Gloomy
Story told at
21:23 //
0 person(s) left violent reaction(s).
umambon nang umalis ako. kaya ako asar na asar. ayoko pa naman sa lahat ng umuulan dahil hindi ako marunong maglakad pag basa ang daan. tumatalsik sa pants ko. amf. ang timang ko pa. nagpalit pa ko ng flipflops e ang haba ng pants ko, hindi ko naisip na sasayad. ang iniisip ko, baka mabasa ung sapatos ko. waha. bad trip.
boring sa lrt. wala na naman ako kasabay tulad ng araw-araw. dumating din ako sa school, almost 1 na. pero hindi ako nagmamadali. nakakatamad kase. ang init-init pa. pero buti na lang at lumamig-lamig na ung aircon sa room 55 kahit papano. ayos. nakapasok na rin si niko.
walang english.
ayos. siguro binaha. haha. me time pa ko para iedit ung review of related literature ko. haha. mukhang ewan lang kase :D
kaya nagreview na lang kame para sa
quiz namin sa PL. sa mcdo. ayos. tamang mcflurry at fries lang.
solb. solb talaga :)
at PL na. nagquiz agad kame. nice. 8/10. haha. kahit pano nakabawi ako. awts. pero bagsak pa rin. kelangan ko pa ng 5 points para pumasa. haha. bad trip. pano ba naman, nahatak ung grade ko.
1 over 10 lang ako sa first quiz. imagine?!
1 over 10?! awts. pabaya na talaga ako... :(
at lab na naman. sinabi naman nya na multilevel control breaking process na kame. awts. e single-level nga di ko namaster. nakakainis naman kase ung compiler ko dito sa bahay. ayaw gumana! hindi tuloy ako makapagpractice. huhu. tamang 60 na naman ung grade ko. awts :(
tuloy ang lungkot ko umuwi. ngayon lang ako nalungkot ng ganito sa hindi ko pagkakatapos ng exercise. ngayon ko lang kase narealize na sobrang nagiging pabaya na ako sa pag-aaral ko. ewan. nahihibang na ko talaga >_<
sana pumasa ako sa lahat ng subjects ko.
KAILANGAN. kapag me ibinagsak akong kahit isang subject ngayon [
minor or major], para kong nagpakamatay. T.T
bukas, me napakahabang quiz naman sa etar. dapat nung tuesday un. pero dahil me meeting sila, napostponed. ayan, me make-up class tuloy kame sa friday ng 9am-11am. waaaa!
assignment sa math. ayokong mangopya. kelangan ko gawin un. alam kong me panahon pa ko para hindi matempt sa mga bagay-bagay sa paligid. haay. ilang linggo na lang, matatapos na sem namin. sobrang nagwoworry talaga ako!!!
help me lord :(