76? I thought 30!
Story told at
11:32 //
0 person(s) left violent reaction(s).
ayos. inihatid ako sa LRT kahapon. nagpunta kasi sila sa divisioria kaya sumabay na ko. sa santolan. ngayon lang ulit ako nakasakay dun. :) namiss ko dumaan sa tulay ng marikina. haha.
CS103 na naman ang first subject ko. syempre, kawawa na naman ung prof ko dun sa dami ng inaabot nyang panlalait samin. haha.
CS106. ang saya! ngayon lang ako nakaramdam ng saya sa subject na un. haha! panu, nagquiz kami dun nung friday. akalain mong over 100, naka-76 pa ko! ang galing! medyo mababa pa rin yan kung tutuusin pero achievement na sa akin yan dahil 30 lang ang ineexpect ko talaga. haha! ang galing talaga infairness. sana sa cobol ganun din. *sigh*
quiz lang sa ETAR. discussion sa CS102. tapos uwian na. masaya sana dahil medyo maaga kami dinismiss ni maam perl di tulad nun mga nakaraan. ang kaso naman, bumabagyo! literal na bumabagyo! langya, natapat pa naman na wala akong dalang tsinelas na binabalak ko na sanang dalhin nung papasok ako. tae. buti na lang me dala akong payong kahit papano. kaso natapat na ung bag kong bronze ang nadala ko. dapat backpack. argh. pero lumusong na kami ni angeli. mukhang hindi na kasi titigil ung ulan. grabe. kahit nasa pedicab kami e basang-basa kami. tsk2.
basa tuloy ung sapatos ko. waha!
at ngayon, wala si maam cha. english lang ang klase ko. kamusta naman un... :/