White Flag Half-raised
Story told at
14:32 //
0 person(s) left violent reaction(s).
it was tuesday. at home, yes, i'm at home. i'm not at school. i'm not at the mall. just at home. it sucks, you know? haha. :D
it's manila day. we have no classes. fiesta sa san juan. basaan day there today. me? got a lot of things to do. a lot? hmm.
i woke up at 9am since i had no choice; ginising na ko ni mommy. at bawat pagpikit ko, pang-asar na kiliting hindi naman nakakatuwa. err.
puyat ako. dahil we were having an online conference with my thesis groupmates + verb [
my ex-classmate]. unfortunately, for the nth time, i fell asleep .. AGAIN. T_T
until now, i haven't made my post yet about the DMT Outreach and Survival Training. few weeks had already passed. err. i wanted to say
MANY things about my experience there. hay. i wish i could be as
sipag as the others. haha.
currently thinking the reason why i made this post...hay. so loaded. another week's coming again. another week of pressure .. of haggardness .. of puyatan .. of stress .. this is not the world i want to live. i want to live longer. :((
think positively. a 5-month sem is not that long. i can make it. :]
for positive results, of course, i have to take the following procedures:
[x] always be punctual.
don't be late. pass requirements on or before the deadline.
be on time.[x]
NEVER be lazy. it causes delay.
[x] have a proper time management. l
earn to do things .. ONE STEP AT A TIME.[x] more ...
i wish i could follow those guidelines. X_X
grabe. super init. kung gano kalamig nung andyan si Frank, ganong kainit ngayong wala na sya. condolences to the families of those who died in the sinking of MV Princess of the Stars. i felt so sorry especially when i saw the photos .. lalo na nung nakabaligtad ung ship. :(
Thesis. Compiler. Operations Research. Network Administration [
Cisco]. Advanced Operating System. Web-based Technologies. Numerical Methods. Software Engineering. all of these are
ENOUGH for me to die .. just die. pagod na pagod na utak ko kakaaral! pero sabi nga...
Don't ever get tired of what's going on with your life. Just walk on. :)
see? if i would give up this time, sayang naman. ang dami ko nang tiniis. 10 months na lang .. hopefully .. DAPAT.. makakagraduate na ko. saglit na lang un di ba?
i just need strength to face everything. i know i have God beside me. i know he won't leave me this time. :]
i loved what we had last sunday with my DMT family. we had this bible study and activity about PACT [P-petition; A-adoration; C-confession; T-thanksgiving]. kahit i always say the same prayer, iba ung feeling kapag naririnig ng iba ung prayers ko. feeling ko, mas mapagbibigyan. haha. oh well, alam kong pagbibigyan ako ni God. hindi pa sya pumalya saken. hehe. :D
enough said. it's 3:30. i don't want to sleep late tonight just by doing school stuff. i was given enough time to accomplish everything. bad na ko pag di ko natapos to before 12 midnight.
sana maging masipag, matalino at matiyaga ako!!! :)
COMELEC Days
Story told at
08:35 //
0 person(s) left violent reaction(s).
i just finished my
Incident Report needed for the documentation regarding the
Classroom Election Awareness Program and
Class Officer's Election. hay. at least, bawas burden. :D
last tuesday and wednesday, we had some COMELEC activities like what i said above. haha. the awareness program and the classroom election. since i am the ICS commissioner [
ehem], ako ung humarap sa mga students para mag-promote? para mag-campaign regarding nga the awareness program. aun. kahit wala akong practice sa kung anong sasabihin ko, dire-direcho lang ako. if you were beside me that time, you'd here me saying, "
Bahala na si Batman!" like i always do. that's how i love Batman. :)
it was 9:00am when i arrived at school. there, Kat [
my deputy] was waiting on the bench in front of room 55 since that's where i asked her to meet me. ako pa ung na-late. haha. eh kase sa galleria suites lang po manggagaling un, ako sa cainta. kamusta naman di ba.. aun nga. medyo kinwentuhan ko lang sya tungkol sa gagawin namen. aun. napagkasunduan naming sya ang magpi-picture at ako ang magsasalita.
OKAY.
FINE.
sections na nabunot ni Mark [my other deputy] nung meeting: 1CS-5, 1IS-4, 1IS-3, 1-24. ICS na sana lahat, pumalya pa sa isa.
first section:
1CS-5. [
i was so happy Mark got ICS classes.] si Ma'am Villegas ang prof [
prof ko sa Fil 1 nung 1st year]. una pa lang, alam kong makukulit na sila dahil hindi sila tatahi-tahimik. talagang magugulo na sila. pero okay lang naging masaya naman. usually naman ung mga lalaki ang tahimik. lalo si mr. president Toper. at kung sino-sino pa dun. haha. di ko na masyado nakilala ung iba kase sila ang first section na napuntahan ko at nangangapa pa ko. pero okay, masaya. kahit dalawa lang kami ni Kat at kahit ako lang ung nagsasalita, hindi naman ako nahirapan sa kanila [
masyado]. :D
second section:
1IS-4. okay naman. wala pa si Ma'am Cosme nung pumasok ako. parating pa lang sya. nagpaalam ako. pumayag din. ayos. pero mas masaya sa 1CS-5. magulo sila pero hindi nakakatuwa. boring. lalo na ung mga babae. haha. ewan.
third section:
1IT-4. hindi talaga akin tong section na to. ke paul to [
ME Commish]. nagkaron daw ng problema sa apartment nila so pinasa sa iba lahat ng hawak nyang sections. so kinuha ko nga tong 1IT-4 since ICS Commish naman ako. okay din. masaya. makukulit. hindi
BORING. buhay na buhay ang dugo nila. lalo nung Sean at Mitchell na masisipag bumoto ng mga classmates nila. aalis na ko, ayaw pa rin ako paalisin. mahal na mahal nila ko. nyaha! :P
fourth section:
1IS-3. IS na naman. dala na ko sa isang IS na napuntahan ko. tahimik at parang walang mga kamuang-muang. haha. si sir binuya ang prof. nagcheck lang ng reg form tas pinapasok na ko. tahimik sila. para silang nakakita ng multo nung pumasok ako ng classroom. hehe. op kors, di ko type. haha. feeling ko nagiging bias na ko. haha. pero talaga namang mas buhay ang mundo sa CS at IT kesa sa IS nung panahon ng election. hehe. tas aun. ang hirap pa nila pabotohin dahil masyado silang tahimik na tila ayaw na nilang magsalita. hindi naman siguro sila pipi? haha. ung isa naman, lakas pa ng loob na magreklamo na ang hina daw ng boses ko. hello?! e sila kaya magsisigaw sa 3 sections na dinaanan ko, aber? sampalin ko un! :D tas lumabas ako ng hindi masaya. haha.
aun. grabe. nakakapagod. pero nag-enjoy ako sa CS at IT na hinawakan ko. natutuwa pa ako dahil kapag nasasalubong nila ako, hindi pa rin nila ako nakakalimutan. nakatext ko pa ung president ng 1CS-5. haha.
the election and the campaign serve as a very nice experience for me because i was able to interact with other people younger me. haha. narealize kong marami akong magagawang iba bukod sa pakikipagdaldalan lang sa mga classmates ko sa classroom. natutuwa ako dahil at least ngayon mas naeexpose ako sa ibang tao at sa totoong mundo. :)
kagabi naman. hanggang 8 kame nagklase. nameet na rin namen si Sir Alex na prof namen sa madugong
Numerical Methods. parang ewan dahil nirequire nya pa kame na magkaron ng separate na notebook. parang mga prep lang kame. haha. pero okay lang. kahit nung medyo una e LITERAL NA WALA akong naiintindihan, nung nagbigay sya ng example, natuto na ko. bumabalik ang Sir Binuya [
dahil sa penmanship] at Sir Cabero [
way of teaching] pasts. haha! 10:00pm na rin kame nakauwi nina Steph at Master. pagkatapos kase ng class namen at pagtatanong ke Sir Dota ng Thesis topics e kumain muna kami sa KFC dahil baka sa gutom namen e hindi na kami umabot sa bahay. aun. napasarap ang kwentuhan. marami rin akong natutunan. hehe.
syempre, nung pauwi ako, nayamot na naman ako dahil hindi na naman ako binaba ng jeepney driver sa binayaran kong bababaan. napa-tricycle tuloy ako ng wala sa oras. bakit kase ang layo ng bahay namen. e parang ewan pa ung nasakyan kong tricycle. natutulog ata habang nagddrive. basta. pagewang-gewang tapos stop ng stop. muntik-muntikanan pa kame mabangga. tas aun. nakita ko pa si Glenn on my home. kahit di daw sya unli nagreply pa rin sya. e nung nag-unli naman, nakatulog naman ako. haha. sa bagay, me work din naman. alangan namang nakikipag-usap sya sa customer tas nakikipagtext sya saken? haha. ganun din ang nireklamo nya sa tricycle driver. pastop-stop din. oh di ba. abnormal nga ung driver. haha. o kame ang inaantok ni Glenn at kathang-isip lang namen na natutulog nga ung paraan ng pagddrive nung trike driver? haha. whatever. :D
aga ko nagising! 5:00! hindi na ko makatulog. kahit antok na antok pa ung mata ko. ung diwa ko buhay na buhay na. buti na lang hindi halatang naiwan ko na naman bukas tong laptop. haha!
please pray for me and my thesis groupmates na makahanap kame ng topic on or before Saturday para wala kameng "
surprise quiz" ke Sir Verge. sobrang haba kase. nakakatakot aralin. haha. pati na rin sa lahat ng subjects namen, ipanalangin nyo kami. maraming salamat. :)
mamaya magpapa-party kame sa STePs. pancit malabon handa namen saka puto. nyaha! namimiss ko na ung mga naggagandahan at naggagwapuhang boss ko dun. :]
mamaya Taverna mode. cecelebrate ng birthday ni Ate Ning at Micah. :D
un lang. babye. :)