Misinterpretation Leads to All-day Exasperation
Story told at
21:10 //
1 person(s) left violent reaction(s).
i slept at 10:30pm last night. that was really shocking! wala lang. ewan ko kung bakit. ang init-init kasi ng ulo ko kahapon sa kadahilanang hindi ko alam. pero naiirita kasi ako sa mga tao sa mundo kagabi. dagdagan pa ng mga taong nagpapagulo sa ttotoong katauhan ko.
hapon pa lang asar na ko. pano, pati problema ng ibang tao pinapaproblema pa nila sa akin. problema nila sa buhay, sa love life. sows. kaya nga hindi ako nagboboyfriend dahil ayokong iluklok ung sarili ko sa pamomroblema tapos ganun din ung nangyayari. di naman sa nagrereklamo ako na sinasabihan nila ako ng problema nila. okay lang sa akin un. ang ayoko lang e ung dinadamay pa ko sa problema nila. problema nila, ayusin nila. hindi ung ako pa talaga ang gagawa ng paraan para magkaayos sa lahat na pag gumawa na ko ng paraan e wala rin namang nangyayari. nagegets nyo ba? nakakainis.
isa pa, pati mga tao dito sa bahay. kapag tahimik ako, akala nila galit ako sa mundo. kapag nagsalita naman ako, galit pa rin. ano ba talagang gusto nilang maging ugali ko?! bwiset. kaya kahit anong gawin ko, tuwing uuwi ako sa bahay namen parang ayaw ko laging umuwi agad e. panu, ultimong sa bahay namin misinterpreted ung mga galaw ko. matutuwa ka ba nun?! tsk.
pati ung mga taong lagi na lang ako minimisjudge.. wala akong magagawa kung ganyan ang tingin nyo sa akin. wala akong pakialam kung ayaw nyo sa mga galaw ko, sa paraan ng pananalita ko, sa paraan ng pakikisama ko. kung ayaw nyo ung mga ugali ko, sabihin nyo sa akin at saka kayo lumayo. hindi ung hahayaan nyo ko manghula sa totoong estado ko sa inyo. kung pinaplastik nyo ko, e di mamplastik kayo. hindi ko ikakamatay kung gawin nyo un. sabihin nyo lang agad kasi kapag ako na gumawa nun hindi nyo na magugustuhan..
sa mga namomroblema naman dyan, bago kayo pumasok sa isang bagay, siguraduhin nyo lang na lahat ng bagay kaya nyong ayusin ng kayo lang. hindi ung iaasa nyo pa sa ibang tao na hindi naman dapat nadadamay ung pagkakaayos ng mga bagay-bagay. malalaki na kayo. isipin nyo muna ung mga galaw nyo.
naku. di ko maexplain tong nararamdaman ko. :(
Labels: exasperation