<meta name='google-adsense-platform-account' content='ca-host-pub-1556223355139109'/> <meta name='google-adsense-platform-domain' content='blogspot.com'/> <!-- --><style type="text/css">@import url(https://www.blogger.com/static/v1/v-css/navbar/3334278262-classic.css); div.b-mobile {display:none;} </style> </head><body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/797413349892369998?origin\x3dhttp://angelasolomon0.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

Stories · About · Links · Archives

Life
http://angelasolomon.blogspot.com

"From now on, everyday will be the most important day." Hi! The name is Angela. Born on 10191988; existing (and living) for 21 years (and counting). Only daughter. Graduate of UST BSCS '09. Currently working (and wasting my once productive life) in night shift to sustain her luxurious life. Plans to mature on February 2010. Addicted to Web. A licensed driver. In a relationship since 122108. Loves my circle of friends. Loves sweets. Sentimental. Slim, long-legged with fair complexion. Wants to edit her life. So help me God.

I can be reached everywhere.
YM. Plurk. E-mail. Facebook. Twitter. Friendster. Multiply. Tumblr.

Rants
say anything like you mean it.

Hope you enjoyed. :)

free counters

5.06.2007
A Priest Heals?
Story told at 01:53 // 0 person(s) left violent reaction(s).

Naniniwala ka ba sa healing priest?

April pa lang, nagkalat na ang balitang may healing priest daw na bibisita sa subdivision namin. Ung kapitbahay namin na taga-don sa kabilang daan ang nagpasimuno.

Sa unang un pa lang, inaya na ko ng nanay ko. Magaling daw kasi un. Kayang gamutin lahat ng problema mo, pinoproblema mo, poproblemahin mo, pumoproblema sayo at kung anu-ano pang problema. Pero simula nung fetus pa lang ako, hindi talaga ako naniwala sa ganun. Hanggang sa dumating ang araw kanina.

Alas-8 pa lang, ginigising na ko ni Mommy at Daddy. Nung una, ayaw ko pang bumangon. Feeling ko masama pa loob ko dahil ginigising nila ako ng 8am kahit 12mn naman talaga ako natulog kagabi (mahabang-mahaba na para sa akin ang 8 oras na tulog -- usually kasi 3-4 hours lang tulog ko.). Pero kahit ganun, sumama pa rin ako. Hindi naman ako hudyo. Talagang nakakaloko lang dahil may simbahang malapit naman dito sa amin pero kung bakit sa dulo na ata ng Angono ung pinuntahan namin simbahan.

First time ko makapunta sa Angono. Hanggang Binangonan at Taytay lang kasi ang nararating ko pa lang sa Rizal. Ang layo pala nun. More than 1 hour din ung biyahe namin galing sa bahay hanggang dun. At talagang probinsyang-probinsya na dun. Simple lang ang buhay ng ilang tao. Napapaligiran ng bundok, at marami talaga dun bundok. Eto ang katunayan:

Isa sa mga bundok na nakita ko sa Angono


Ilang sandali lang galing sa picture na yan, nakarating na rin kami sa simbahan. Isang maliit na simbahang hindi pa tapos ang mismong imprastraktura. Masangsang nang bahagya ang amoy ng kapaligiran. Butas ang bintana. Hindi sementado. Bubong na yero. Lumang pinto. Makalat na kapaligiran. Walang electric fan o aircon. May cabinet na may salamin. Hito sa palanggana. Plastik ng basura sa isang poste. Asong pakalat-kalat. Pintong hindi ginagamit. Mga kahoy at bakal na nakakalat sa sahig. At kung ano-ano pa (pero dahil sa maarteng tao talaga ako, ako lang siguro ang pumansin sa mga nasabi ko). Pero sa altar, makakakita ka ng dalawang poon, table ng pari, krus na maliit, mga kandila at puting tablecloth. Un na nga ang simbahan ng mga taga-roon.

Eto ung simbahang pinuntahan namin sa Angono. May mga extra pa.


Pagpasok ko, nailang ako. Hindi ko malaman kung tatagal ba ako sa loob dahil sa nakikita, nararamdaman at naaamoy ko sa paligid. Pero nang dumating ang unang pari (na may itsura, hindi pa maedad, maputi, flawless, pero maliit -- turn off) at ang ikalawang pari (na walang buhok, may edad-edad na pero matangkad -- turn off pa rin), natahimik ako. Minabuti kong makinig na lang sa misa tulad ng lagi kong ginagawa kapag nagmimisa ako sa OLA tuwing Linggo, alas-6:30 (kahit minsan medyo nadidistract ako sa gandang lalaki ng isang tao dun).

Umabot din ng isang oras ang misa. Parang misa lang rin sa OLA. Iba nga lang ang simbahan, choir, sound system, offerings at hindi si Father Thomas Frederick ang pari. Pero ayos na rin. Natutunan ko na mahalagang maging matatag dapat ang ating pananampalataya sa Diyos -- ngunit pananampalataya na may gawa.

Pagkatapos ng misa, bumaba kami sa baba -- sa maliit na bahay na tinitirhan ng paring nagmisa. Sabi ni Mommy, makiki-jebs lang daw siya kaya sabi ko maghihintay na lang ako sa labas (hindi na ako naki-jebs, naisip ko kasi, baka magsialisan ung mga tao dun...). Pero nung pumasok siya, tinawag rin nya ko -- para ipakilala kay Father (ang Father na tinutukoy ko e ung paring walang buhok, may edad-edad na pero matangkad).

Pagpasok ko, pagtingin ko sa kaliwa, isang malaking Jesus na nakapako sa krus ang nakita ko at isang napakalaking bato na nilulunon ata ni Father tuwing may kailangan siyang iligtas. Pag upo ko, hiningi agad nya kamay ko para tingnan.

Sa paghawak nyang un sa mga kamay ko, puro nerbyos ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil baka sa sobrang lakas ng kung anumang sumasapi sa akin, mapatalsik ko sya sa upuan at masisi pa ko ng mga tao. Akala ko nga huhulaan ako sa pamamagitan ng pagtingin sa palad ko (titignan kung direcho ung mga guhit). ang ginawa nya, pinagpantay nya ung dalawang hinliliit ko. Pagkapantay na pagkapantay pa lang niya, nagulat ako sa nakita ko. HINDI PANTAY ANG MGA DALIRI KO!!! Literal. Kung sinasabi nila na hindi naman talaga pantay ang mga daliri, alam ko yun, pero iba ung hindi pagkakapantay e. Malaki ang agwat. Kung kaya lang ng ilong at bibig ko mag-picture, napakita ko sana sa inyo ung itsura. At alam kong walang daya ung dahil ako mismo ang nagpapantay. Hindi ko alam kung mahi-hysterical ba ako nung nakita ko un. Hindi ko malaman kung ano ang gagawin kong reaksyon. Tinanong nya ko. Kung meron daw ba akong nakasamaan ng loob, nakatampuhan, nakainisan, nakagalit o nakaaway. Sabi ko, wala naman ata; kung meron man, hindi ko alam. At bigla nyang sinabi sa akin na meron daw akong na-alaska na sumama ang loob sa akin, or what. Bigla siyang naglabas ng ballpen (na color violet -- hihingin ko sana) at papel (na kasing laki ng 1/4 na ginagamit ko nung high school pa ako). Akala ko reresetahan ako ng gamot para hindi rin magpantay ung daliri nung nakita nyang may sama ng loob sa akin. Un pala, ido-drawing nya ung itsura nung lalakeng un. Bilugan daw ang mukha, nasa 20's, may work ata (hindi ko na masyadong naintindihan ung sinabi dahil pagkabigay pa lang sa akin nung papel e inisip ko agad kung sino ang taong un). Pagkabigay sa akin, hindi ko agad naisip kung sino un. Wala kasi akong maisip nung mga panahong un kung sino ba talaga ang taong un. Aun. Basta un.

Pagkatapos naming mag-usap tungkol sa lalakeng un, pine-ray over nya ko -- at ang mga kamay ko. Sa hindi malamang kadahilanan, parang merong nagpatak ng EyeMo sa mata ko at hindi ko napigilang maiyak. Kahit na hindi ko talaga gawain ang pag-iyak sa harap ng ibang tao, hindi ko talaga napigilan ang sarili ko. Lalo pa nung hinawakan nya ulit ang kamay ko at sinabing, "Can you feel the spirit?".

Ano nang sagot ko sa tanong ko sa taas? Oo. Naniniwala na ako ngayon, pero, SOMEHOW. Siguro dahil hindi ko pa nararanasan ung iba pang milagro nya. Unang beses ko pa lang sya nakasalamuha, pero alam kong natanggal na ang paniniwala kong hindi talaga totoo ang mga healing priests. Isa pa, sa dinami-rami nang naging magandang epekto nya sa nanay ko, paano pa kong hindi maniniwala? Nung isang beses na nawalan ng boses ang nanay ko (as in wala talagang tunog na lumalabas sa bibig nya), naisipan nyang ipagamot un kay Father. Pag-uwi nya sa bahay, MAY BOSES NA SIYA!!! Wala siyang ininom, walang kinain na kung ano, basta pagkauwi nya sa bahay, may boses na ulit sya. Ang galing.

•••••••


Sa palagay ko, wala namang masama kung maniwala tayo sa mga healing priests. As long as hindi nawawala ung pananamapalataya natin sa kinikilala nating Diyos, wala naman sigurong problema. 18 years old na ako pero sa dinami-rami na ng nakilala kong pari na gumagamot "daw" ng mga may kapansanan, ngayon ko lang napatunayan na somehow, totoo rin pala sila. Hindi ko pwedeng sabihin na baka kaya napili niyang maging pari na lang na ganun dahil sa maaari silang kumita, nagkakamali ka. Graduate siya ng Engineering at kumikita siya ng 5 digits to 6 digits noon, hindi tulad ngayon na puro donasyon lang talaga ang inaasahan nila.

Gayunpaman, bilib din ako sa mga tulad nya dahil pinili nilang talikuran ang buhay kung saan magiging mas komportable sila para lang makatulong sa mga taong nangangailangan sa kanila.

Kaya Father, astig ka!Ü

Labels: , ,