<meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d797413349892369998\x26blogName\x3dAngela\x27s+CyberWorld\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLACK\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://angelasolomon0.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://angelasolomon0.blogspot.com/\x26vt\x3d5221210751146765462', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

Stories · About · Links · Archives

Life
http://angelasolomon.blogspot.com

"From now on, everyday will be the most important day." Hi! The name is Angela. Born on 10191988; existing (and living) for 21 years (and counting). Only daughter. Graduate of UST BSCS '09. Currently working (and wasting my once productive life) in night shift to sustain her luxurious life. Plans to mature on February 2010. Addicted to Web. A licensed driver. In a relationship since 122108. Loves my circle of friends. Loves sweets. Sentimental. Slim, long-legged with fair complexion. Wants to edit her life. So help me God.

I can be reached everywhere.
YM. Plurk. E-mail. Facebook. Twitter. Friendster. Multiply. Tumblr.

Rants
say anything like you mean it.

Hope you enjoyed. :)

free counters

5.20.2008
Moodiness Strikes
Story told at 22:28 // 0 person(s) left violent reaction(s).

Aminado ako, SUPER hindi maganda gising ko. Agang-aga kase nang-aasar si Mommy. Isip-isip ko na lang, "Gigising ako kapag alam kong kailangan ko nang gumising!!!"

Kahit ayoko, na-late ako. Sinabotahe na naman ako ng mundo. Kahit alam kong late na ko, na-super late pa ko dahil sa lintek na LRT. Kung tutuusin, dapat mas mabilis ang biyahe ko dahil tren ang sinasakyan ko. Pero kanina, nang-aasar. Ang tagal-tagal bago dumating ng tren. Gusto ata nilang mapuno na ung buong platform bago magsakay ng pasahero. Ang sarap pasabugin.

8:40 na ko nakapag-login. Sa sama ng dating ko, pati pinto ng office muntik na ata masira. Haha. Parang ewan lang ako. Snob ako .. ke Kuya Nollie, ke Kuya Martin, sa lahat. Wala akong sinanto. Haha. Pero unti-unti rin namang nagbago ihip ng hangin makaraan ang ilang oras. Salamat sa Diyos. :D

Hindi ko alam kung anong dumapo sa akin at hindi ako makapag-isip ng tama. Wala akong magawa para sa system namen. Nag-aaksaya lang ako ng kuryente .. puro pansariling kapakanan ang ginagawa ko dun. Kung hindi lang ako takot ke Sir Carlos regarding YM, malamang nagchat na lang ako ng nagchat.

Nag-meeting kame nina Ate Ni's new sweetheart [Sir Bob], Kuya Nollie and Canda about sa bagong project. Hindi na itutuloy ung research project sa kadahilanang hindi sigurado si Dr. Litao kung sya pa rin ang hahawak nung project na un. Kaya ang nangyare, ibang project na lang binigay samen. UST Admission System. Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi sa mga naging pagbabago. Pero mas okay na rin siguro un. At least, ung Admission System, buo na .. onting customization na lang DAW. Nawa'y gabayan kame ng Panginoong Diyos sa project na to. Onting oras na lang ang natitira samen. Sana matapos namen ung bago kame lumayas ng STEPS.

Dahil malamig sa loob ng conference room kung saan kame nag-usap about the new project [oh di ba, ngayon pa-conference-conference room na lang, dati inaasam-asam lang namin ni Kuya Nollie un room na un, haha], natuto akong magsuot ng jacket. Hahaha! Pati ba naman to kelangan isulat? Eh ba't ba, malamig eh.

Kahit di ako nakakain ng umaga dahil sa ayokong makaharap si Mommy, pagkabihis ko, umalis na ko agad. Buti na lang me baon akong Creams -- pang-agdong-buhay. Late na kame nag-lunch ni Ate Ni. 1:35 kami nag-logout. Sa Almer's kami kumain. Nagpabili lang si Nollie samen ng Burger Steak at Regular Yum sa Jollibee -- naghahabol kase sya ng oras kaya hindi na sya bumababa pag lunch simula kahapon. Kahit malakas ang topak ko, binili ko pa rin. Nakakahiya naman eh. Hehe.

After namen mag-lunch, maya-maya, umuwi na rin si Kuya Nollie. TINATAMAD-slash-WALA-SA-MOOD mode sya kanina. Haha. Tas nagpunta kame sa parish para icheck ung system at mag-clarify ng mga bagay-bagay .. panibagong mga problema na naman!!! Hay. Nakakaloka talaga maging programmer/database administrator/system analyst/web designer/web developer sa loob ng 300 hours. Pero okay na rin siguro tong training na to. At least, SUPER DAMI naming natutunan .. Hindi lang academically, pati sa lahat na ng aspect.

Pagbalik namen galing parish, wala na .. tinamad na kami gumawa. Haha! Nag-check na lang kame nung bagong project. Kumain ng Piattos. Nakipagkwentuhan. Nakipagtawanan. Nakipagdaldalan .. na para bang wala ung mga boss [Sir Bob, Sir Jhun and Sir Carlos] namen dun. Never mind. Basta masaya kame. BWAHA!

Dahil sa katamarang dumapo sa amin, 5 o'clock pa lang nag-out na kame. Pagsakay ko ng FX, nagtext si Sir Jhay [of Trendclassic]:
Go cee nid female models only for Matrix INshne Product launchng 1k per day for 2-3 hrs only event is on june 11,12,17,18,19,24,26 until july-august.No height and hair required.At 23rd flor loreal office robinsn equitable tower.Lok 4 jhay of trendclassic-pls pass.
Tuwang-tuwa ako nung nabasa ko yan. Ibig sabihin, naaalala pa nya ung binilin ko sa kanyang itext nya ko ulit kapag me bagong event [dahil kung natatandaan nyo, hindi ako natanggap sa Loreal Cut and Color Hair Trophy]. Pero nung tiningnan ko sa calendar ung mga araw na un, DEADZ. Tatapat na me pasok ako. Bad trip. Akala ko pa naman tagumpay na ko. Siguro, hindi pa talaga to ang tamang oras para dito. Kung alam nyo lang ang history ng pagkahilig ko sa modeling and fashion world, maii-stupidahan kayo saken .. at baka batukan nyo pa ako. Tsk, tsk. Kaya ngayon, wala akong magawa kundi tanggapin ang katotohanang, hindi pa ako para sa pagmo-model.

Napakaantukin ko talaga. Ika nga ni Pakz [Bev], "Masa" ako. Masandal, tulog. Hehe. Nakatulog ako sa FX simula Araneta Avenue. Nagising na lang ako nung me sumisigaw na ng "Gateway". Napababa na lang ako bigla ng FX ng wala pa sa sariling ulirat.

Umuulan na pagbaba ko ng jeep sa Blue Wave. Dahil ayokong mabasa ang payong ko, nagtiyaga akong jacket ko lang ang ipinantatabing ko sa ulo at gamit ko. Ganun ako kamaawain sa payong.

Porkchop ulam!

Ngayon, bagong edit ang aking layout. Na-inspire ako sa pinaghalo-halong ideas galing sa page ni Ayiene, Mei, Karyll at iba pang amateur layout designers tulad ko. Nyaha. Nawa'y mag-enjoy kayo.

Inaantok na ko. Tulog na ko.