<meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/797413349892369998?origin\x3dhttp://angelasolomon0.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Stories · About · Links · Archives

Life
http://angelasolomon.blogspot.com

"From now on, everyday will be the most important day." Hi! The name is Angela. Born on 10191988; existing (and living) for 21 years (and counting). Only daughter. Graduate of UST BSCS '09. Currently working (and wasting my once productive life) in night shift to sustain her luxurious life. Plans to mature on February 2010. Addicted to Web. A licensed driver. In a relationship since 122108. Loves my circle of friends. Loves sweets. Sentimental. Slim, long-legged with fair complexion. Wants to edit her life. So help me God.

I can be reached everywhere.
YM. Plurk. E-mail. Facebook. Twitter. Friendster. Multiply. Tumblr.

Rants
say anything like you mean it.

Hope you enjoyed. :)

free counters

5.31.2007
Cheesy Pops!
Story told at 21:43 // 0 person(s) left violent reaction(s).

Tulad ng ilang gabing nagdaan, 2 o'clock na ako ng madaling araw nakatulog. Pero hindi tulad ng ibang umaga, alas-9 ako nagising.

Agang-aga, naririnig ko ang mga tinig na nanggagaling sa bibig ng nanay ko. Araw-araw ko naman naririnig un, pero hanggang ngayon, ingay at hindi musika pa rin ang turing ko dun. Walang magandang naidudulot sa akin.

Ginising ako ng maaga dahil magpapa-immunization ako. Huhu. Kinakabahan ako. Pero nung nakasalang na ko, hindi naman talaga un masakit. Nakakanerbyos lang pag may nakaharap na needle sayo. Argh. Wala talaga akong kinabukasan sa Nursing.

Nagpunta rin kami Garden of Gethsemane Memorial Park, SM Cubao, Ali Mall, Robinson's Place Metro East at Sta. Lucia East Grandmall. Ayaw namin sa mall noh?

Nice. Cheesy pops! Waha! Bacon Chessburger flavor. Matagal ko na inaasam-asam un. Ngayon lang ako nakakain. Haha. Nakakainis. Wala namang naiba. Nasuya lang ako. Argh. Pero masarap talaga sya.Ü

* Richard, walang date. Haha. Ilang beses mo ba akong kinamusta tungkol dun? Haha!

Buti na lang sumama ako sa kanila. At least kahit papaano hindi ako nainip. Bukas, kami naman ni Inah ang magkasama. Kahit alam naming medyo nagsusungit ang panahon e pupunta rin kami kina Zarah. Simba rin kami. Ewan ko lang kung ano na gagawin namin pagkatapos. Good luck na lang bukas...

Labels: ,


5.30.2007
I can't sleep.
Story told at 23:39 // 0 person(s) left violent reaction(s).

10:30 pa lang nahiga na ko matapos ang isang nakakairita at nakakaburong araw.

Pero eto, gising pa ako. HINDI AKO MAKATULOG!!! Kung kailan ko naman gustong matulog nang maaga, saka naman ako hindi makatulog. Hay naku. Parang sinasanay ko na ung mga mata ko sa schedule ko next semester a. Argh.

My day started without a smile from my face. I felt very irritated since the time I opened my eyes. I don't know what evil possessed me. I've done some things, but still, my day ended up as it was.

I didn't know why I saw things very irritating this past day. I treated every person I talked to very awkward. Like Ronald and Richard who have been very nice to me, I've been very harsh to them.

Sorry.

Labels:


Only Reminds Me Of You
Story told at 00:42 // 0 person(s) left violent reaction(s).

Nasa Sta Lu pa lang kami, nagtetext na si Inah sa akin about sa kanila ni Jhay. Nagkaproblema daw. Hindi na raw tuloy ung lakad namin sa Thursday kasi nagkaproblema. Hindi raw nagtetext si Jhay. Nagbreak na raw sila. Haay. Puro problema sa pag-ibig. Pero syempre, bilang kaibigan, I was there, willing to listen. Kaso nga lang, hindi ako nakapagreply agad kasi wala ako load nun. Nung nakauwi na kami saka lang ako nakapagload. Aun.

From that, I learned na hindi ko dapat gawin ung bagay na hindi ko gustong gawin. Kung hindi lang din naman ako magiging masaya, wag na lang. Why will I always consider what other people might say? Sila ba ang masasaktan o masisiyahan sa mangyayari sa akin? No. I've been doing those things since I was born. I always consider other people's feelings. I never considered mine. Kahit magmukha na kong tanga, kahit mahirapan ako, kahit masaktan ako, sige lang. Ano ba naman ung mapasaya ko sila di ba? Pero I realized na, pano kung mamatay ako ngayon? Kailan ko pa pwedeng maramdaman ung maging masaya? Magagawa ko pa ba lahat ung pag wala na ko?

Be learned, guys. Life is all about happiness. We should not waste every second of it. Enjoy it, live as if you'll die tomorrow.Ü

Para naman sa mga brokenhearted, tamang-tama tong quote na to sa inyo:

"Moving on. Just two words. About a second to blurt out. But it can be a million years to achieve. The more you try to get over, the more that person invades your mind and heart. So, believe it or not, there's no such thing as moving on. It's just a matter of getting use with the pain to put in one word -- NUMB."


At alam kong patuloy nyong pakikinggan to...



We used to think that life is a fairytale. Full of magic, exciting, vivid. But that was a long time ago. Now we know that there's more to life than just 'happily ever after'. We've learned that we get wiser each day and no fairy can lead us to happy ending. We decide, we struggle and somehow we begin to understand that we have the power to make each day better than yesterday.

Makakatulog na rin. Ang sarap. Ang lamig. Pero tuwing maiisip ko ung schedule ko, naiiyak ako. Nagsisimula pa naman na ang tag-ulan. Huhu... ='(

Labels: ,


5.29.2007
Harsh
Story told at 22:46 // 0 person(s) left violent reaction(s).

I slept at 2 o'clock in the morning. I woke up at 11 o'clock this morning. I don't know why.

Almost 1 am na ako nakahiga. Kumain pa ako ng cup noodles habang nanonood ng Noypi. Hindi rin kasi ako makatulog. Hindi ko alam kung anong umiikot sa utak ko at kung anu-anong iniisip ko kaya hindi ako makatulog. Niyakap ko lang ung unan na bigay ni Dadi kaya ako nakatulog. Haay.

Paggising ko, parang wala ako sa sarili. Tahimik, tulala. Hindi natural. Siguro dahil naisip kong panibagong araw na naman ng pagbuburo. Haha. Buti na lang masarap ang ulam namin. Paborito ko. Tinolang manok. Yum. Naibsan ang kalungkutan ko.Ü

At minabuti kong ayain ang nanay at kapatid ko sa mall -- sa Sta. Lucia at Robinson's. 3:30 na kami nakaalis at nagsisimula nang magsungit ang panahon. Pero may dala naman kaming payong. Cute na payong. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakagamit ng payong na rectangle. Astig.

Ano na namang ginawa namin sa mall? Nagbayad ng bills, nagpagod kakaikot, naglakad nang naglakad, bumili ng kailangan, mamili ng groceries, at lumamon... na parang bibitayin na bukas. Haha.

At, magpastranded. Muntik na kaming hindi makauwi. Haha. Wala kaming dalang sasakyan. Wala kasing magda-drive -- marunong ako magdrive pero hindi sa pagdaan sa demonyong daan ng Marcos Hi-way. Bandang alas-6 pa lang, may nagtetext na sa akin na malakas nga raw ang ulan. Dumagdag pa ang kuya ko na hindi raw makakauwi dahil red alert daw sila at tumataas na ang Marikina River. Baha na rin daw sa Sumulong Hi-way at Gil Fernando Avenue na mga dinadaan pauwi sa bahay namin. Harsh. Almost 9 na nung matapos kaming maggrocery. Ubusan ng bagger, kaya napilitan akong ilagay sa plastic bags ang ibang pinamili namin -- imagine, customers na ang nagbabag! Nag-isip pa kami ng paraan kung saan madaling makahanap ng taxi. Kaya ang ginawa ko, iniwan ko sila sa isang lugar at pumunta ako sa ibang entrance ng mall para maghintay ng taxi. Mga 10 minutes lang ako naghintay. Me nagpapara na -- nabighani siguro sa legs ko. Haha. "Miss, saan ka?", parang prostitute lang ang tinatanong. At inexplain ko sa kanya kung saan. Kinontrata kami. Simula Sta Lu hanggang sa bahay namin, 150 pesos daw! Ang mahal! Pang-gas na un hanggang Makati e! Pero dahil no choice na, gin-rab ko na. Sumakay na ko at sinundo na sina Mommy. Aun. Awa ng Diyos, kahit medyo kakarag-karag na ung taxi e nakauwi naman kami ng maayos. Sana lang tumirik sya pag pauwi na sya...

Labels:


5.28.2007
Survey from Arizia
Story told at 19:42 // 0 person(s) left violent reaction(s).

I got this survey from Friendster. Arizia, my classmate/friend/textmate/finals and prelims partner/SM buddy/co-sawi, posted it.

And by the way, these are MY opinions.

♥♥♥


1)can u imagine life w/o men?
♥ life without men is really difficult. panu na ung mga tubo, poste, bubong, kisame, kalsada, ulam, labahin. wala nang gagawa nyan. haha! kidding aside, kahit hindi gustuhin ng mga kababaihan, walang mundo kung wala sila. Jesus is part of those "men". Talo tayo.Ö

2)Are their existence important to u?
♥ yes. malaki ang silbi nila talaga. hihi. kahit minsan me pagka-mean sila. argh.

3) do u hav a guy bestfriend? How does he differ from ur gal friends?
♥ yes. he's darrell. how does he differ? hindi ko masabi lahat sa kanya. kasi alam kong di sya sasang-ayon. haha.

4) What’s d ultimate turn off for u?
♥ sa lalake? kuripot. jologs. walang respeto. tandaan, ang pagiging corny nila ay mas nakakakilig na ngayon. hmmm... aminin!Ü

5)First thing/s that attract u most?
♥ tantalizing eyes. kissable lips. tallness. astig na hairstyle.

6)What are d things about a guy that u'd fall for?
♥ sweetness. thoughtfulness. in short, magaling mambola.

7)What common thing do u hate about them?
♥ pagiging silent nagger nila. pagiging babaero, walang isang salita, SINUNGALING!!!

8)Do u really think guys have that same attitude in some ways?
♥ yes. ung pagiging mambobola nila, pare-pareho sila.

9)What do u think is their advantage wen it comes to relationship?
♥ "if the girl loves him more... EVERYTHING!" -- like what arizia said.

10)Give a tip on how to win a girl’s heart.
♥ be yourself. just be yourself. promise. you'll get to win her heart. hear fragile heart.

11)What’s the worst thing they can do that can break a girl’s heart?
♥ ipagpalit sa bading. haha. no, uhm, having an affair with other girl. that sucks.

12)Do you believe that behind every bitch, is a man who made her that way?
♥ TRUE.

13)If a guy wants to break up with a girl, how should he say it?
♥ just say what he wants to say. walang labis, walang kulang.

14)Which one is better, torpe o mabilis dumiskarte?
♥ torpe. presko kasi ang dating pag mabilis dumiskarte.

15)Do you like him to be your frnd 1st or court u d next week aftr u wr introducd?(this is wn he rili lyks u)
♥ friend muna. para mas makilala ko muna sya ng husto.

16)Message to guys who are mabilis dumiskarte:
♥ just be sure hindi magmumukhang katawa-tawa ung dinidiskartehan nyo.

17)Message to loyal boyfriends:
♥ "i wish i have a boyfriend like you.." -- my answer? same as arizia's.

18)Message to heartbreakers:
♥ makakarma din kayo! walang 'ya kayo!!! >:)

♥♥♥


Tamaan na lang ang tamaan. Waha!

Labels:


Christian Bautista Mode.Ü
Story told at 18:35 // 0 person(s) left violent reaction(s).


Ang cute noh? Gusto ko sya ma-meet personally.Ü Sawang-sawa na ko sa pictures nya. Haha.

I love Christian Bautista's Latest Album "Live". Ang gaganda ng kanta. Makabili.Ü

Isa na ung More Than You'll Ever Know. Dati pa, favorite ko na un. Lalo pa nung ni-revive ni Papie Christian Bautista...Ü



Maganda rin ung Beautiful in my Eyes. Feeling ko kasi pag sya kumakanta parang para sa akin e. Haha.



Eto pa. Isa pang maganda. Fixing a Broken Heart. Kung sya lang naman ang magfifix, ayos na ayos.♥

Labels:


Boring...
Story told at 16:55 // 0 person(s) left violent reaction(s).

Agang-aga tumunog alarm clock ko. Aalis kasi ako. Punta school. Ayaw magpamiss ng eskwelahang un. Argh.

Tinext ko agad ung classmates kong mababait na nasa school na nung mga oras na un. Nakapila na sila dun para kumuha ng clearance at magpa-advise. Ako? Nakahiga. Kagigising lang. Haha. Ang batugan talaga. Aun.

10:30 na ko nakaalis ng bahay. Parang pinag-isipan pa ng nanay ko kung bibigyan ako ng baon. Buti na lang nagbigay -- kahit alam nyang sandali lang naman talaga ako. Hihi. Aun. Nakakatamad talaga pumasok ng tanghali! Napaka-init! Ang hirap pang sumakay ng FX. Jeep tuloy nasakyan ko. Amf.

11:45 na ata ako dumating. Walang dumadaang jeep ng Lealtad. Naghintay pa ko. Ayoko nga magpedicab. Cost-cutting.

Wala na kong nadatnan dun. Wala na sina Diana, Ernest, Jerick, Master, Steph... Kasi sabi ko 8 ako dadating e. Haha. Whatever...

Pagdating ko, schedule agad ang tiningnan ko dahil naintriga ko sa pinagsasasabi ni Arizia na may class ako na 1-8. Argh. Confirmed. Meron nga! Waa! Ayoko nang ganong sched! Pero okay lang. At least classmates ko pa rin ung classmates ko. At... Regular na ako!!! Kinopya ko na kahit labag sa loob ko...

Akyat ako sa 55 pagkatapos. Wala nang tao pagkasilip ko. Sina Kuya Ryan na lang. Kinuha ko na agad ung clearance ko. Larga na ulit. Baba na ako agad. Nung nasa labas na ako ng Eng'g, naisip kong umupo muna sa bench sa tabi ng complex. Argh. May lalake at babaeng lumapit -- ung lalake, naki-upo lang (nagpapaalam e hindi naman ako nag may-ari nun), ung babae, nakipagkwentuhan pa. Argh. "Miss, pwede magtanong?" Sabay upo. "Nawawala ung clearance ng anak ko. Pwede ba un?" Tae. Ano ko, ako ba nagprint nun? Sinagot ko na lang ng: "Hala. Hindi ko po alam. Check nyo na lang sa Dean's office. Baka napasama lang po sa ibang section." Aun. Napadaldal na. Kesyo hindi raw sya umaalis at binabantayan nya ung anak nya dahil me nagsstalk daw na babae. Argh. Anong gusto nya palabasin? Kamukha ni Matt Long ung anak nya? Argh. Umalis na rin ako nung wala na syang maipagyabang. Haha.

Uwi agad. Kain. Nood TV -- Blue's Clues, Pera o Bayong. NEt. Yan, ganyan ang buhay ng walang magawa...

Labels:


5.27.2007
Sunday is today.
Story told at 21:56 // 0 person(s) left violent reaction(s).

Nakakainis dahil nagkandasabog-sabog na tong page ko na naman! Argh.

My day today? It's kinda funny. Haha.

8 in the morning dapat ako magsisimba kanina. Pero dahil sa pagkamantika kong matulog, hindi na naman ako nakapagsimba. Argh.

9 na ko nagising. Binulabog kasi ako ng tatay ko sa pagtulog. Tumutulo pa ang laway ko sa pagkakanganga e. Haha. Ayun. Ayusin ko raw ang mga gamit ko na kahit kailan hindi na umayos. Haha.

10:30 ng umaga, tamang pang-aasar lang ng nanay ko na utusan ako sa palengke para bumili ng ipang-uulam para sa lunch namin. Ang saya! Magmotor ako sa kasagsagan ng init ng araw! Argh. Tama ba yun? Ha? Ha? Amfness. Pero wala pa rin ako nagawa. Kesa mabulyawan na naman ako. (At dalawa pa silang mambubulyaw sa akin dahil nandito rin ang tatay ko kanina...) Aun. Tamang pagpapantalon (Skinny jeans pa. Haha.) at jacket pa ako kahit gaano pa kainit (Kesa madagdagan na naman ang layer na papuputiin ko. Argh.). Sandali lang ako dun. Pag-uwi ko sa bahay, marumi na ang pants at paa ko. Haha. Ayoko talaga sa palengke kung tutuusin. Wala kong kahilig-hilig sa pagluluto o kung anumang koneksyon dun! Pagkain lang. Hehe.

Tapos tanga na.

Mga 3:30, nagpunta naman kami sa children's party. 7th birthday nung apo nung kapitbahay namin. Ayun. Dun sa Cafe Kapitan sinelebrate. Naman. Naawa ako dun sa clown nung una. Wala kasing nagpaparticipate. Hehe. Nung isang game pa lang, minabuti nyang pakainin muna kami. Haha. Handa? Cordon Bleue, Beef with Mushroom Sauce (na mas masarap pa ung sa debut ko), Baked Macaroni, Spaghetti, Kanin, Salad at ewan ko kung ano pa ung iba. Ayun. Nakalamon naman ako. Haha. Tapos pagkatapos, lumabas ako (para magretouch. haha). Nakita ko ung mga pictures na nakakabit sa dingding ng Cafe Kapitan. Ang corny. Haha. Tas aun. Balik party na. Natuloy ang program. Nung si Ricky the Magician na, ayos. Iba sya. Kamukha nya si Peter Paul -- ung vocalist ng Mom's Cake. Haha. Very funny.

Nung 6 na, umalis na kami. Aalis kasi sina Mommy. Ako naman magsisimba. Akala ko ung misa na nagaganap na e misa na ng 6:30. Nagmadali pa ko pumasok. Favorite ko kasi ung church song na kinakanta. Haha. Ayun. Natapos ko naman ung misa kahit nakatayo ako at init na init. Tamang timing pang wala akong dalang panyo. Argh!!! Past 7 na natapos. Lumabas na ako nung pagkatapos ko magcommunion. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at inulit ko ung misa. Nagsimba ulit ako nung 6:30 mass. Haha. Nakakatawa talaga ko. Para kong ewan. Feeling ko tuloy ang banal-banal ko. Kahit hindi naman talaga. Haha.

Ayun. Nagtext si Dadi. Naglaod ako. Nag-unli ulit. Tapos, hindi na rin nakareply. Sad. Hehe.

Pag-uwi ko, telepono lang. Kahit hindi ko talaga hilig magtelebabad, kung bakit kanina, siguro dahil sa sobrang pagkabored ko, naisip kong tawagan na lang si Inah. Tapos si Richard. Ayun. Ganun lang. Eto, humarap na naman ako sa PC. At hanggang mamaya na to.

Labels: , ,


5.26.2007
2-GB Memory Stick Duo PRO
Story told at 21:23 // 0 person(s) left violent reaction(s).

Haha. My camera's been with me for almost 6 months pero ngayon lang ako nagkamemory card. Haha. Buti na lang binili ako ng Daddy ko. Ang bait.Ü

Now I can take MORE pictures than before. Adik pa naman ako magpicture. Hihi.Ü Makakapagvideo na rin ako ng matagal. Waha. -- Nakakahiya na ba ako? Hihi.

Ano kayang magaling na nangyari sa page ko bakit nagkandasabog-sabog na. Argh. Anyway, thanks for the message, Annika. Feeling ko ang dami ko nagagawang maganda sa mundo. Haha. Sana puro magaganda lang ang natututunan mo sa akin. Hehe. God bless.Ü

Hanggang ngayon, maulan pa rin. Nakakatamad. Argh. Ang sarap pa matulog. Pag ganitong di ako unli, huh, maaga ko makakatulog ngayon. Yehey!Ü

Labels:


Argh!!!
Story told at 14:33 // 0 person(s) left violent reaction(s).

Hindi ako makapagpost ng blog ngayon! Di ko alam kung bakit. Argh!!!

Clearance day na sa Monday. Amf. I better start praying...

I don't like this kind of weather -- ulan, araw, ulan, araw. Di ko malaman kung kailan dapat gumalaw. Argh.

Ang init! Super init! Kahit na dati na talaga akong tamad, mas nakakatamad pa. I hate this.

Oh. Please help me edit my page. Ang dami pa kulang e. Waaa! Ang sakit na ng ulo ko kakahanap ng codes. Hihi. Salamat.

Hanggang dito na lang muna. Wala masabi. :|

Labels:


Are you ready to talk about morality?
Story told at 12:02 //

This survey was sent to me by my ex and future professor in UST. I wanted to share this to you guys so I posted it here -- without the consent of the sender. Haha.

♥♥♥


Kindly answer the following like you do to surveys. Provide at least one reason (premise) for your answers (conclusions).

DIEGO A. ODCHIMAR, III

1. Can something good be wrong?

2. Is good always right?

3. Is there a right to do evil?

4. In Genesis, chapter 22, God orders Abraham to sacrifice his only son Isaac. Should Abraham, or any father, obey such command?

5.Is it good to obey this command?

6. Is it evil to disobey it?

7. Is it right to kill an innocent human being?

8. Is it wrong to disobey when God’s will is irrational?

10.What does it mean to be moral?

11.Is it acting on something because it is good?

12. Is it acting on something because it is right?

13. What is the right thing to do?

14.Is it what a rational person would do?

15. Should you be moral?

16. Why should you be moral?

17. Does your religion determine your moral choices?

18. Isn't religion a problematic moral standards because it is often used by terrorists and criminals to justify their wrongful acts?

19. Do you believe in those who condone and practice terrorism that they are ordained by God?

20. What do you think of those who use religion to wrongfully condemn other people, or unfairly denounce the acts that they advocate?

21.Is it possible to resolve moral questions independently of any religious beliefs?

22. Can there be morality without the belief in god?

23.Do you believe that there is a moral law that is binding on everyone in an impartial manner, regardless of any religious affiliation?

24.What does it mean to love your neighbor as you love yourself?

25. Do you think that if there is no heaven and hell that there in no sense in living a moral life?

Labels: ,


5.25.2007
New Skin!
Story told at 17:36 //

I've been trying so hard to edit how my page looks like. Too bad I cannot do it. It still looks sabog. Argh.

-- That was what I said a couple of hours ago.

Now, I can say that my page looks nice. Haha. I should say it. An gsimple lang pero hirap na hirap ako mangapa. Haha. Oh well, I would like to acknowledge BlogSkins.com and Ms. Karyll Trinidad. They are my inspiration. Haha.

I've been in front of this computer for more than 5 hours. Haha. My eyes are aching. Hihi. Time to say good bye now.

♣ The night is about to end but it is still incomplete...

Labels:


5.21.2007
Swerteng Malas
Story told at 20:52 // 0 person(s) left violent reaction(s).

"Late ka na!"

Hindi ko alam kung anong masamang hangin ang pumasok sa utak ko at nasiraan ako ng ulo sa pag-iisip na 8 o'clock ang pasok ko kanina.

Kagabi, pa-easy-easy pa ko. Dahilan ko, 8 naman ang pasok ko bukas kaya okay lang kahit medyo ma-late ako ng gising. Nakipag-"telebabad" pa nga ako kay Pareng Richard ng sapilitan. Natalo nya ko. Napapayag nya ko dahil sa kakulitan nya. First time lang namin nakapag-usap sa phone. Pang-call center pala boses. Nahihiya tuloy ako. Boses bakla ako. Hehe. Pero infairness, marami akong natutunan sa kanya. Sabi rin niya sa akin, mag-enjoy daw ako. Pero may iniwan pa syang "palaisipan" daw: "Pwedeng ma-inlove ang magkaibigan?". Nung natapos kami mag-usap ng around 12:30am, saka pa lang ako nag-dinner. Unti-unting paraan ng pagpapakamatay ko kasi un. Haha.

* Tulad ngayon, hindi pa ako kumakain. Bellas lang ang kinakain ko ngayon. Ung tinapay na may palamang pula na binili ko sa MB5 kanina. Favorite ni Dadi un. Namiss ko tuloy sya... ulit.

Almost 2:30am na ako nakatulog. Pero 5:30am e naka-alarm na ko. Pero gaya ng laging nangyayari, hindi rin naman ako nagising. Kung hindi pa ako ginising ng nanay ko ng 6:00, hindi pa ako magigising. At ayun nga, 6 na ako gumising dahil sa pag-aakala kong 8 ang pasok ko. Ang tagal ko pa naligo. More than 20 minutes na dapat sana e mas mabilis pa dahil baka ma-late ako.

Nung kumakain na ko, hindi ko alam kung bakit nung oras na un pa pumasok sa utak ko na alas-7 pala ang pasok ko. Nahihibang lang pala ako na alas-8. Iisang subo pa lang ako nang bigla akong tumayo para magtoothbrush dahil almost 7 na sa wall clock namin sa kusina. Argh. Super late na ko!!!

[That's Malas #1.]

Pasakay na ko ng jeep papuntang Masinag, hindi ko malaman kung bakit sa dinami-rami ng araw na mahirap sumakay e kanina pang umaga natapat. Ilang minuto rin ako naghintay bago ko nakasakay. Nung nakasakay nga ko, ang bagal naman nung jeep. Amf. Sinasabotahe ako.

[That's Malas Combo #2.]

Nasa malapit na ako sa Antipolo Medical Center nung bigla kong naalalang wala ung coat ko na gagamitin para sa defense ko. Waaa! Naisip ko, hindi na lang sana ko babalik para kuhanin un; manghihiram na lang sana ko. Pero naisip ko, baka walang may ganun. Patay ako. Kaya, Nung nasa Masinag na ako. Bumalik pa ako sa bahay para lang kunin sa bahay un. Bad trip!

[That's Malas Combo #3.]

Pagkakuha ko sa coat ko, buti naman at madali na sumakay papuntang Masinag. Nakasakay din ako agad pagkalabas ko. Pero pagbaba ko naman sa Masinag, saka naman ako nahirapan na naman sumakay. Amf. 7:20, nandun pa ko. Amfness talaga. Tapos nagkanda-trapik-trapik pa ako! Anak ng malas talaga, oo.

[That's Malas Combo #4.]

Pero hindi ko alam na swerte rin pala ko. Pagdating ko sa UST nang past 8 na, HINDI PA SILA NAGSISIMULA!!! Hanep! Ang galing-galing. Hihi. Pero me pagkamalas pa rin dahil hindi kami nakapagreport agad. Naghintay pa ako hanggang 11 para makapagreport. Sa halip na 10 pa lang sana ay nasa bahay na ko. Amf.

Ang sarap pala ng feeling pag nakapang-office na attire. Feel na feel ko. Haha.Ü

Labels:


5.20.2007
Solicitation
Story told at 18:50 //

"Miss, pwede ko bang kunin ung number mo?"

Sabi sa akin yan ng isang mamang abnormal na nagsosolicit para daw sa uniform nila na gagamitin sa basketball league sa barangay nila.

Magkano binigay namin? 40. Haha. Paano ba naman, simula ata nung pumasok ang May, ilang tao na ang nanghingi ng solicitation para sa laro nila, na di naman namin napapanood -- at nalalaman kung dun nga nila ginagamit un o pang-drugs lang. Haha. Pero nagbibigay naman kami kahit papano, baka bulyawan pa kami at pagsasapokin. Nakakahiya naman sa kanila. Argh.

Asar pa. Ang tagal-tagal ko sila pinaghintay, nakalimutan ko, hinihintay nga pala nila ung inabot sa aking envelope. Kaya naman pala kahit anong tagal ko e ayaw pa rin umalis. Argh.

Pagkabalik ko sa kanila para ibigay ung envelope, lakas loob nyang hiningi ung number ko. As if naman ibibigay ko. Napahiya pa tuloy sya. Pagkasabi ko ng "Hindi" sinara ko na agad ung gate. Amfufu.

At tinuloy ko na pagko-computer ko. Minabuti ko na rin na hindi na magsimba bukod sa late na ko. Hindi kasi ako nakapagbigay kaya may kasalanan ako sa Diyos -- nahihiya ako magpakita. Hihi.

Labels:


Senatorial Election 2007
Story told at 16:04 //

"Sino bang iboboto mong Senator?"

That was just one of the questions I heard on and before the election day.

First time ko bumoto ngayong taon. December 30, 2007 when I was forced by my mom and dad to register; to fall in an almost-a-kilometer line in a small municipal hall with no-bath elders and jologs teens. Argh.

Sa totoo lang, ayoko talagang bumoto. Bukod sa feeling ko e napakatanda ko na, wala rin naman kasing nnagyayari. Alam kong obligasyon ko bilang mamamayang Pilipino ang bumoto pero para sa akin kasi, ang pagboto ay for formality sake lang. Usong-uso ang dayaan. Para sa akin, nakatalaga na ang mga panalo. Pinaghihintay lang nila ng resulta ang mga mamamayan para hindi naman masyadong halata.

Dun kami sa elementary school malapit sa amin bumoto. Sa pangkuha pa lang ng thumbmark, halatang-halatang tinipid ng COMELEC ang budget. Natutuyuang plastic lang ng tinta ang nandun. Namroblema pa kami dahil sa halos matutuyo-tuyo na, hindi makita ung thumbmarks ko sa mga papel.

Pag-upo ko, isang "Ballot Secrecy Folder" at ballpen na nagtatae ang nasa desk ko. Gagamitin ko sana ang dala kong ballpen pero dahil first time pa lang, sinunod ko ung instructions nila. Nasa ballot secrecy folder ang lahat ng pangalan ng mga kandidatong senators, governors, congressmen, mayors, vice-mayors, councilors at partylists. Sa provincial at municipal, halos lahat hinulaan ko. Parang exam pala bumoto; ang hirap din... ang hirap manghula!

2010. Presidential election na. Pahirapan na naman nun sa pagpili. Pero hangga't nananatili sa pag-iisip ko na puro dayaan lang ang nagaganap sa eleksyon, hindi siguro ako mahihirapan... na manghula!

Pero dahil nakaboto na ko, wala na ko magagawa. 10 lang ang sinulat ko sa balota. Ung iba, napilitan pa ko.

Sana matigil na ang mga kababalaghang nagaganap sa eleksyon. Para ang mga kabataang tulad ko, hindi madalang bumoto.

Labels:


5.06.2007
Kay Ganda ng Pilipinas
Story told at 15:57 // 0 person(s) left violent reaction(s).

"It's a WOW country!!!" - Regine Velasquez

Isa lang ang yan sa mga lyrics ng mga kantang kinakanta sa mga commercials sa TV araw-araw na patungkol s ganda umano ng Pilipinas.

Kahapon, pagkagaling namin sa Angono para magsimba, dumiretso kami sa Tanza, Cavite para bumisita naman sa sundalo ng tatay ko na namatayan ng asawa dahil sa kinatatakutan ng mga babaeng breast cancer.

Hindi ko alam na didiretso na pala kami dun. Kaya halos masapok ko na ang nanay ko dahil sa sobrang inis ko. Kung alam ko lang, sana hinayaan ko na lang syang magalit dahil sa hindi ko pagkakasama.

...to be continued...

Labels: ,


A Priest Heals?
Story told at 01:53 // 0 person(s) left violent reaction(s).

Naniniwala ka ba sa healing priest?

April pa lang, nagkalat na ang balitang may healing priest daw na bibisita sa subdivision namin. Ung kapitbahay namin na taga-don sa kabilang daan ang nagpasimuno.

Sa unang un pa lang, inaya na ko ng nanay ko. Magaling daw kasi un. Kayang gamutin lahat ng problema mo, pinoproblema mo, poproblemahin mo, pumoproblema sayo at kung anu-ano pang problema. Pero simula nung fetus pa lang ako, hindi talaga ako naniwala sa ganun. Hanggang sa dumating ang araw kanina.

Alas-8 pa lang, ginigising na ko ni Mommy at Daddy. Nung una, ayaw ko pang bumangon. Feeling ko masama pa loob ko dahil ginigising nila ako ng 8am kahit 12mn naman talaga ako natulog kagabi (mahabang-mahaba na para sa akin ang 8 oras na tulog -- usually kasi 3-4 hours lang tulog ko.). Pero kahit ganun, sumama pa rin ako. Hindi naman ako hudyo. Talagang nakakaloko lang dahil may simbahang malapit naman dito sa amin pero kung bakit sa dulo na ata ng Angono ung pinuntahan namin simbahan.

First time ko makapunta sa Angono. Hanggang Binangonan at Taytay lang kasi ang nararating ko pa lang sa Rizal. Ang layo pala nun. More than 1 hour din ung biyahe namin galing sa bahay hanggang dun. At talagang probinsyang-probinsya na dun. Simple lang ang buhay ng ilang tao. Napapaligiran ng bundok, at marami talaga dun bundok. Eto ang katunayan:

Isa sa mga bundok na nakita ko sa Angono


Ilang sandali lang galing sa picture na yan, nakarating na rin kami sa simbahan. Isang maliit na simbahang hindi pa tapos ang mismong imprastraktura. Masangsang nang bahagya ang amoy ng kapaligiran. Butas ang bintana. Hindi sementado. Bubong na yero. Lumang pinto. Makalat na kapaligiran. Walang electric fan o aircon. May cabinet na may salamin. Hito sa palanggana. Plastik ng basura sa isang poste. Asong pakalat-kalat. Pintong hindi ginagamit. Mga kahoy at bakal na nakakalat sa sahig. At kung ano-ano pa (pero dahil sa maarteng tao talaga ako, ako lang siguro ang pumansin sa mga nasabi ko). Pero sa altar, makakakita ka ng dalawang poon, table ng pari, krus na maliit, mga kandila at puting tablecloth. Un na nga ang simbahan ng mga taga-roon.

Eto ung simbahang pinuntahan namin sa Angono. May mga extra pa.


Pagpasok ko, nailang ako. Hindi ko malaman kung tatagal ba ako sa loob dahil sa nakikita, nararamdaman at naaamoy ko sa paligid. Pero nang dumating ang unang pari (na may itsura, hindi pa maedad, maputi, flawless, pero maliit -- turn off) at ang ikalawang pari (na walang buhok, may edad-edad na pero matangkad -- turn off pa rin), natahimik ako. Minabuti kong makinig na lang sa misa tulad ng lagi kong ginagawa kapag nagmimisa ako sa OLA tuwing Linggo, alas-6:30 (kahit minsan medyo nadidistract ako sa gandang lalaki ng isang tao dun).

Umabot din ng isang oras ang misa. Parang misa lang rin sa OLA. Iba nga lang ang simbahan, choir, sound system, offerings at hindi si Father Thomas Frederick ang pari. Pero ayos na rin. Natutunan ko na mahalagang maging matatag dapat ang ating pananampalataya sa Diyos -- ngunit pananampalataya na may gawa.

Pagkatapos ng misa, bumaba kami sa baba -- sa maliit na bahay na tinitirhan ng paring nagmisa. Sabi ni Mommy, makiki-jebs lang daw siya kaya sabi ko maghihintay na lang ako sa labas (hindi na ako naki-jebs, naisip ko kasi, baka magsialisan ung mga tao dun...). Pero nung pumasok siya, tinawag rin nya ko -- para ipakilala kay Father (ang Father na tinutukoy ko e ung paring walang buhok, may edad-edad na pero matangkad).

Pagpasok ko, pagtingin ko sa kaliwa, isang malaking Jesus na nakapako sa krus ang nakita ko at isang napakalaking bato na nilulunon ata ni Father tuwing may kailangan siyang iligtas. Pag upo ko, hiningi agad nya kamay ko para tingnan.

Sa paghawak nyang un sa mga kamay ko, puro nerbyos ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil baka sa sobrang lakas ng kung anumang sumasapi sa akin, mapatalsik ko sya sa upuan at masisi pa ko ng mga tao. Akala ko nga huhulaan ako sa pamamagitan ng pagtingin sa palad ko (titignan kung direcho ung mga guhit). ang ginawa nya, pinagpantay nya ung dalawang hinliliit ko. Pagkapantay na pagkapantay pa lang niya, nagulat ako sa nakita ko. HINDI PANTAY ANG MGA DALIRI KO!!! Literal. Kung sinasabi nila na hindi naman talaga pantay ang mga daliri, alam ko yun, pero iba ung hindi pagkakapantay e. Malaki ang agwat. Kung kaya lang ng ilong at bibig ko mag-picture, napakita ko sana sa inyo ung itsura. At alam kong walang daya ung dahil ako mismo ang nagpapantay. Hindi ko alam kung mahi-hysterical ba ako nung nakita ko un. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin kong reaksyon. Tinanong nya ko. Kung meron daw ba akong nakasamaan ng loob, nakatampuhan, nakainisan, nakagalit o nakaaway. Sabi ko, wala naman ata; kung meron man, hindi ko alam. At bigla nyang sinabi sa akin na meron daw akong na-alaska na sumama ang loob sa akin, or what. Bigla siyang naglabas ng ballpen (na color violet -- hihingin ko sana) at papel (na kasing laki ng 1/4 na ginagamit ko nung high school pa ako). Akala ko reresetahan ako ng gamot para hindi rin magpantay ung daliri nung nakita nyang may sama ng loob sa akin. Un pala, ido-drawing nya ung itsura nung lalakeng un. Bilugan daw ang mukha, nasa 20's, may work ata (hindi ko na masyadong naintindihan ung sinabi dahil pagkabigay pa lang sa akin nung papel e inisip ko agad kung sino ang taong un). Pagkabigay sa akin, hindi ko agad naisip kung sino un. Wala kasi akong maisip nung mga panahong un kung sino ba talaga ang taong un. Aun. Basta un.

Pagkatapos naming mag-usap tungkol sa lalakeng un, pine-ray over nya ko -- at ang mga kamay ko. Sa hindi malamang kadahilanan, parang merong nagpatak ng EyeMo sa mata ko at hindi ko napigilang maiyak. Kahit na hindi ko talaga gawain ang pag-iyak sa harap ng ibang tao, hindi ko talaga napigilan ang sarili ko. Lalo pa nung hinawakan nya ulit ang kamay ko at sinabing, "Can you feel the spirit?".

Ano nang sagot ko sa tanong ko sa taas? Oo. Naniniwala na ako ngayon, pero, SOMEHOW. Siguro dahil hindi ko pa nararanasan ung iba pang milagro nya. Unang beses ko pa lang sya nakasalamuha, pero alam kong natanggal na ang paniniwala kong hindi talaga totoo ang mga healing priests. Isa pa, sa dinami-rami nang naging magandang epekto nya sa nanay ko, paano pa kong hindi maniniwala? Nung isang beses na nawalan ng boses ang nanay ko (as in wala talagang tunog na lumalabas sa bibig nya), naisipan nyang ipagamot un kay Father. Pag-uwi nya sa bahay, MAY BOSES NA SIYA!!! Wala siyang ininom, walang kinain na kung ano, basta pagkauwi nya sa bahay, may boses na ulit sya. Ang galing.

•••••••


Sa palagay ko, wala namang masama kung maniwala tayo sa mga healing priests. As long as hindi nawawala ung pananamapalataya natin sa kinikilala nating Diyos, wala naman sigurong problema. 18 years old na ako pero sa dinami-rami na ng nakilala kong pari na gumagamot "daw" ng mga may kapansanan, ngayon ko lang napatunayan na somehow, totoo rin pala sila. Hindi ko pwedeng sabihin na baka kaya napili niyang maging pari na lang na ganun dahil sa maaari silang kumita, nagkakamali ka. Graduate siya ng Engineering at kumikita siya ng 5 digits to 6 digits noon, hindi tulad ngayon na puro donasyon lang talaga ang inaasahan nila.

Gayunpaman, bilib din ako sa mga tulad nya dahil pinili nilang talikuran ang buhay kung saan magiging mas komportable sila para lang makatulong sa mga taong nangangailangan sa kanila.

Kaya Father, astig ka!Ü

Labels: , ,


5.04.2007
Parada ng mga Judings sa Sta. Elena, Marikina City
Story told at 23:20 // 0 person(s) left violent reaction(s).

Infairness. Natalbugan ako. Mas sexy sila sa akin.

Last week pa lang nakaschedule na panonood namin ng parada ng mga judings (bakling, bakla, gay, bading, shokla) sa Kapitan Moy. Fiesta kasi sa Sta. Elena kahapon (May 3, 2007). Kasama namin nanood pamilya ni Kuya Jhun (including Ara and Eddie).

7:30 pa lang nakapwesto na kami sa kanto ng Otto sa tapat ng OLA Church. Diyos ko, nagsimula na ung parade almost 9pm na. Buti na lang super lakas ng hangin, ung tipong mukhang bruha na kami, kundi nagkandahilo-hilo na kami dun sa sobrang tagal (Tapos nandun pa si "Hangin". Lalo tuloy humangin...).

Sabi na sa inyo mahangin sa labas e...


Simula pa lang, hiyawan na mga tao. Pano, ang mga consorte nila e Marines pa ata un. Basta parang sa marines e. Haha. Nakakaaliw. Parang diring-diri sila sa mga partner nilang bading. Hehe. Ni hindi man lang yakapin, o hawakan man lang. At parang gustong-gusto na nila magtakip ng panyo sa mukha dahil sa sinapit nila dun. Haha.

Ang lupet ng mga bading. Biruin mo, ang lalakas ng loob nila magsuot ng ganong klase ng gowns. May backless, may pa-tube na lumalabas ang pandesal, este, padding ng bra, may parang hot air balloon sa loob ng skirt sa sobrang lobo, may parang parrot ang kulay, may feel na feel, may puting-puti (pati mukha, parang espasol), may simple, may magarbo, at marami pang iba (Isipin mo kung anong mga klase ng gowns ang pwede nilang isuot -- maliban sa gowns na may Christmas lights at lantern.). Kakaiba sila. Hindi ko alam kung nag-eenjoy ba talaga sila sa ganong klaseng reaksyon ng tao na pinagkakatuwaan lang sila o napilitan lang sila talaga sumali dun dahil sayang din naman kung mapanalunan nila un premyo.

Bilib ako. Ang se-sexy nila. Nainggit nga ko dun sa isang bading. Parang nagdaan muna kay Dr. Vicky Belo bago pumunta dun. Ang lakas ng loob. Ang kikinis. Maputi pa sa akin (Sa bagay, may mas iitim pa ba sa akin?). Kita pa ang cleavage, as in! Tapos backless pa. Nakatali lang sa leeg. Di ko na napansin kung pati cleavage ng pwet pinakita.

Pero sa totoo lang, type kong kaibigan ang mga bading. Kasi kadalasan sa mga bading, artistic, creative, prangka at masarap kasama. Kapag may ayaw sila sa 'yo, harap-harapan nila sinasabi. At least, nalalaman mo kung ano ung dapat mong baguhin sa sarili mo, di ba? Isa pa, creative sila. Akalain nyong nakakaisip silang magsuot ng ganong mga kagagarbong damit. Hindi basta-basta un.

Sa bansa natin, parang medyo nadidiscriminate ang bading. Bakit ba? Ano bang problema kung sinunod nila ung gusto ng puso nila? Wala naman, di ba? As long as wala silang naaagrabyado, walang problema sa pagiging ganun nila.


***

10pm na kami nakauwi. Nung tapos na at patawid na kami sa OLA para bumalik sa sasakyan, may napansin akong lalakeng naka-pink na parang sumusunod ng tingin sa akin at maganda sa paningin ko. Mukhang may kamukha pa nga sya e. Hihi. Natatandaan ko lang ung damit. Siguro namukhaan ako. Sayang. Sana napicturean ko man lang sana. Tsk.

Ngayon, eto, matutulog ako ng maaga sa ala-una. Yes. Pero bukas, panibagong araw na naman ng pananakit ng ulo. Kailangan ko na talaga matapos ung Machine Problem! Kung ayaw kong mawalan kami ng kinabukasan ni Diana...

Labels: , ,


2007 Senatorial Election
Story told at 17:57 // 0 person(s) left violent reaction(s).


Pangarap kong tuparin ang mga pangarap mo. - Prospero Pichar, Jr., Team Unity

Isa lang ang punchline na yan sa napakaraming TV advertisements ng mga kumakandidatong Senador para sa 2007 Senatorial Election.

December 30 noong taong 2006 nang maisipan nang magaling kong ama na iparehistro ako para sa pagboto ngayong May-14-2007 Election. Matapos ang dalawang araw na pagtitiyaga sa napakahaba pila at walang sistemang munisipyo, nakapagparehistro rin ako.

Bagong salta lang ako sa totoong mundo. Kung dati-rati, wala akong pakialam sa kung anumang mangyari sa gobyerno natin, ngayon, meron na, dahil obligasyon kong gawin un bilang mamamayang Pilipinong may silbi.

Marso pa lang, nakahanda na ang listahan ko ng mga kandidato. Sa totoo lang, nangangapa pa ako kung sino talaga ang iboboto ko. Kaya kinailangan ko rin ang tulong ng Internet at ng balita sa TV, dyaryo at radyo.

Sa pagkakabasa ko sa napulot kong Inquirer Libre sa LRT kaninang umaga, merong 6 na grupo ng mga kandidato para Senador: Team Unity (TU - Pinaghalo-halong Kampi, Lakas-CMD, NPC at LP), Genuine Opposition (GO - Alliance of old, new opposition figures -- hindi ko kasi maitranslate sa Tagalog), Independent (Ind), Kilusang Bagong Lipunan (KBL - May Kilusang Lumang Lipunan ba?) at Kapatiran (Kap - Kabadingan?). Ang TU ay binubuo ng 12 kandidato, gayundin ang GO, 3 naman ang Ind, 6 ang KBL at 3 naman ang Kap.

Team Unity
Ang 12 kandidato para Senador sa TU ay sina:
• Pichay (Pangarap kong tuparin ang mga pangarap mo; Itanim sa Senado)
• Angara (Angara ng buhay)
• Recto (Korecto!)
• Arroyo (Pag bad ka, lagot ka.)
• Sotto (...Anumang hirap ng buhay basta samahan natin ng pagkakaisa. Vic Sotto: Iboboto ko yan!)
• Defensor (Tol!)
• Zubiri (Amigo ng Bayan, Idol ng Kabataan, Zubiri, Zubiri, Boom, Boom, Boom!)
• Magsaysay (Your Guy para sa Senado)
• Singson
• Oreta (Dancing Queen)
• Kiram (N O C O M M E N T)
• Montano (Cesar Montano... Pwara sha Senadow.)

Sa 12 kandidato, si Mike Defensor, Joker Arroyo, Ralph Recto, Prospero Pichay at Migz Zubiri lang ang balak ko ilagay sa balota ko. Wala akong mga konkretong dahilan pero alam kong, hindi man sila sagot, makakatulong sila sa ikauunlad ng bayan. Tignan nyo, may magtatanggol sa inyo (Defensor), tagapagpatawa sa Senado na kalaban ni Batman at Robin (Joker), tagatama ng mali (Recto), tagapawi ng gutom sa pamamagitan ng pagsu-supply ng pechay (Pichay) at hari ng novelty (Zubiri).


Team Unity

Genuine Opposition

Meron ding 12 miyembro ang GO. Sila ay sina:

• Aquino (Lagot sya sa nanay nya)

• Osmeña

• Cayetano, A.

• Pimentel

• Coseteng

• Roco

• Escudero (Sugod kasama si Chiz; Boses mo. Boses ko. Boses natin sa Senado.)

• Trillanes

• Lacson

• Villar (Para umahon sa hirap, kay Manny Villar ka!)

• Legarda

Sa 12 kandidato, 4 lang ang napili ko ng ilagay sa balota ko. Sina Noynoy Aquino, Chiz Escudero, Manny Villar at Loren Legarda lang. Alam kong mabuti ang mga pinaglalaban nila kahit na taliwas ito sa administrasyon. Sa katunayan, si Chiz Escudero ang unang-una sa listahan ko. Isa sa mga kadahilanan ay ang malaking pagkakahawig nila ng prof ko sa IT102L. Sa pagtangkilik ko sa kanya, maaaring hindi ako manganib sa subject kong un.

Genuine Opposition

Alam nyo ba ung commercial sa RTV 37 ng TU? Patama un sa GO. Akalain mo bang may lyrics na: "Gago, gago ang oposisyon. Blah blah kurakot blah blah blah." Grabe lang sa pagkabrutal. Kahit somehow totoo, masama pa rin un. Parang mga pikon naman ang mga taga-TU nyan.


Independent

Sa 3 Independent candidates, si Kiko Pangilinan lang ang iboboto ko. Bukod sa kumpare sya ng tatay ko (walang biro), naniniwala ako sa kakayahan nyang pagsilbihan ang bansang Pilipinas.

Francisco Pangilinan

Ngayong darating na halalan, pinapanalangin kong sana'y walang maganap na dayaan, na alam kong imposibleng mangyari. Pero kung sakali man, sana maisip nila ang kapakanan ng buong Pilipinas sa mga ginagawa nila. Hindi nila pwedeng isaaalang-alang ang pansarili nilang kapakanan sa mga panahong to. Sana maisip nila na ang mamamayang Pilipino ay umaasa sa kakayahan nilang maisulong ang buong Pilipinas sa kahirapan, korupsyon, krimen, atbp. at bilang paggalang na rin sa bansang Pilipinas...

Mabuhay ang Pilipinas!!!

Grabe. Nung napanood ko ang ilang documentary shows sa ABS-CBN, napag-alaman kong 200 milyong piso pala ang budget ng bawat kandidatong. Nagtataka lang ako, saan sila nakakakuha ng ganung halaga gayong hirap na hirap na nga ang kalagayan ng Pilipinas? Hindi ba sana e ipinamigay na lang nila ito sa mga nangangailangan? Tgsh. O_O

Labels: , , , , ,


Vote CHIZ ESCUDERO for Senator
Story told at 12:49 // 2 person(s) left violent reaction(s).

Kagabi, katabi kong natulog ang sticker na ito galing kay Arizia (classmate ko) sa hindi malamang kadahilanan (Saksi rin ang sticker na to sa nakakalokang pagsuka ng isang hindi kilalang lalaki sa LRT kahapon. Eww.). Hanggang sa paggising ko kanina, pagpasok ko sa skwelahan at pag-uwi ko sa bahay, eto lang talaga naiisip ko. Kaya naisipan kong gawan na lang ng tribute si Chiz. Haha.

Iboto natin si Chiz!!!

Personal Profile
Francis Joseph Guevara Escudero or Chiz was raised by parents who were both educators. His father, Salvador H. Escudero III, served twice as Department of Agriculture secretary.
He earned his bachelor's degree in political science and in law at the University of the Philippines. He later went to Georgetown University Law Center in Washington for his master’s degree in international and comparative law.



He served his first term in the 11th Congress in 1998 and Assistant Majority Floor Leader and Senior Deputy Majority Leader in the 12th Congress in 2001 and in the present 13th Congress as House Minority Floor Leader.

Cool and confident, quick with his words, and unwavering in his commitments and conviction, Chiz at 37, is in his prime. If his political mentors rewarded him with a smile and a pat on the back for what he accomplished as a boy of 28, they now regard him with respect and value his professional advice.

AWARDS
• 2005 The Outstanding Young Men (TOYM) Awardee in Youth Leadership
Gawad Papuri Awardee, April 2002
• Outstanding Congressman of the Year (Philippine Youth Association for Public Affairs, Inc.) February 2002
• Most Outstanding Congressman of the 1st Session of the 12th Congress (League of the Press Association of the Philippines) May 2002
• One of the Outstanding Solons of the 12th Congress (Public Eye Magazine) 2002
• Legislator of the Year (Philippine Media Research and Progress Report, Inc.), Sept. 2000
• Top Congressman (Pillars of the New Republic) 1999, 2000, 2001
• One of the Outstanding Solons of the 12th Congress (Public Eye Magazine) 2001



• Leaders of the 12th Congress (Pillars of the New Republic) 2001 & 2002
• Most Outstanding Solon (League of Press Associations of the Philippines.), 1998, 1999, 2000
• Outstanding Public Servant of the Year (National Media Statistics Research News Publication), Aug. 2000
• Exceptional Young Achievers (Development of Filipino Writers, Inc.) June 2000
• Grand Advocate of Press Freedom (League of Press Associations of the Philippines.) Nov. 1999
• Youth Achiever in the Government Sector (Development of the Filipino Youth) June 1999
• 9th KBP Golden Dove Awardee, Best Public Affairs Program 2000, "Magandang Umaga, Bayan," Angel Radio, DZAR 1026AM

EDUCATION
• Elementary - High School -U.P. Integrated School, 1975-1985
• B.A. Political Science - U.P. Diliman 1985-1988
• Bachelor of Laws (LL.B) - U.P. Diliman, 1989-1993
• Masters in International and Comparative Law - Georgetown University LawCenter, Washington D.C., 1995-1996

PROFESSIONAL EXPERIENCE
• Representative of the 1st District of Sorsogon, 11th, 12th, 13th Congress
• Columnist, "Say Chiz", Abante and Abante Tonite
• Program Anchor, Usapang de Campanilla, DZMM
• Senior Lecturer, U.P. College of Law
• Lecturer, Ateneo de Manila University Graduate School
• Commander, Philippine Navy Reserve Command
• Partner, Escudero Marasigan Vallente & Villareal Law Office

ORGANIZATIONS



• Secretary General, UnitedOpposition (UNO),(2004-2006)
• Honorary Member, PMAClass '8
• National Press Club
• Integrated Bar of the Philippines (1994 - present)
• Secretary General,Association of Law Studentsof the Philippines,(1992-1993)
• Alpha Phi Beta Debating Team, (1991 U.P. Open Debate Champion)
• Alpha Phi Beta Fraternity
• Order of the Purple Feather,U.P. Law Honor Society(1989-1993)

PLATFORM
Mapayapa at pinagpalang pagbati sa inyo!

Sa aking pagtakbo bilang senador, layunin ko po na maiparating ang boses ninyo sa Senado upang sama-sama nating ipaglaban ang tama at labanan ang mali.



Pangunahing pagtutuunan ko ng pansin ay ang maibalik ang dignidad ng bawat Pilipino nang sa gayon ay taas-noo nating harapin ang mga hamon ng tadhana sa pamamagitan ng pagsulong sa mga sumusunod:

(1) Disenteng tirahan sa bawat Pilipino ayon sa programa ng Gawad Kalinga (GK), di lamang para sa mahihirap kundi pati na rin sa mga ordinaryong empleyado tulad ng mga guro, pulis, sundalo at iba pang mga kawani;
(2) Kabuhayan at sapat na pagkakakitaan batay sa sariling kakayahan ng bawat pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng micro-finance, skills training, at pagbigay ng prayoridad sa sarili nating mamamayan at kababaihang entrepreneur;



(3) Pagkakataon ng kabataang Pilipino na makapag-aral at makapagtapos mula mababang paaralan hanggang sa kolehiyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na pondo sa mga state colleges at universities, kaagapay ang pagkilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng pribadong sektor sa larangan ng edukasyon;
(4) Pagkilala sa karapatang makapagpagamot at gumaling sa anumang karamdaman lalung-lalo na ang mga mahihirap at mga may edad;
(5) Pagtatanggol sa karapatang pantao at pagsupil sa anumang uri ng diskriminasyon;



(6) Pangangalaga ng ating kalikasan sa pamamagitan ng wastong paggamit nito upang matiyak na ang ating likas na yaman ay mapapakinabangan ng susunod pang mga henerasyon; at
(7) Isulong at ipaglaban kung anong naaayon sa batas upang makamtan ang katotohanan, katarungan, kalayaan, kapayapaan at pagkakaintindihan nating lahat.


Ito ang aking mga adhikain at pangarap para sa bawat Pilipino. Hiling at dalangin ko na sama-sama nating pagtulungan na makamtan ang lahat ng ito.

Ang inyong boses sa Senado,
CHIZ ESCUDERO

***

LOOK-ALIKE

Una si Chiz Escudero sa listahan ko para Senador. Bukod sa magaling talaga siya at kahanga-hanga, kamukha niya talaga si Sir Ponay. Tignan nyo ang malupit na pagkakahawig nila...


RAUL B. PONAY


FARNCIS JOSEPH G. ESCUDERO

Oh di ba, malaki ang pagkakahawig sa picture? Pag nakita nyo lalo sa personal. Hehe.

Panigurado pag nakita ni Sir Ponay to, ibabagsak ako nun sa IT102L ko ngayong summer. Waha!

Pero kahit na, basta maikampanya ko si Sir, este, si Chiz. Kaya tayo ay mag-...


Kung gusto nyong mas mainspire pa, eto, panoorin nyo ang commercial nya sa TV.
Click nyo na lang. No space na e. http://www.youtube.com/watch?v=Mb5vEZ65IcU

Labels: , ,


5.03.2007
Courtship (Girl to Boy)
Story told at 23:36 // 0 person(s) left violent reaction(s).


Bakit, bawal ba manligaw ang babae sa lalake?

Alas-onse na ng gabi pero makulit pa rin ang usapan namin ni JR na para bang limang taon kaming hindi nakapag-usap -- kaya tuloy ung Inspired by Bob Ong e hindi ko natapos.

Wala naman. Napag-usapan lang namin ung mga bagay-bagay na ordinaryong pinag-uusapan ng mga kabataang tulad namin (Ipopost ko pa sana ung pinag-usapan namin pero ayokong isumpa nya ko sa pagbubulgar ko ng mga hinanakit nya sa mundo. Haha.)

Biglang pumasok sa usapan namin ang panliligaw (Haha. Corny na ba? Sabihin mo lang, isa-shut down ko na to.). Nang tanungin ko sya ng: "...E panu kun sya na ang manligaw sayo (Monique)?". Kasagot-sagot sa akin, "Bt ikw? manliligaw ka ba ng lalake?". Babatukan ko sana, pero malayo sya sa akin (taga-Grande Valle siya at taga-Green Acres ako, half kilometer din siguro.).

Sa tanong na un, isa lang agad ang naisip ko... Hindi ba pwedeng manligaw ang babae sa lalake?

Labels: , , ,


Human
Story told at 22:09 //

I am also a human... I also deserve to be happy...

Inspired by Bob Ong
Story told at 19:36 //


Each one, as a good manager of God's different gifts, must use for the good of others the special gift he has received from God.

- 1 Peter 4:10

I had read this quote from one of the popular books of Bob Ong, Stainless Longganisa (Chapter 7, page 115 -- pero walang page number na nakalagay talaga.).

Nung elementary and high school ako, ayaw na ayaw ko talaga ung pinagbabasa kami ng teachers namin ng mga books (e.g. pocketbooks) tapos gagawan namin ng review. Banas na banas ako sa mga teachers namin kasi feeling ko sobrang torture na sa akin un dahil wala talaga akong kahilig-hilig sa mga libro (maliban sa mga joke books at horror books na sikat na sikat noon dahil sa kacornyhan). Pero nung nagkaroon ng book fair sa amin, naaliw ako sa mga tindang libro dun sa lobby ng canteen na 15 pesos lang ata ang isa. Napabili ako ng isa na Straight Up ang title (libro ng Sweet Valley High -- sikat sa mga librong pina-publish nila na mga pang-kabataang tulad ko).

...to be continued (si jr kasi dinaldal na ko. ayan, nawala na tuloy ako sa concentration. haha.)...

Labels: , ,


Bitter Truths
Story told at 19:11 // 0 person(s) left violent reaction(s).


Ang mga pulis, matitigas din ang mukha.

Tamang paggising na naman ng maaga sa umaga kanina matapos ang isang araw na bakasyon dahil sa Labor Day. Nakakabitin. Ala-una pa naman na ako nakatulog dahil sa insomnia ko (Insomnia bang matatawag ung antok na antok na pero pinipigil na lang dahil sa pag-eedit ng phonebook? Haha). Tulad ng palagi ko ginagawa, pagkabangon 30 minutes matapos tumunog ang alarm clock ko, maliligo, magbibihis, kakain, magtu-toothbrush, hihinging baon, at aalis na parang ayaw nang pumasok pa.

Buti na lang madaling sumakay. Pagbaba ko ng jeep sa Masinag, sakay na ulit ako ng FX papuntang LRT2-Santolan. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, palagi ko na lang nakikita ung dalawang matandang namamalimos sa hagdan ng overpass. At sa araw-araw na un, hindi rin ako nakakapagbigay ni piso (baka mawili e, at sa susunod, ako na ang mamalimos dun).

Ngayon lang ulit nangyaring nakatayo ako sa LRT. Haha. Kung kailan naman ako antok na antok saka ako napatayo. Buti na lang nakasabay ko si Gerald. Medyo nawala ung antok ko dahil sa mga madudugong pinag-usapan namin tungkol sa kung saan-saan. At kahit alas-7 na ata kami ng umaga nakarating ng Legarda, ang galing, hindi pa rin kami late.

Wala naman kaming ginawa. Pinagpatuloy lang namin ung ADT List na array-based. As usual, sabog pa rin. Hehe.
Mukhang marami nang nagbago. Kung dati-rati na mabilis kami nakakatapos sa laboratory exercise namin sa IT102L, ngayon e umabot kami ng hanggang almost 12:30 dahil sa pagkatuliro namin kay Chiz, este, sa decoder (ata un). Pero buti na lang at naipasa ko kay Master (Eboy) ung paggawa ng post-laboratory report. At least, makakapagrelax ako (kapag hindi na nakayanan ng utak ko ung Machine Problem).

Nasanay na tuloy ako na sa mismong bubong na ng LRT nagpapahatid kay Manong Pedicab Driver. Sa sobrang init kasi. Sa bagay, limang piso lang naman ang dinagdag ko. Mahirap na nga ang buhay, pahihirapan ko pa ba ung sarili ko? May extrang income pa si Manong Pedicab Driver sa akin.

Ayos. Wala kong ginawa sa LRT kung di magbasa nung Stainless Longganisa ni Bob Ong na pinahiram sa akin ni Jerick, tingnan ang mga taong pumapasok at lumalabas sa LRT, tumingin sa relos, at magtext kahit wala namang load. At nakakainis dahil ung tren, patigil-tigil. Parang di malaman kung anong gagawin. Napatagal tuloy ng onti ung biyahe ko. Pati sa jeep papuntang Masinag. Kahit sabihin nilang masamang magbasa ng libro habang nasa sasakyan, nagbasa na lang ako kesa maramdaman ung harurot ng jeep papuntang langit (o impyerno) at makita ang mga taong parang nakakita ng artista, este aswang, kung makatingin sa akin.

At isa pang nakakatuwang kaabnormalan ko. Nainis ako sa isang pulis na mukhang bagong salta lang sa PNP e matigas na agad ang mukha. Hehe. Nauna ko sumakay sa kanya. Pagsakay nya, napansin kong naghahalungkat na sya sa bulsa nya ng kung ano man. Akala ko barya na para ipambayad sa jeep. Un pala, pampam lang pala. Pumara na sya sa jeep na "Pare, salamat" lang ang sinabi nya. Ni hindi man lang nagbayad ng jeep. Ayos. Tigas. Hindi porket "alagad" sila ni hudas, este, ng batas e ganun na ang gagawin nila sa mga taong iniisip nilang mas mababa ang estado sa kanila. Paano na lang ung pamilya ng driver ng jeep na umaasa sa bawat sentimong binabayad ng mga pasahero? Tsk2. Nakakainis lang na sa hirap na nga ng buhay ngayon, mas lalo pang dumarami ang matitigas ang mukha.

Kitams. Sabi ko sa inyo abnormal ako e; na pati problema ng ibang tao pinoproblema ko pa. Haha.

Aba, namiss ko ata magpost ng blog. Higit isang buwan din nung huli akong nagpost sa Friendster Blogs. Hindi na pala ako masyadong ADIK. ADIk na lang.Ü



5.01.2007
Welcome!
Story told at 00:25 //


Adik.

Haha. Another thing to stress myself. Haha.

Good luck to me. Toink.Ö