :D - were there except the on-going trainee and our immediate supervisor, sir jhun. since wala pang 1:00pm, i decided to watch the 6th episode of lovers in paris. tas biglang nakita pala ni sir carl. he asked, "ano yan?" i wasn't able to say even a single word. oh no. deadz ako. @_@

bandang hapon na, sir bob asked us to proceed to sir carl's office to talk about something. he was serious so i thought it was about our new project or something like that. pero pagpasok namen dun, we were going to talk about YM's, games and irrelevant matters. bawal pala ung mga un ngayon lang sinabi sa amin. those were house rules, bakit ngayon lang namen nalaman? tsktsk. it's their fault. haha. pero guilty ako. kase nahuhuli ako nung mga un na naka-YM or nanonood. haha. pero un naman eh pag dehydrated na ung utak ko at gusto ko naman marefresh. hehe. ang malala, ung mga taga-IT. flash games and even dota. i believe they must be more guilty. amp.

aun. late na ko nakapag-pass ng progress report. kala ko pa nga di ako makakapag-submit. fortunately, nakasalubong namen si ma'am afurong with sir cabs and another prof papasok ng engineering building. aun. balik faculty room kame. nakichika pa kame ke ma'am pearl and ma'am mich regarding sa sched namen next sem. nako, mukhang panggabi kame. yari. haha. pero actually, favorable sakin un. haha. kaso nga lang, if you'll look at the dark side, panget un. mainit kase pag papasok. amp. tas nabalitaan ko pa ke ed [3ITB] na prof nila si SIR VERGE sa webtech. malas nila. pero sana hindi kami malas. LITERAL NA AYOKO MAGING PROF SI SIR VERGE!!! baka madelay ako ng 5 taon pag sya naging prof ko. *exaggerated*

hay. looking forward to fortunate semester .. :D

5.09.2008
17th Day in OJT
Story told at 13:59 // 0 person(s) left violent reaction(s).

[nasa office ako ngayon .. sa halip na programming ang inaatupag ko, blogging ang ginagawa ko. ganyan ko kamahal ang pagkukwento. nyaha!]

di na naman ako late! saktong alas-8 nandito na ko sa office. galing. haha. maaga-aga na kase ako nakatulog. kahit hindi komportable higa ko, kalahati lang ng katawan ko nasa kama. ung legs ko nasa sahig o kaya nakataas sa dingding. paggising ko tuloy manas paa ko. haha! :D sabog-sabog kase ung gamit ko sa kama. eh hindi ko alam na matutulog na pala ako. aun. ganun pa rin, masarap pa rin tulog ko kahit nangimay ung legs ko sa kalagitnaan ng gabi. haha. [mag-ayos kase ng kwarto!!!]

5:27 pa lang sa cellphone ko nung magising ako. naisip ko masyado pa maaga kaya natulog muna ko. pero sa totoo lang gusto ko na bumangon, bigla lang pumasok sa utak ko na baka dumating ako ng maaga sa office at sarado pa. maghihintay pa ko sa labas. nako ha. mga 6 na ko bumangon. mahaba na sakin ung tulog na un .. hindi na ko kumain ng breakfast dahil sa kagustuhan kong hindi ma-late. ang ginawa ko, binaon ko na lang ung choco crunchies na hinihingi sakin ni marc kahapon pero ipinagdamot ko [haha, eh di kung binigay ko sa kanya un wala akong kinain ngayon...].

pagdating ko sa office. onti pa lang tao [sa bagay, lagi naman onti ang tao dito]. 8:30 na wala pa rin sina ate nini at kuya nollie. maya-maya, nagbuzz si nollie saken. hindi pala sya papasok. amp. ngayon pa naman kami naka-schedule na bumisita sa parish para icheck ung mga terminals nila kung pwede na i-deploy agad ung system dun .. aun. tas maya-maya dumating na rin si ate nini. eh di me kasama na ko. hehe. mukhang ewan ako dito pag ako lang. haha.

edit mode na. haha. mga 11:30 nag-out na kame for lunch. almer's mode na naman. pero naka-2 rice ako. that's new. haha. :D

pagbalik naman, nanood na lang ako ng lovers in paris - episode 3. haha. next week, episodes 4-9 naman. :)

sa ngayon, nahihibang kame sa JavaScript. hahay ..

Labels:


5.08.2008
Randomness
Story told at 14:09 // 0 person(s) left violent reaction(s).

hindi ako nakasama sa mga kalad kagabi. kina franz pa naman nagpunta .. gusto ko sana magpunta kaso nag-overtime kame. me presentation kase kame nung system namen dun sa representative ng parish. kahapon pa lang kabang-kaba na kame .. =S

late na rin ako nakatulog. past 12 na rin. wala naman ako ginawa, parang ayaw ako patulugin ng utak ko .. kung ano-ano pumapasok sa utak ko ..

nakapaghatid pa ko ke tita edith kagabe pati nakabili ng gamot ni mommy. malabo na talaga mata ko .. hindi na ko pwede mag-drive ng walang salamin. muntik na ko makasagasa at makabangga kagabe. haha. tinatamad na kase ako mag-drive eh. tas pinilit-pilit pa ko. aun. buti na lang hindi nagloloko ung stereo .. kung nagkataon, baka naihagis ko lang un sa kalsada. =/

gabi pa lang inayos ko na ung isusuot ko para ngayon. haha. actually, nasa jeep pa lang ako kagabe, naisip ko na. haha. ung suot ko nung nag-apply ako sa makati .. nag-slacks nga lang ako [instead of skirt].

5.07.2008
Fashion is my New Passion
Story told at 21:44 // 0 person(s) left violent reaction(s).

just last week. i was able to buy 2 shirts [plain white of Mango and brown with prints by Tomato], 1 blue green sando of No Boundaries and 1 pair of flats by Zanea. that's the reason why i have no money left in my wallet now for my baon 'til FRIDAY.

FASHION is my new PASSION.
-- [i got this image from giselle's friendster page without her consent, haha] before, wala talaga akong kainte-interes sa damit. kung ano lang dumating, yun na. but now, kahit wala na kong baunin, makabili lang ako ng damit, ayos na saken. haha. minsan tuloy naiisip ko, "super sama ko na ba?"

i love shirts, sandos, spaghetti straps, dress, shorts, skirts, skinny jeans, pants, flipflops, high-heeled shoes, weds, flats, jackets, bags, earrings, bangles, necklaces, bling-bling .. do i still forget some thing? :D

that's how dedicated i am to fashion. i want to be a model now - a BIG TIME fashion show model [that's why i tried to audition in loreal, unfortunately, you know ..]. though i don't usually buy to signature shops like Guess Jeans, Levi's, etc. i believe those clothes from Greenhills look definitely better than those Guess and Levi's. :D

"mas fashionista ang dating, mas maganda sa paningin ng tao." pero i know i'm not yet exaggerating. maybe i just want other people to view me as a person with creativity -- [kahit sa pananamit na lang! hindi ako magaling sa mga drawing-drawing eh, haha].

i want to win in lottery. ahm, siguro, half of it, i would spend .. buying clothes, bags, shoes, accessories, etc, etc, etc .. :D

Labels:


5.04.2008
A Day or Two (or Three, or Four, or Five)
Story told at 16:15 // 0 person(s) left violent reaction(s).

maraming nangyayari sa buhay ko araw-araw pero hindi ko alam kung bakit kahit nagwawala na ang nanay ko kakaaya sakin magpunta sa rob para magbayad ng bills, hindi ko inintindi .. matapos ko lang tong blog na to [na-inspire kase ako sa blog ni Holy Kamote, sana mabasa nya to, para tanggapin na nya ung request ko sa YM, haha].



WEDNESDAY
walang pasok. buti na lang.
wednesday night. i read sir jhay's message for me regarding the Loreal Cut and Color Trophy. hindi ako nagdalawang-isip .. sinabi ko agad, SASALI AKO.
Jhay wants to brighten your day with a smile. Check out Jhay's profile and send a reply.
A message from Jhay:
i need models this saturday for loreal color trophy text me asap 0919xxxxxxx

-- [i changed the number for privacy] that was what sir jhay actually said on his message for me at friendster last april 29. nabasa ko na un the night after so saka lang ako nakapagtext. nag-respond naman sya. :D
text agad ako ke inah .. nagpapasama ko. ehe. pati inaya ko na rin sumama sakin maghanap ng isusuot. aun. dahil bored sya, kahit medyo "broke", sumama pa rin. hehe.

THURSDAY
the gala day. and, wala si mommy and daddy. umalis. nagpunta ng bagyo before lunch. umalis ako after lunch na. para medyo tipid na rin. haha.
mommy left me 1000php to buy what to wear for the event on saturday. i have 1600php on my wallet that time so a total of 2600php [binigay na ung baon ko until friday next week]. tignan nyo ung mga susunod na mangyayare ..
me dala ko van. sinundo ko si inah sa bahay nila. first stop: Greenhills Shopping Center -- dyan ako madalas bumili ng damit dahil sa cool styles and kinda cheaper price. ikot, ikot, ikot. me nakita ko sando worth 100php, bili. ikot ulit. until we saw this simple-but-pretty violet dress worth 550php [pero binigay ng 480php, 70php now is a big money already, haha]. solb. :D
parking: 40php.
wala nang bibilhin so we decided to change venue. next stop: SM Hypercenter Pasig. akala namen kung anong laman. un lang pala un. err. sayang ang paglalakad. haha. next stop: Tiendesitas. ikot lang sa mga "villages" dun as what they call them. bili ng kutkutin si inah. ako sago: 20php. nag-ikot kami sa pet village, sa mga damit. aun. picture-picture [inah has not yet given me the copies of our photos].
free parking.
wala na kaming maikutan. changed venue again. next [and last] stop: Eastwood City. gala, ikot, lakad, paulit-ulit. napunta kame dun sa mini tiangge, i saw this flats. i bought it for 300php. ikot, ikot. around 6-6:30pm, we ate. yellow cab mode. we ordered 10-inch manhattan meatlovers + drinks. i paid 185php. picture na naman. after, ikot ulit. hanggang sa nagsawa kame, umuwi na rin kame.
parking: 35php.
dahil nagbilin si marc ng pasalubong, dumaan pa kami ng Robinson's Metro East para bumili ng bicho bicho. di kase kame nakabili ng puto sa ghills, yan na lang. 5 sweet cinnamon for 50php.
uwian na! haha. nasawa na kame. :D
nagsend ng quote si glenn. nagtext ako. nagreply naman. kaso nag-check op ako. at medyo napapasarap ang usapan, nag-load ako. 50php.
tulugan na! haha!
now, start computing. how much did i spend for the whole day gala? hmm. CHET! lampas na sa budget! amp! ang laking problema nito!

FRIDAY
pasok na naman ng maaga. wala kame masyado ginawa. inayos lang ung mga dapat ayusin. nakakatamad.
since me meeting kame ng mga DMT members, late na naman ako nakauwi. actually, galing pa ko sa office when i went straight to sta. elena chapel for the novena mass. nag-undertime na ko, wala na kasi kami magawa. haha. saka 6pm ung novena mass, e hindi rin naman ako dumating ng 6pm sa chapel dahil sa kakahanap ng photoprints/digiprint. buti na lang hindi agad nagstart.
meeting lang. sa formation center. that was my first time to reach that place in OLA. ehe. [dahil sa DMT, marami akong nalalaman] marami rin kami. old members + new members = lumalawak na DMT. :)
hulog para sa survival training: 100php. siningil ni franz. hihingi pa sana ko ng sukli kaso nahiya na ko. haha.
after meeting, pumunta pa si baruth sa bahay para kunin ung ibang pictures dahil kelangan para sa presentation on the next day. kasabay namen si pipo dahil punta pa sya sa bautista, sumama pa samin para lang makita ung bahay namen. abnormal. nyaha.
hinatid ko lang si baruth pauwi tas dinaanan ko sina ate ning, mot, kuya chad and ian sa kapitan moy. taverna daw. nyerr. nandun na sina franz and kuya ron. susunod si pipo. gusto ko sana sumama, pero naisip ko, kelangan ko magbeauty rest, e 11pm na rin naman ako nakauwi. aw. di na ko sumama, sinabay ko na lang sila hanggang bayan. pagbaba nila, narinig ko na lang si mot .. "tandaan mo tong ginawa mo samen!" chet. haha. kaya pagdating ko ng bahay, dali-dali ako nagtext ke kuya chad, explaining things as if ang laki ng naging kasalanan ko sa kalad group. haha. :D
ayos ng gamit. tulog [nang putol-putol, chet].

SATURDAY
dahil 10am ung event, 6 pa lang gising na ata ako. umalis agad ako para bumili ng gamot ni marc [amoxil] kaso sarado pa ung mga mercury drugstores kaya dinaanan ko muna si inah. tas hanap ulit ng bukas na bilihan ng gamot. open ung sa palengke kaso walang parking. pumasok ako pero hindi rin ako nakabili. ang kupad nung store merchandiser, muntik na hilahin ung lite ace. chet. buti na lang nakaalis ako agad. kundi, yari. =/ aun, sa tapat kami ng sports center nakabili. napatawag tuloy ako ke mommy dahil hindi ko alam kung ilang milligrams ung gamot. 250 pala. amp. sayang 7.50php. haha. buti na lang 19.35php lang ung gamot. mura lang pala un, kala ko mahal. haha.
past 7am na kami nakarating ng bahay. kumain pa kame. ang tagal ko pa naligo. haha. tas bihis na. bnlower ni inah ung hair ko. sya kase ang hair stylist ko. nyaha!
almost 9am na kami umalis. tama lang. dumating kami dun around 9:30am. nagpark pa kami sa galle kaya ang layo ng nilakad namen dahil closed pa ung mall. nung una, dun pa kami mismo sa robinsons equitable tower nagpark, bawal pala dun pag walang visitor's pass. haha. chet.
pagdating namen sa 23rd floor, si sir jhay agad ang nakita ko. hindi ko na matandaan kung anong sinabi nya basta pumalakpak ang tenga ko. haha. tas aun, change outfit + makeup na. nakakakaba. parang gusto ko na magback-out nung nagpapalit ako ng damit, lalo pa nung nakita ko ung ibang "experienced" models na nasa CR din. ang gaganda nila, parang nanliliit ako. pero naisip ko na lang, "nandito na ko, bat pa ko aatras?" so i continued. nilakasan ko na lang fighting spirit ko. this is my new passion. i won't take the opportunities for granted anymore.
after nun, dumirecho na ko dun sa room where all the other models were staying. hindi pala pwede magsama ng companion sa loob so naiwan si inah sa labas. pero i brought my things with me na lang para di naman masyado nakakahiya sa kanya. aun ..
hay .. less than 20 kame dun sa room. man and woman. beautiful, simple, pretty, handsome, cute faces. white, fair, dark complexion. short, long, straight, natural, rebonded hair. simple, stylish, pretty get-ups. i felt SOOOPER nakakahiya when i entered the room. i sat to the chair as if i wouldn't want to talk to anybody there [well in fact, i wanted to talk to just at least once, wag lang ako magmukhang tanga dun]. ilang minutes din ang nagdaan. gusto ko magtext pero hindi ko mailabas ung phone ko. maliban sa hindi kasing ganda ng phones nila, wala pang load. haha. so poor. if you were in my place, you would the same thing .. grabe. i wanted to speak but i did not want to get embarassed dahil baka kausapin ko sila ng tagalog tapos english-speaking pala sila, isipin pa hindi ako marunong mag-english. kung ano-ano pumapasok sa utak ko. all the pressures, tensions, it gets into me, and i couldn't take it away. paminsan-minsan pumapasok si "borj" as how sir jhay calls him just to "eliminate" someone from our team. super nakakakaba. lalo pag pinapatayo nila kame para i-count. hanggang sa pinagsama-sama na nya kaming mga girls para mas madali i-count. unti-unti kami nalalagas. every time papasok sya, kinakabahan kame. especially when he asks us to remove our shoes para makita ung totoong height namen. habang tumatagal, kahit pano, nabi-buildup din ung self-confidence ko .. na at least, i still belong to the group. marami nang naalis pero andun pa rin ako. pero sa totoo lang, super nakakaliit talaga dun .. alam mo un. sa labas ng room na un, matangkad na ko. pero nung nandun ako, parang gusto ko na maglagay ng high heels sa paa ko para lang tumangkad ako gaya nila nang matanggap naman ako. kaso wala na ko magagawa. 5'8" LANG ang height ko. now, height and vital statistics are very big deals to me. i guess i have to work it out. hahaha!
aun na nga. after 4 or 5 rounds of counting, "I WAS ELIMINTED." after hearing the words, "lady in violet, thank you for coming", i felt like my whole world was crushing down. SOOOPER nakaka-frustrate. i was expecting a little na nakapasa na ko dahil almost done na ung pagpipili. nung me mga pumasok na bago at nagtanggal na ulit, aun, ako na ung isa sa mga natanggal. hay. tinanong na nga nya kame if making our hair done won't conflict to our schedule. ni-set ko na ung mind ko na mag-aask ako ng leave sa OJT ko para lang sa event na un. hay. oh well .. maybe modeling wasn't meant for me YET. there are still next times i know. i don't have to worry about this frustration. i'll try and try until i get what i want [and until my parents get poor, kakabigay ng pambili ng damit ko at accessories, haha]. this is not yet the end of the world. baka hindi ako pang-hair show. baka pang-"damit" show talaga ako. hahaha!
aun .. sa sobrang pagka-frustrate ko, napakain tuloy ako at napabili ng kung ano-ano without limiting my budget. sa teriyaki boy kame sa megastrip kumain. 500php. i bought a shirt in tomato, 100php. parking fee in galle, 40php. shirt in st. francis square, 100php. parking fee in megamall, 45php. money left in my wallet: 200+. deads.
pag-uwi ko, nood kame sagala. bda trip, nasa OLA na kame ng around 7:30. almost 8:30 na pala magsstart. sayang oras. tas tila 10 lang ata ung nag-sagala. bad trip. amp.
nung pauwi kame, nag-aya pa si marc sa mcdo. 132php lahat. money left in my wallet: 80php. CHET.
net lang tas natulog na ko. malungkot ako pero nilalabanan ko na lang .. wala namang mangyayare. whatever happens, happens. hmm .. =/

SUNDAY
since 11pm ako natulog, before 6am nagising na ko. isang gising lang saken. akala ko kase past 6am na. e 6:30 ung induction. aun. full-pledged member na ko ng eco-disaster management team [eco-DMT]. 25+ kame dun. malas, nawala ung candle ko. remembrance pa naman sana. di ko maalala kung saan ko naipatong. ayan tuloy. :(
super adik talaga sa pictures ng DMT. haha!
almost 1pm na ko nakauwi. nag-net lang ako ..
tas pagdating nila daddy, pinasundo si kuya kiko para magtong-its. ni-drive ko ung kotse ni ate cel hanggang UE village. ehe. ang sarap ng kotse ang gamit. sana me kotse na rin ako. okay na sakin ung honda jazz.♥♥♥



ang dami ko palang kwento ngayon! sana laging ganito. :)
pasok na naman bukas! 20php lang laman ng wallet ko! pano ko makakarating ng USTe at makakauwi? waaa! bahala na! :D

Labels: ,