Boring...
Story told at
16:55 //
0 person(s) left violent reaction(s).
Agang-aga tumunog alarm clock ko. Aalis kasi ako. Punta school. Ayaw magpamiss ng eskwelahang un. Argh.
Tinext ko agad ung classmates kong mababait na nasa school na nung mga oras na un. Nakapila na sila dun para kumuha ng clearance at magpa-advise. Ako? Nakahiga. Kagigising lang. Haha. Ang batugan talaga. Aun.
10:30 na ko nakaalis ng bahay. Parang pinag-isipan pa ng nanay ko kung bibigyan ako ng baon. Buti na lang nagbigay -- kahit alam nyang sandali lang naman talaga ako. Hihi. Aun. Nakakatamad talaga pumasok ng tanghali! Napaka-init! Ang hirap pang sumakay ng FX. Jeep tuloy nasakyan ko. Amf.
11:45 na ata ako dumating. Walang dumadaang jeep ng Lealtad. Naghintay pa ko. Ayoko nga magpedicab. Cost-cutting.
Wala na kong nadatnan dun. Wala na sina Diana, Ernest, Jerick, Master, Steph... Kasi sabi ko 8 ako dadating e. Haha. Whatever...
Pagdating ko, schedule agad ang tiningnan ko dahil naintriga ko sa pinagsasasabi ni Arizia na may class ako na 1-8. Argh. Confirmed. Meron nga! Waa! Ayoko nang ganong sched! Pero okay lang. At least classmates ko pa rin ung classmates ko. At...
Regular na ako!!! Kinopya ko na kahit labag sa loob ko...
Akyat ako sa 55 pagkatapos. Wala nang tao pagkasilip ko. Sina Kuya Ryan na lang. Kinuha ko na agad ung clearance ko. Larga na ulit. Baba na ako agad. Nung nasa labas na ako ng Eng'g, naisip kong umupo muna sa bench sa tabi ng complex. Argh. May lalake at babaeng lumapit -- ung lalake, naki-upo lang (nagpapaalam e hindi naman ako nag may-ari nun), ung babae, nakipagkwentuhan pa. Argh.
"Miss, pwede magtanong?" Sabay upo.
"Nawawala ung clearance ng anak ko. Pwede ba un?" Tae. Ano ko, ako ba nagprint nun? Sinagot ko na lang ng:
"Hala. Hindi ko po alam. Check nyo na lang sa Dean's office. Baka napasama lang po sa ibang section." Aun. Napadaldal na. Kesyo hindi raw sya umaalis at binabantayan nya ung anak nya dahil me nagsstalk daw na babae. Argh. Anong gusto nya palabasin? Kamukha ni
Matt Long ung anak nya? Argh. Umalis na rin ako nung wala na syang maipagyabang. Haha.
Uwi agad. Kain. Nood TV -- Blue's Clues, Pera o Bayong. NEt. Yan, ganyan ang buhay ng walang magawa...
Labels: clearance