Terembe
Story told at
23:39 //
0 person(s) left violent reaction(s).
Terembe:
te-rem-betawag ng mga taga-Antipolo sa sugal na nilalaro pag may patayI slept at 6:00AM because I finished my new-year letter for
PJ.
♥ I started it at almost 4:00AM. Imagine how long it took me to finish that 7-page letter. Haha. ^^
I woke up at almost 2:00PM. Haha. Ang sarap-sarap pala talaga matulog! :)) Nagtataka lang ako, walang gumigising sakin. Hehe. Nabwisit na siguro sakin kase kahit gisingin ako eh hindi naman ako babangon. Hehe.
To PJ: Ikaw rin, tanghali ka na rin bumangon. Hindi na "good morning" batian natin, "good afternoon" na. Hehe. Lubusin mo na yan dahil malapit na ulit tayo bumalik sa totoong mundo natin. Maagang gisingan na naman. Haha.
Dahil wala kami parehong magawa ni PJ sa bahay, nagkita na lang kami. Kesa sya ang pumunta dito sa bahay, pumunta na lang ako sa kanila. Wala ngang magawa dito sa bahay kaya gusto ko umalis tas papupuntahin ko sya? Haha. Para maiba naman. Almost 6:00PM na ko dumating sa Antipolo. Buti na lang hindi mahirap sumakay. Nagsimba kami. Homily? Maging
mapagpakumbaba. (: Nakita pa namin ung Mommy, Daddy saka Ate nya. Tas pumunta na kami sa kanila. Nanood ng TV saglit. Nakikain ng pastillas. Pumunta sa bahay ng pinsan nya para maglaro ng
terembe. 20 pesos na puhunan. Taya. Nanalo kami dun sa isang game ng 51 pesos. Taya ulit, 20. Talo. Haha. Parang balik-taya lang ung nangyare. Hehe. Pero ayos lang. Makagawa nga nun dito sa bahay. Haha. Terembe ng Cainta. :D Tas nakita pa namin sa
Bronson... ung stepbrother ni Judy Ann Santos sa "Kasal, Kasali, Kasalo". Haha. De, look-alike lang. Hihi. Kaaliw. Bronson na Bronson. Haha. Oh dba, at least, mukha siyang celebrity. :P
Spent time with each other. (:
Around 10:00PM, umuwi na ko. Hindi na ko nagpahatid hanggang bahay kase baka ma-Pipo pa sya, hala na... Nagpahatid na lang ako sa sakayan. Muntik ko pa makalimutan iabot ung letter ko sa kanya. Buti na lang nung tinext ko sya, bumalik pa sya dun at inabutan pa nya ko. ^^
Hindi man lang kami nakapag-picture. Me digicam at cellphone naman. Amp. Wala tuloy kaming picture ngayong first day of the year. Haay.
Un. Bukas, plano namin manonood kami ng "Tanging Ina". Kung ubra, last full show. Kaya dapat matapos ko na tong lintik na OR take-home quiz na to para makapagliwaliw na lang ako tom. Kelangan ko na rin simulan ung test scripts para sa aming
thesis. Final na raw ung program namin sabi ni Master. Hehe. Wish me luck!
Fiesta rin sa Sto. Niño ngayon. Kagabi sinabihan na ko ni Kuya Sherwin na pumunta ko sa kanila. Nagtext din si Kuya Chad kanina, nag-aanyaya. Kaya pala si AV andun kina Franz kanina. Hindi naman ako nakareply agad. Haha. Happy Fiesta na lang! :D
Masquerade Party ng Eco-DMT sa January 3, 2009. Sana makasama si Pipo. Hehe. Hindi ko pa sya nadalaw ulit simula nung huling punta ko nung December 29, 2008. Amp. Sana makapunta ko tom. (: Maraming salamat ke Lord at sa mga nagdasal para sa fast recovery ni Pipo. Please continue praying for his full recovery. Thank you. God bless.
Happy New Year ulit! Magbago na tayo! HAHA. Whatever. :P
Labels: eco-dmt, fiesta, new year, Pij, Pipo