Transient Ischemic Attack?!
Story told at
01:10 //
0 person(s) left violent reaction(s).
i though i was about to die. hindi pa pala. sayang. haha!
umaga pa lang talagang sumasakit na ung puson at tiyan ko. i thought it was just a simple dysmenorrhea, but everything turned out to be so terrible when i reached the lrt2 katipunan station.
pagbaba ni angeli, hindi ko alam kung bakit bigla na naman sumakit ng grabe ung tiyan ko. stomach cramps. err. hindi ako makagalaw. pero syempre, ayoko magpaka-stiff dun dahil baka magpanic ung mga tao dun at isipin e hihimatayin na nga ko.
"arriving at katipunan station. paparating na sa katipunan station." when i heard that, i was too excited because at last, i could go home. dahil nga kasi sa stomach cramps ko. pero palabas pa lang ako ng pinto, nagsimula nang magdilim ung paningin ko. lalo na when i went out of the train and i was about to ride the escalator. feeling ko talaga magko-collapse na ko! kaya nga ang ginawa ko, minabuti kong dumaan muna sa wash room sandali para makapagwash-up at baka sakaling sa sobrang init lang. i also peed. :D knowing na that cubicle was for employees only, iintindihin ko pa ba un e ang sama na talaga ng pakiramdam ko. err. nakita ko pa naman ung lola ni camille. nakakahiya. baka sabihin, taga-UST pa naman ako pero ang hina ko umintindi. naku. if only i had the chance to explain to her what was happening... err.
tas aun nga. paglabas ko ng wash room, the guard was looking at me. siguro napansin nya sobrang putla na ko (infairness, natuwa ako, pagtingin ko sa salamin, ang puti ko, haha). tas aun. hinang-hina pa rin ako. di ko na maintindihan kung ung lakad ko ba e lakad pa ng matinong babae or what. di ko na macontrol ung actions ko dahil sobrang nagttingle ung buong katawan ko pati sobrang numb. aun. bumili muna ko tubig tas waffle (parang nasa USTe lang, haha).
pero hindi pala talaga gutom un. naghihintay na ko ng jeep, biglang umalagwa na naman. err. kaya kahit anong jeep sinakyan ko na makaupo lang ako (calumpang naman ung nasakyan ko, kesa naman umupo ako sa kalsada, kamusta naman un). at nagtricycle na rin para diretsong bahay na. aun. awa ng diyos nakauwi naman ako ng ayos..
when i got home, naiiyak-iyak pa ko. haha. nanginginig ang boses ko. di ako makapagkwento. parang tuwing babanggit ako ng salita, naiiyak ako. haha. takot kasi talaga ko. err. aun. my mom and i consulted our medical book. we found out na ung mga nangyari sa akin e symptoms ng transient ischemic attack at mild stroke (ye, you read it right, mild stroke!!!). akalain mo un! me sakit pa ata ko sa puso. err. pero when my dad knew what happened, isa lang ang conclusion nya, "me mens ka ba? ... meron pala e! un un!" very nice... :
grabe. unforgettable experience talaga. i never want to experience that about-to-collapse feeling again! that really sickened me! hindi pa ko handang mamatay! what if sa daan ako nagcollapse?! omg. pero ang weird ko talaga. the time na nagdidilim na ung paningin ko, naisip ko talaga mamatay na ko. na panu un, hindi pa alam ng mga magulang ko kung anong dapat na kulay na kabaong ko at kung paano ang funeral rites. wala pa rin akong lupang paglilibingan. err.
pero that time, i realized na dapat ienjoy ko na ung buhay ko. na gawin ko na lahat ng pwede at kaya kong gawin habang nabubuhay pa ko. we'll never know kung kelan tayo mamamatay...
and there goes exaggeration. ang loss of consciousness, napunta sa kamatayan. haha.