Happy Halloween!
Story told at
15:02 //
0 person(s) left violent reaction(s).
grabe ang bilis ng araw. parang dati, hinihintay ko pa lang na magstart ung first sem. tapos ngayon, last day na ng october.
the picture [
left] is quite blurred. pasmado ata nag-take nyan. [
actually, i just can't find any other decent pic from his friendster. kitams, nagnakaw na naman ako. haha.] anyway, yan si
tope. today is his birthday. he just turned 21. haha. saktong-sakto naka-sun ako kagabe. i was able to text him. [
e kahit naka-globe ako, magtetext ako sa kanya. that's how special he is. harhar.] oh well, if you could read this, tope, for the nth time, HAPPY, HAPPY BIRTHDAY!!! :)
1 na ko nakatulog. syempre hindi na bago un. gusto ko sana matulog ng maaga dahil maaga akong idle at inantok. pero dahil nakitulog ako kina mommy kagabe, hinintay ko pa matapos mamalantsa ng sangkatutak. ayan, napuyat tuloy pati ako [
na pwede namang hindi. me sarili naman ako kwarto. haha.]
pinatulog ako ng late, ginising ako ng maaga. ngayon lang ulet ata ako gumising ng 7. haha. nagpunta kame loyola pate palengke. dinala na namen ung sasakyan sa loyola para hindi na kame mahirapan magpark pagpunta namen sa gabi [
lagi namen ginagawa un tuwing undas. try nyo din. effective. haha.] nakamotor ako papunta, si kuya me dala nung lite ace. para pag-uwi nakamotor kame, tipid pamasahe. harhar. kaso kawawa naman ung motor ko. hindi makatakbo. haha. :D direcho palengke na. maraming tao. hindi ako naaaliw. sa totoo lang, ayoko nang nagpupunta sa palengke. napuputikan ako. bwahahaha! :D pero naaliw ako dun sa binili kong tilapia, wala nang laman-loob, gumagalaw-galaw pa rin. hayup. elibs ako. pero infairness ulet, kilala na ko nung mga binibilhan namen dun ng isda, manok, baboy, baka at gulay. ang galeng. haha. :)
11 ako nag-lunch. gutom na tuloy ako ngayon [
1535 hours].
hinihintay na lang namen si daddy para makapunta na sa loyola. pag wala na siguro araw. kasama namen si tita edith pati ate cel. hehe. pagdating namen dun, hindi ko na naman alam kung anung gagawin ko. wala pa naman ako load [
at walang nagtetext].
enrolled na ko kahapon. 2-4 ung schedule namen pero si diana before lunch nakapag-enroll na. e dahil masunurin ako, before 2 ako pumunta. mga 1:00 ata andun na ko. inabot tuloy ako ng siyam-siyam sa pila. ang haba. nagsama-sama na lahat ng year. so anung use ng binigay nilang schedule? err. buti na lang dala ko ung mp3 ko. kahit papano, naaliw ako. hehe. 3csa pa rin ako. nagpaka-OA pa ko na baka malipat ako, dun pa rin pala ko. haha. classmate ko din si jonas cabanayan. lumipat sya. ayaw nya siguro ng sobrang late. hehe. ayun.. hintay na lang matapos ang sem break.
gusto ko na bumili ng notebook pati ballpen! wala naman sa lahat ng national na nadadaanan ko. lokal.
"mataba na ba ko?" sa totoo lang, kanina ko pa tinatanong yan sa sarili ko sa harap ng salamin. feeling ko ang taba ko na kesa noon. tapos me mga tao pang nagsasabe sakin na tumataba na ko. ayoko pa naman ng ganun. kaya magda-diet na ko. bawas na muna sa chips and cookies pati sa rice. tamang kaen lang muna. aba, mahirap ata magpapayat. hehe.
kahapon, nagtext na naman si sir jhay about the loreal fashion show. me screening sa ortigas. di na naman ako nakapunta. nakakainis. sabe ko pa naman sa sarili ko pag nagtext ulit sya, pupunta na talaga ko. e nasa enrollment naman ako kahapon. hay nako. malas. kung kelan gusto ko na rumampa, ngayon naman ako hindi mabigyan ng chance. grr...
pati ung piece ko para sa USTetika hindi ko pa nasisimulan! wala kase ako maisip na topic. gusto ko kase ung me matututunan sila. hay. sana magawa ko un bago magpasukan. para makaabot ako sa submission ng entries...
buti na lang hindi na nagpaparamdam sina nanay at tatay. diyos ko, kahit na immune na ko sa amoy ng kandila at bulaklak, ayoko pa rin na magparamdam sila. haha. tong laki kong to, duwag din ako noh. haha.
nag-iisip ako kung san ako mag-o-OJT. marami akong pinagpipilian. metrobank marikina, afpslai, landbank, smart, globe, etc. pero wala pa kong pinagssubmitan ng resume. alam ko dapat gumagalaw na ko ngayon e. err.
ayan, bagong edit ang layout ng blogspot ko. sana nagandahan kayo [
kahit pano].
HAPPY HALLOWEEN na lang! =)
Labels: halloween