Senatorial Election 2007
Story told at
16:04 //
"Sino bang iboboto mong Senator?"That was just one of the questions I heard on and before the election day.
First time ko bumoto ngayong taon. December 30, 2007 when I was
forced by my mom and dad to register; to fall in an almost-a-kilometer line in a small municipal hall with no-bath elders and jologs teens. Argh.
Sa totoo lang, ayoko talagang bumoto. Bukod sa feeling ko e napakatanda ko na, wala rin naman kasing nnagyayari. Alam kong obligasyon ko bilang mamamayang Pilipino ang bumoto pero para sa akin kasi, ang pagboto ay for formality sake lang. Usong-uso ang dayaan. Para sa akin, nakatalaga na ang mga panalo. Pinaghihintay lang nila ng resulta ang mga mamamayan para hindi naman masyadong halata.
Dun kami sa elementary school malapit sa amin bumoto. Sa pangkuha pa lang ng thumbmark, halatang-halatang tinipid ng COMELEC ang budget. Natutuyuang plastic lang ng tinta ang nandun. Namroblema pa kami dahil sa halos matutuyo-tuyo na, hindi makita ung thumbmarks ko sa mga papel.
Pag-upo ko, isang "Ballot Secrecy Folder" at ballpen na nagtatae ang nasa desk ko. Gagamitin ko sana ang dala kong ballpen pero dahil first time pa lang, sinunod ko ung instructions nila. Nasa ballot secrecy folder ang lahat ng pangalan ng mga kandidatong senators, governors, congressmen, mayors, vice-mayors, councilors at partylists. Sa provincial at municipal, halos lahat hinulaan ko. Parang exam pala bumoto; ang hirap din... ang hirap manghula!
2010. Presidential election na. Pahirapan na naman nun sa pagpili. Pero hangga't nananatili sa pag-iisip ko na puro dayaan lang ang nagaganap sa eleksyon, hindi siguro ako mahihirapan... na manghula!
Pero dahil nakaboto na ko, wala na ko magagawa. 10 lang ang sinulat ko sa balota. Ung iba, napilitan pa ko.
Sana matigil na ang mga kababalaghang nagaganap sa eleksyon. Para ang mga kabataang tulad ko, hindi madalang bumoto.
Labels: election