Last Day = MOA Escapade!
Story told at
22:07 //
0 person(s) left violent reaction(s).
yes! last day na. wohoo! pero me finals ako sa math. ang aga. eight. gahd. nakakaantok. 3 na ko nakatulog dahil uminom ako ng brewed coffee sa dunkin donut kagabe. buti na lang regular lang ung binili ko.
pagkatapos ng exam namen. naglunch na kame habang hinihintay namen si gena matapos mag-exam sa PL. di kase sya nakakuha last thursday kase me dysmenorrhea sya. aun. nagjollibee na lang kame sa dapitan. harhar. di naman sa ayaw kong magutom. pero ang inorder ko e spaghetti, chicken, rice, hot fudge sundae anf regular coke. alam kong gluttony ito. pero hindi ko alam. gusto ko lang mabawasan depression ko kahit pano.
naisipan namen magpunta sa MOA. kaso apat lang kame. si gena, steph, ally at ako. si diana at ernest me sariling sasakyan. pero sa MOA din sila pupunta. si master umuwi. si mark umuwi. so kami lang talaga. si verb kasama din sana namen pero hindi naman nagreply. kame na lang. nag-lrt 1 kame. buti na lang ung bagong train ang nasakyan namen kaya malamig. ayos. si gelo tinext namen. susunod na lang daw sila.
almost 1 kame dumating sa MOA. tamang ikot at picture-picture lang.
totoong sa MOA yan. obvious naman di ba? haha. sa sunset boulevard yan. :) kaso wala pang sunset. hihi. kame lang talaga ang nagpunta dyan. ung iba sumunod na lang.
tamang ikot lang ulit. tapos, naisipan ni gena na maglunch na. mga before 2 un. sa jollibee din. haha. pero di na ko kumain. gusto ko sana magpapicture ke jollibee. pero gusto ko kase ung mascot, hindi ung stiffed sa labas. wala naman.
nagtext na sina diana. nasa bowling daw sila. e di nagpunta na rin kame dun. aun. nagbowling sila. ako hindi, socks were required. wala ako. haha. kahit gusto ko magbowling, hindi rin naman ako makakapag-enjoy dahil wala ako sa mood. err. napanood lang ako ng nagbibilliards saglit. naaaliw ako dun sa lalake kase ang galing nya magbilliards. ang galing pa pumorma. haha.
nung maglalaro na sila, ako'y tamang upo lang. tinitignan ko lang ang mga tao sa paligid ko. pati na rin ung cute na nag-aassist sa mga naglalaro. haha. di ko nakuhanan ng picture kahit stolen e. pero di naman sya mega gwapo or cute. me ichura lang. matangkad din kase pati magaling magdala ng sarili. astig. :)
malapit na sila matapos maglaro nung dumating si gelo, bernard at gerwin. naglaro din sila. another set of game na naman. haha. ayos lang. masaya naman dun. maganda ang tanawin. hihi. :)
almost 5 na ata kame natapos dun. tamang picture lang.
ayan. buti na lang umabot ung batt ng cam ko. nagpapicture lang kame dun sa nagbabantay. pero hindi dun sa cute. wala na e. nawala nang parang bula. haha.
tapos kumain ulit sila. sa food court kame tumambay. hinintay namen ung fireworks display ng 7:30. so from 5 to 7, idle kame. inantok lang ako.
aun. pumunta na kame sa sunset boulevard ulet. sa tagal, bumili muna ko orbitz choco. haha. nagpicture din kame ni diana at ernest. umabot pa ulet ung cam. aun. mga 7:30 e nagstart na ung fireworks display. it lasted for less than five minutes only. imagine, naghintay kame ng more than an hour para dun sa simpleng less-than-five-minute fireworks display na un. haha. sa bagay, ayaw pa rin kase talaga name magsiuwi. hihi.
buti na lang me mrt. kaya malakas loob ko umuwi. si gerwin ang kasabay ko. at least me kasabay pa rin, kahit di kame close talaga nun. mabait naman sya. haha.
sumunod lang ako kina mommy sa sta lu. aun. almost 9 na kame nakauwi. pagkauwi ko, bagsak ako sa kama. sarap mahiga at matulog... :)
------------------------------------------------
me consultation sa tuesday. sana pasado ako. OS at file org lang talaga ang concerns ko. dun lang ako alam kong delikado kase talaga. pag dun ako bumagsak, delayed ako for one year. that's a
BIG SHIT. wish me
GOOD luck.