Happy All Soul's Day! XD
Story told at
14:43 //
0 person(s) left violent reaction(s).
not quite sure if this one should be celebrated. hahaha. well, i'm just happy. christmas is very fast approaching. i can't wait to receive gifts from people i
love. hehe. :D
i'm such a loser... my posts on my birthday and the October-25 event with Pij's friends, i haven't published them yet. haaay. it's not yet finished. i guess, meron pa lang around 50 words un. hahaha. lazy kid.
currently going
gaga over the following songs:
--
Your Guardian Angel by The Red Jumpsuit Apparatus
--
Let Me In by Save Ferris
--
Escape by Enrique Iglesias
--
Way Back Into Love by Hugh Grant an Haley Bennett
--
Boyce Avenue's songs
--
Britney Spears' songs
--
Shania Twain's songs
if you want to listen to those songs, just go to
mp3-codes.com or
imeem. or steal my laptop, cellphone and MP3 player. :))
nakakatamad. i'm a total
bum this past few days. it's like going back to the elem days, when i used to ask my classmates and friends to write on my slam book... "my hobbies are
KATUGA + NET: kain, tulog, gala + net." hahaha. haay. pero nilulubus-lubos ko na. i know when the second semester starts, i won't have time to comb my hair and put on my eye liner. tsktsk. PS: that's an exaggeration. :D
OVERVIEW: ang binabantayan naming puntod sa Loyola Memorial Park [Marikina City] ay ang mga magulang ni Daddy at mga magulang ng nanay ni Daddy. si Tatay Ubes, tatay ni Daddy, ay August 1991 pa namatay. si Nanay Suila naman, nanay ni Daddy, ay March 2007. ung Lolo at Lola ni Daddy, wala pa ko sa mundo.
today's the All Soul's Day pero nung October 31 at November 1 kami nasa sementeryo para
mag-picnicmagbantay. pero di nga, kumain lang kami ng kumain dun. haha. wala kase magawa. walang mapag-usapan. naubos na ung batt ng phone ko kaka-MP3. naubos na ung cheesecake ko kakakain. napaso lang ung kamay ko kakalaro ng
apoykandila. nagkasipon at nagkanda-sakit ang ulo at katawan ko dahil sa hamog. pero hindi ko nakalimutang ipagdasal ang kaluluwa ng mga lolo at lola ko. alam nyo bang sa lahat ng Undas na nagdaan, ngayong taon lang walang nagparamdam ng malupit sa bahay: walang nangamoy kandila at bulaklak, walang tumunog na cellphone, walang lumipad na paru-paro. siguro dahil magkakasama na sila dun. pero sayang lang kase kung kelan hindi na ako takot sa mga pagpaparamdam, saka sila hindi nagparamdam. haaay. syempre, JOKE LANG un, Nanay at Tatay!!! :)) okay lang po na manahimik na lang po kayo kung nasan man kayo ngayon. :D
nung October 31, bukod sa birthday ni Tope Viray, nagpunta na kame sa Loyola para magbantay. medyo masama kase ang panahon. baka biglang umulan. aun. umulan nga. pero at least nakapagbantay pa rin kame. tas nung nakauwi na kame, nagpunta ko kina Dracz saglit pati kiina Inah. wala lang. para lang mag-trip. haha. tas nung bandang 7, nagpunta naman ako sa Rob para kitain si Pij. nood kame
My Only U. pero wag na kayo manood, kase corny naman. haha. since past 8 na kame nakapasok, nakapag-last full show na naman kame. haha. pero okay lang. wala namang pasok pareho kinabukasan. :)
tas kagabi nga, nagbantay kame. aun.
syempre, hindi mawawalan ng picture ang mag-hipag na vain: Ms. Starbucks and Ms. Pringles... at ang batang vain na vain na rin: si Aya Piglet. :)
parang wala akong maikwento noh? haha.
kanina, nakausap ko lang si
pasaway na Pij. bati na kame... haaay.
aalis dapat kame ngayon. ewan ko ba kung bakit ang tagal nila. tignan mo nga, matatapos ko na tong blog ko, andito pa rin kame. haha. kanina nagpunta na ko ng OLA para sana magsimba, kaso homily na nung dumating ako. anu ba un. nag-Adoration Chapel na lang ako. i love that place. sooo much.
♥ tapos dumaan lang ako sa Eco-DMT saglit. andun si Franz, Kuya Chad, Kuya Ian, Ate Ning, Jep, Ariane, saglit na Ugin. hehe. parang naki-epal lang ako saglit.
haay. wala na talaga ko mailagay. anu pa ba? tsk. magpapasukan na naman sa Tuesday. ayoko pa! hindi pa ko ready!
pero dapat. F-O-C-U-S.
FOCUS. super hectic pa naman ngayon ng sched ko.
Tuesday 11am-8pm.
Wednesday 3pm-8pm.
Thursday 8am-9pm.
Friday 3pm-9pm.
Saturday 11am-5pm.
si Pij ay 8:30am-6:30pm araw-araw so malabong mag-meet kame ng Tuesday to Friday. si Dadi ay hindi ko makakasabay dahil sabog din ang sched nya. si Dracz ay hindi ko na maaabutan sa AMA. si Inah, hindi ko pa alam ang sched. si Pare kaya? hahaha. naghanap ng kasabay eh noh. sana payagan na ko mag-dorm. ayoko pa mamatay sa stresssssssss. :(
THE END.