Story told at
23:54 //
0 person(s) left violent reaction(s).
as usual, dahil sabado ngayon, late na naman ako. haha. pero parang sakto lang ung dating ko. katatapos lang mag-pray. hehe. parang hindi pa rin ako late. hihi. pero late pa rin. waha!
medyo mainit nun papasok ako. nakasabay ko pa si sir dota pagbaba sa legarda. akala ko kung sinong mama ung lumapit sa akin at sinabing, "seryosong-seryoso ka a..." lokong un. alangan namang humagalpak ako ng tawa kahit mag-isa ako? labo ni sir. haha. pero okay na rin. nilibre nya ko ng pamasahe sa jeep papuntang uste. haha. sana makasabay ko sya lage. toink. :P
me exam sa math. ang hirap! bwiset na exam un. di ko malaman kung panu sasagutan. langya, paniguradong bagsak na naman ako dun tulad ng other first quizzes ko. tsk.
CS102 na naman. tamad na tamad na ko. hay. binigay lang nya ung course syllabus tapos medyo nagsalita ng onti. actually, ng marami. lagi naman e. ayun. medyo matagal pa rin. pero dinismiss naman nya kami agad nung nagbell.
buti na lang wala si maam mimi! waha. 6 pa lang nakalayas na kami ng uste. hehe.
after class, nagpunta kami ni inah sa kanila. hehe. natutuwa ako kasi sa kagustuhan nyang pumunta talaga ko sa kanila e hinintay nya talaga ko ng 2 hours and 30 mintues. haha. ang galing. hehe.
wala naman kami ginawa. nanood lang ng tv. tumawag ke zah. kumain. humiga. nagplano ng pagpunta sa baguioand/or EK. aun. 10:45 ako umalis sa kanila. pero 11:30 na ako nakauwi dahil sa hirap sumakay sa kanila. wala kasing dumadaang trike na unoccupied. ayun.
bukas punta kami kina zah. pero magsisimba muna ko pati pupuntang dentista. papacheckup ko lang ung ipin ko muna. toink.
sa monday, jogging ulit kami. :)