Miracle
Story told at
20:27 //
0 person(s) left violent reaction(s).
2:30 na kami natulog ni inah. Pareho kaming nahikab, inaantok, pero hindi makatulog. weird. maaga pa lang nagbalak na kaming magjogging at magbadminton sa sports center. pero nagduda kami ng una.
nag-alarm ako ng 4:45 pero duda talaga kong magigising ako. pero himala. isang malaking HIMALA. bago pa tumunog ung cellphone ko e nagising na ko. kaya pagkatunog na pagkatunog pa lang, napatay ko na agad. pero di pa ko nakapagtext agad ke inah. ayun tuloy, biglang nagparing sa bahay ang bruha -- na para bang wala akong ibang kasama. haha.
magja-jogging daw sya para makalimot sa naging problema nila ni jhay. ako, bakit ako nagjogging? problemado rin ba ko?...
nung gabi parang ayaw ko magjogging. nakakatamad kasi. pero nung umaga na, nauna pa ko ke inah sa sports center. excited na excited na ko pumasok kaso ang tagal naman dumating ni inah. mga 15 minutes din siguro ko naghintay. medyo tumaas na ung araw. me bitbit pa kaming backpack at badminton rackets.
pagkaikot namin ng dalawa na naglalakad lang, minabuti na lang naming maglaro ng badminton. di na kami sa mismong court. dun na lang kami sa basketball court na katabi nung police station. haha. ang sarap nga ng laro namin. parang pumayat ako lalo. haha.
mga 8 pa lang umalis na kami. ang init na kasi. nagbihis lang kami dun sa cr sa entrance ng sports center na dalawang piso ang bayad pag magbibihis pero napakarumi naman. err..
tapos dumirecho na kami sa starbucks. kahit 100 lang ang pera namin, nabuhay kami. haha. ung tall azuki frap, pinasplit pa namin sa dalawa. hanep. haha. tapos, sinabayan namin ng pandesal na binili ko sa bakery kanina bago ko nagpuntang sports center. hanggang almost 10:30 din kami dun. ayaw pa kasi namin umuwi. haha. pero napilitan na kami umuwi dahil masyado na kami matagal dun. mas masarap matulog sa bahay. waha.
at pagdating ko ng bahay, aun nga. natulog ako. hanggang 2. haha. tas nagpunta na ko ng dentista. dyos me. sobrang kaba ko dahil akala ko ooperahan ako ngayong araw, langya, di rin naman pala matutuloy. tas napagastos pa lalo dahil sa mga kagagahan ko. bwiset! namomroblema tuloy ako ngayon. hay.
pauwi na sana ko pero naalala ko ung bag ko. naghanap ako sa palengke ng gumagawa. pero bago pa ko makaabot ng palengke e napadaan ako ng simbahan nang wala sa oras dahil sa bwiset na OPSS na un. haha. pagkagaling ko kasi sa clinic, di na ko nagsuot ng helmet. matapang ako kunyari e. aun.. nakita ko na sya nakatingin sakin. pero dumirecho pa rin ako kahit nagpipito na sya. haha. gagu nu? kaya umuunlad ang pilipinas dahil sa mga taong tulad ko. bravo! wahaha!
aun. sa riverpark kami nagdinner. bumili sila ng pizza at manok sa tabi-tabi. hehe. nakaraos naman. tas nagpunta kami dun sa mini zoo sa gitna ng skating rink sa riverpark. langyang sawa un. nakakapangilabot! argh. malaki pa yata sa katawan ko un e. yikes.
tas umuwi na kami. stroll lang ulit ako... ayoko nang napipirmi sa bahay. argh. buti na lang me pasok na bukas. pahirapan na naman sa pag-uwi nito. tgsh.
Labels: jogging