Hell Week
Story told at
22:01 //
0 person(s) left violent reaction(s).
naiintindihan nyo na kung bakit ngayon lang ako nakapagpost ulit? grabe! ang daming dapat gawin! nahihibang na naman ako!!!
kakauwi ko lang galing school at blue wave. nagkita kami nina mommy dun. eto, basa pa rin pants ko hanggang ngayon.
nasa manila pa lang kami ni angeli, bad trip na. bukod sa saktong umulan nung pauwi na kami, ung makapal na driver pa ng tricycle na hayup na nakapila sa pila ng pedicab e 20 siningil samin. ang kinaiinis ko, naliligo na nga kami sa loob, hiniram pa ung payong ko para ipangpayong nila sa mga sarili nila (dahil nung sinabi nilang para daw hindi kami mabasa e nabasa pa rin naman kami sa loob), hindi kami itinawid hanggang lrt at naglakas-loob pang maningil ng 20 isa. bad trip. pinautang ko pa naman si gena ng 50. samakatuwid, 40 na lang pera ko sa purse. akala ko pa naman kahit barya me maiipon ako. lol.
akala ko, dalawa quiz namin ngayong araw na to. tsktsk. walang natuloy ni isa. buti na lang. ni hindi kp nabuklat notes ko. haha!
ang saya. walang pasok ng friday, saturday, sunday, monday... pagkamalas-malas, hindi pa kami nawalan ng pasok ngayon para dire-diretso na hanggang bukas. wala kasi kami pasok bukas. feast of st. dominic daw. err. kung di nyo sya kilala, eto sya:
dahil sa kanya, wala kaming pasok bukas. hay. sana tuesday na lang ung feast nya para naging friday to tuesday kami walang pasok. lol.
hay. grabe talaga ung ulan. nakakatamad. haha. ang sarap kasi. ang lamig. kaso naman, eto ang sakit ng ulo at katawan ko. sinipon pa ko. grr. tama bang mabasa ako ng ulan kahit me payong naman ako. ganun kalakas ung ulan kanina (this time, it's not exaggerated). kumag pa ung jeep na nasakyan ko, byaheng ampid pero lumiko sa sports center. e di ang layo ng nilakad ko para makarating ng blue wave. grr.
bukas, pupunta ko kina escherichia (arizia). tatapusin na namin ung documentation pati program namin sa PL. kailangan matapos na namin un dahil sa friday na submission nun. kung nung isang monday e ganito ginawa ko:
bukas, kailangang ganito:
haha. pero syempre, hindi ako dapat nakahalumbaba. baka malasin ako. hehe.
prelims na next week! grabe! ang hahaba na ng lessons namin! lalo na sa DISCRETE MATHEMATICS at ETAR!!! hay. kailangan ngayon pa lang nag-aaral na ko. grr. ayoko bumagsak sa kahit anong subject ngayon! baka mag-call center na lang ako hindi mag-aral!!!
good luck sakin. sana matapos ko na lahat ng dapat ko gawin...
Labels: busy