Haggard! PBB done.
Story told at
00:37 //
0 person(s) left violent reaction(s).
like last saturday, late na naman ako kanina. hehe. ang tagal-tagal ko kasing naghintay sa fx, jeep din naman pala bagsak ko. okay na rin. patok naman. hehe. nakasabay ko pa si jerico. alam kong late na rin sya dahil pagbaba ng lrt katipunan e nagtatakbo na sya. toink.buti na lang walang quiz kanina. kundi, yari ako. babagsak na naman ako.
wala namang bagong nangyari. maliban sa kasama namin si karla nung break, nagparenew ako ng membership sa ICOn. wala na. ordinaryo lang.
from 1 to 7, wala kong ibang inisip kundi matapos na lahat ng klase ko at nang makauwi na ko. "krrrrrriiiiiiinnnnnnnnnggggggggg!!!" nag-uwian na nga!
almost 8 na nung umalis ako sa school. nagsoli pa kasi kami ni arizia ng book na hiniram namin about ASP. tapos hihiram sana kami ni steph ng chicken soup for the soul. kaso sabi naman nung librarian, down daw ung system kaya hindi makakahiram. biglang pagbaba namin nakita namin si joanne me dalang dalawang libro. hayuf na librarian un. kung nasa 2nd floor lang ung humanities section, inakyat na ulit namin ni steph un. e kaso nasa 5th floor pa. kamusta naman un. pagbaba namin e hindi na pwede humiram. haha!
binalak ko mag-fx, kaso ang traffic. nag-lrt na lang ako tulad ng nakagawian. okay naman. mag-isa lang ako gaya ng 4 sems ko sa uste. pero pagbaba ko ng katipunan. langya, indulto inabot ko. ang hirap sumakay! nagpabalik-balik na ko from shed to shed pero wala pa rin! buti na lang me bagong biyaheng SSS Vill. dun na ko nakasakay. masaya na sana ko. kaso naman, pagbabang-pagbaba ng jeep na sinakyan ko sa tulay sa barangka, na-stuck na kami dun. hindi na umandar. tumigil nang matagal. akala ko aabutin na ko ng hanggang bukas dun at hindi ko mapanood ung big night. sa kalagitnaan ng paghihintay na un, hindi ko napansin nandun pala ung classmate ko nung 4th year na si rexter. buti na lang pinansin ako. medyo nagkaron naman ako ng kausap. kaso me tao sa gitna namin. naiilang naman ako. di na lang ako nakipagdaldalan ng matagal. aun nga... buti na lang medyo marunong pa kahit papano ung driver. pinatay nya ung ilaw ng jeep, tinanggal ung signboard at sinabi sa amin, "sabihin nyu service to a?" sumang-ayon na lang kami. sa loyola kami dumaan e bawal kasi ang PUJ dun. swerte at wala namang nagtanong. baka kasi ung nasa likod ang tanungin e magkamali ng sagot. babanatan pa ng driver un. mapapatagal pa lalo.
mega over traffic talaga! akalain nyo, 9:15 na ako nakababa ng sports center! tae. pero pagbaba ko naman e sinalubong ako nina mommy na nanggaling sa market! market! at sta lu. buti naman. medyo bawas pamasahe at pagod na rin.
pagdating namin, XXX pa lang! buti naman. akala ko di ko na mapapanood ung PBB. buti na lang umabot...
maraming pinakita. pero papaikliin ko na.
4th big placer: gee-ann abrahan -- parang hindi sya kuntento. hehe.
3rd big placer: wendy valdez -- atleast, hindi sya ung big winner! waha!
2nd big placer: mickey perz -- wala lang. parang bata lang sya.
pinoy big brother season 2 big winner: beatriz saw -- wala lang. parang walang nangyari. normal na pumalakpak ang mga tao pagkababa nya sa malaking disco ball. argh. nothing much to say. hehe.
actually, ayaw ko ke bea dati. pareho kasi kami ng ugali. parang walang reaksyon sa mga bagay-bagay. gusto ko si nel ang manalo. kaso naalis na si nel at si bea ang nanalo, wala na kong gagawin kahit ano pa gustuhin ko.
aun. natapos na pbb. mapapaaga na tulog ko. hehe.
infairness, masaya pa rin ako kahit medyo hindi ko pa rin magets kung ano ba talaga ung gusto sabihin ni dadi. still, i'm happy. i had conversed with him -- again. i'm gonna miss him again. err.
-- ang kailangan kong gawin ngayon ay ayusin ang notes ko para magkakinabukasan na ko. quiz week na bukas alam ko! good luck na lang... O_O
Labels: pbb