Mind Harassed.
Story told at
09:43 //
0 person(s) left violent reaction(s).
eto na naman po nagka-cram na naman ako. marami na namang naaapektuhan.
nag-alaram aku ng 6:45. hindi naman tumunog ung alarm clock ko. bad trip. nagising aku 7:50 na. buti na lang at hindi natuloy ung meeting. nakaligtas ako. pero minabuti kong di na lang matulog ulit. mag-aaral na lang ako. [pero nakaharap ako dito sa pc at nagba-blog. oh c'mon...]
quiz namin sa math ngayon. kinakabahan ako. hindi ko masyado namaster ung mga lessons namin ngayong term. [actually, kahit naman last term. hihi.] pero mas madali ung ngayon. medyo me naiintindihan ako. hopefully, pumasa naman ako dito sa exam na to. inspired ako sa quote ni bf [engineer bri]: "mag aral ng mabuti, para ikaw ay may ipag malaki" -- exactly quoted from his page :D
sabado na naman. huling araw na naman ng pasok this week. pero parang busy na busy ako. parang ang dami ko gagawin. gusto mo malaman kung ano-ano? eto:
quiz: CS103 [OS] | ETAR | CS106 [PL] | Math111 [Discrete Math]
thesis | photocopy: Eng108A [Tech Writing]
environmental trip: NS103 [Envi Sci]
officers' meeting: ICOn or Dean's Office
oral report | handouts: PHP
kitams. busy ako. haha.
pero tinatamad ako. uhm, i mean, hindi ako motivated gawin tong mga to. hindi ko alam kung bakit. haha.
bakit kaya kelangan pang pag-aralan ang Linear Mapping [Discrete Math] kung pwede namang simpleng 1+1 na lang ang tutukan? para lang ba masabing me pinag-aralan? err.
UAAP cheerdance competition na bukas. hindi kame makakapanood. malas. wala kame nabiling tickets. huhu. okay lang. makapanood na lang sa tv. sana manalo UST. taga-UST ako e. haha. :)
parang kaya ko nang ibahin ung routine ko. okay na sakin matulog nang mas maaga sa alas-3. nagigising na ko ng mas maaga sa alas-10. haha. magandang pangitain to. nagiging responsable na ko ng 10%. haha.
ayos. okay na ulet friendster. hindi na ulit pure HTML. haha. hindi na ko mahihirapan mag-edit.
me pasok ako ng 1. nakakatamad. sabi ni mark, tumawag daw ako sa uste. baha daw kase sa lacson. ano ngayon? lahat ba ng estudyante sa lacson manggagaling? tgsh.
gusto ko maospital. haha. :x
birthday na ni mark bukas. sana i-treat nya kame maya. hanggang 6 lang ako ngayon. di na raw kame magkaklase sa NS to give way sa mga mag-a-out-of-town para sa environmental trip namin. buti na lang kame sa la mesa eco park lang. un nga lang, walang thrill. ang lapit. haha.
ewan. aral mode na lang ulet.
hopefully, before the next week starts, matapos ko na lahat ng unfinished blog ko. haha. parang ewan lang eh noh?
good luck.