Long Weekend
Story told at
20:22 //
0 person(s) left violent reaction(s).
It was indeed a looooooong weekend for us, students of 4CSA. Haha. At last, our wish since first year was granted: no regular classes on Saturdays. Weeee! Too bad, I have 10-11 OR class. Amf. Pero okay lang, I'm just thinking that I just oversleep until 12 noon. Haha.
I'm gonna tell you the
whole story of my weekend. :D
Friday is
Ma'am Kat's Day.
Ma'am Kat was late. Our class should have started at 6pm pero almost 6:30pm na when she arrived. Galing na sya sa office, kinausap pa nya si Sir Alex regarding our Saturday schedule. IM252 lang kase ang papasukan namen ng 4-5pm ng Saturday. Kaya ang ginawa nya, pina-move na lang nya. Instead of 2-hour class on Friday and 1-hour class on Saturday, naging 3-hour class na ung Friday namen. Ung 8-9 IT254 class ko na natamaan, naging 1-2 class ko na ng Wednesday. Cool huh. :P Pero dahil sa aking 10-11 OR class, di pa rin ako tagumpay na 4 days lang akong magpapakagaga sa school. Pero okay lang. At least maaga na uwian. :) Aun. Me quiz dapat kame sa IT254 pero hindi na natuloy dahil nga nalipat na ng Wednesday ung class ko. Buti na lang dahil hindi pa ako super confident na master na master ko na ung Subnetting.. confident lang. :P After discussing Lesson 2, pinauwi na rin nya kame. Umabot din ng 9pm. Haay. Sipag ni Ma'am Kat. At night, I made my assignment and studied hard for my OR quiz the next day. Hope those work.
Saturday is
Pij's Day.
I woke up as early as 5:30am. Excited for the 1st quiz in OR? Kinda. Haha. Coverage? Items 7 and 9 of the assignment. Azar. Sana ung 1, 4 at 8 na lang kase un ung namaster ko.. maliban sa katotohanang me sagot sa likod nung book. :P Ewan. Sana naman tama ako. Medyo nakakalito lang talaga ung formulation na un, pero still positively thinking that I will pass that quiz. Else, I will punish myself..
hard enough for me to learn from my mistake.
Hehe. I took Sir Reyes' mobile number. I requested kung pwedeng itext nya ko kung hindi man sya makakapasok ng class namen. Sayang naman kase ung oras. Aun. Binigay naman nya. Pero hindi ko pa sya natext para malaman nya ung number ko. Haha.
I went home immediately after our 45-minute exam. Whew, sisiw.
Of course, I was kidding. HAHA. Paglabas ko ng España-Lacson gate, I saw Kuya Pete. [I believe that's his name. :))] Onga noh, ngayon ko lang naisip na hindi ko nga pala matandaan pangalan nya! Loser me. =)) Pero aun nga. He was going to Christ the King Church in E. Rodriguez Ave. and I was going to Cubao kaya nagsabay na lang kame. Good, nilibre nya ko pamasahe. Haha. I insisted, he resisted. Okay. HAHA. We talked about my studies, my future work, CYA events and people, my church org, etc. He was inviting me to join the CYA's 28th Anniversary. Pero sabi ko baka hindi rin ako makapunta. Aside from my duty at OLA, baka hindi rin ako makatagal dun dahil hindi naman ako masyadong naging active dun at wala akong masyadong kakilala -- wala talagang kakilala maliban sa mga staff. Oh well. I know there will be 29th, 30th, 31st, so on.. so forth. Next time na lang. :)
12 noon when I got home. Kasabi-sabi agad ni Daddy pagka-kiss ko, "Walang pasok?" Haha. Ang aga ko kase umuwi. Parang nag-joyride lang ako hanggang Manila. Haha.
After lunch, umalis na rin ako. Me usapan kame ni
Pij na magkikita ng 1:30-2pm sa SM Marikina. Hehe. On my way, nakasabay ko pa si Kenneth Yoshino. He was my classmate in third year high school. He was the one who first noticed me. Akala ko kung sino ung kumausap sakin, sabi: "San ka pumapasok?" Tinitigan ko pa sya bago nagsink in sa utak kong sya nga si Kenneth Yoshino. Haha. Low memory.. I'm really getting old. :))
Past 2pm na when I arrived at SM. Akala ko andun na si Pij, pero nauna pa pala ko. Hehe. Pero I understand naman, he was from Antipolo pa, ako from Cainta lang. Hindi naman matagal naghintay, pero pagdating nya kunyari galit ako. Haha. Naglalambing lang. :)
Kain sa KFC. Go-go + Snack Box. Tapos ikot. Ikot. Ikot. We even saw Tita Edna and Tito Baby and the little kid, I wasn't sure kung si Keruvnn o si Karlitos. Hehe. Nadagdagan na naman ang nakakakilala sa kanya. :)
*Happy* Oooh so happy being with him. Kahit wala man lang kaming pictures... :(
Me meeting pa dapat ako sa OLA. PEro minabuti kong di na lang pumunta at makibalita na lang sa mga tao the next day. Aun. Around 9pm, dumaan pa kame sa Riverpark para makigulo sa Tiangge sa Ilog. Semi foodtrip. Ikot. Ikot na naman. Hanggang sa napagod na kame at umulan saka kami umuwi. Mga 11pm na rin siguro. Gising pa si Mommy at Mamarc, napatagal pa tuloy si Pij dahil nagkaron pa ng kwentuhan galore. Aun. 1:30am na sya nakarating ng bahay. Kunyari kapitbahay lang namen sya. Haha.
Kahit nakakapagod, ang saya. Thank you, Pij. Love kita!
♥Sunday is
OLA Day.
Dahil hindi ako nakapag-meeting nung Saturday night, para makabawi, talagang kahit 8am na ko nagising eh nagpunta pa rin ako sa OLA para mag-duty. Buti na lang hindi na implemented ang: "Bawal tumungtong sa stage ang late!" Me garage sale. Me BP. Me Binubuong Pangarap launching. Attended the 11-am mass. Uwi kasabay si Angel hanggang sa kanila. Paspas ng patakbo. Bad trip dahil dati, tuwing uuwi ako, me bitbit akong Hershey's ice cream galing Ministop. Ngayon, wala na. HUHU. :(
Pupunta dapat kame ng World Trade Center - Manila dahil meron daw Celebrity Bazaar. Pero hindi ung celebrities ang habol ko kundi ung ititinda nila. Kaso di na lang kame tumuloy dahil naisip kong baka mahirap mag-park. Tutal, araw-araw din naman akong nakakakita ng celebrity.. lalo na pag nakaharap sa salamin. HARHAR. :)) Sta. Lu saka SM Marikina
ulit ang binagsakan namin. Bibili sana ako ng 2009 Planner sa Go Nuts Donuts pero parang kelangan ko pa ng hanggang December 31 para mag-isip. Haha. Ang gusto ko talaga ung Starbucks 2009 Planner. Waaaaaa!
Gabi na, nag-online pa si Glenn. Aba. Inisinab ako saglit para ke Ann, pero inisnab ko rin sya saglit kase kausap ko si Pij. Nyaha! Pero dahil maglalaro daw sila ng kanyang pinsan na pinsan pala nya un at nakakasabay ko minsan sa trike at inaantok na ko talaga, nag-log out na kame. Tulugan na. Buti na lang me Kenny. Kunyari sya si Babe. I sooo loved to sleep with him.
♥ *hug*
Monday is
Mommy's Driver's Day.
Hindi late si Pij. :D Internet pagkagising. Alis ng after lunch. Super lakas ng ulan! Itinerary: OLOPSC. Sundo Tita Edith. Metrobank. Citibank Libis. Greenhills. Uwi na. :D Bumili lang ako damit. Damit na naman. Nyaha. Sarap mag-shopping noh? XD
Pupunta dapat si Pij pero di ko na pinapunta kase me exam ako tomorrow sa Sem1! Sana matulog na kase second meeting pa nya sinasabi un. Di na natuloy-tuloy. Haha. Hindi pa nga na-upload ni Ma'am Mich ang notes. Kaya naloloka na sila. Swerte, mahilig ako magsulat. Pang-secretary talaga. Me notes ako. Bleeeeeeh. HAHA. :))
Napag-isip-isip ko lang dahil pinag-isip nya rin ako.. hindi ako takot sa commitment. Baka lang mas okay ung ganun kame. Pareho pa kaming nasa adjustment period. Matagal akong walang boyfriend, isip bata ako, matured sya. Pero parang minsan, naiisip ko, baka biglang maisipan nyang hanapan ako ng kapalit. Eh kung me magustuhan syang ibang babae? Ung hindi malaki ilong at pisngi? Di ba? Nakakalungkot.. anong gagawin ko? Ihahagis sya sa bangin ng Antipolo? Babalian ko ng buto? O hihiwain ko ng kutsilyo ung tiyan? Ano kaya noh? :P
Wala. Saktan nya ko, pero hindi ko sya kayang saktan. :)
Tuesday na naman tomorrow. Pasok na naman. Kaya mag-aaral na ko. Para daw gumraduate ako sa March 2009! Sabi ni Sir Pij, sabi daw sa PGC, na hindi ko alam kung sinabi talaga un dun, pag nagpa-grad pic na raw, sigurado na raw na gagraduate. Sir Odchi, is this true? Haha. Ano nga bang natutunan ko sa PGC? Na palpak si PGMA? :D
Enjoy my music player! Dami songs. Dagdagan ko pa next time. Yeps! ;)
I'm excited for Wednesday event. There's going to be another screening for the UST-Adver Fashion Show: "The House of Light". I'm joining again! Wala akong kadala-dala. Last year ko na. Malay mo swertehin. :P Skinny jeans + tank top. Wish me luck. ^^
Good night, pips. Twilight's on Friday. Iniisip ko kung kina Allyson ako sasama o aayain ko si Pij. Haha. Bahala na. [He hates this statement. But he's starting to love it because of me. Hehe.]
Whatevs. Baboo!