Parada ng mga Judings sa Sta. Elena, Marikina City
Story told at
23:20 //
0 person(s) left violent reaction(s).
Infairness. Natalbugan ako. Mas sexy sila sa akin. Last week pa lang nakaschedule na panonood namin ng parada ng mga judings (bakling, bakla, gay, bading, shokla) sa Kapitan Moy. Fiesta kasi sa Sta. Elena kahapon (May 3, 2007). Kasama namin nanood pamilya ni Kuya Jhun (including Ara and Eddie).
7:30 pa lang nakapwesto na kami sa kanto ng Otto sa tapat ng OLA Church. Diyos ko, nagsimula na ung parade almost 9pm na. Buti na lang super lakas ng hangin, ung tipong mukhang bruha na kami, kundi nagkandahilo-hilo na kami dun sa sobrang tagal (Tapos nandun pa si "Hangin". Lalo tuloy humangin...).
Simula pa lang, hiyawan na mga tao. Pano, ang mga consorte nila e Marines pa ata un. Basta parang sa marines e. Haha. Nakakaaliw. Parang diring-diri sila sa mga partner nilang bading. Hehe. Ni hindi man lang yakapin, o hawakan man lang. At parang gustong-gusto na nila magtakip ng panyo sa mukha dahil sa sinapit nila dun. Haha.
Ang lupet ng mga bading. Biruin mo, ang lalakas ng loob nila magsuot ng ganong klase ng gowns. May backless, may pa-tube na lumalabas ang pandesal, este, padding ng bra, may parang hot air balloon sa loob ng skirt sa sobrang lobo, may parang parrot ang kulay, may feel na feel, may puting-puti (pati mukha, parang espasol), may simple, may magarbo, at marami pang iba (Isipin mo kung anong mga klase ng gowns ang pwede nilang isuot -- maliban sa gowns na may Christmas lights at lantern.). Kakaiba sila. Hindi ko alam kung nag-eenjoy ba talaga sila sa ganong klaseng reaksyon ng tao na pinagkakatuwaan lang sila o napilitan lang sila talaga sumali dun dahil sayang din naman kung mapanalunan nila un premyo.
Bilib ako. Ang se-sexy nila. Nainggit nga ko dun sa isang bading. Parang nagdaan muna kay Dr. Vicky Belo bago pumunta dun. Ang lakas ng loob. Ang kikinis. Maputi pa sa akin (Sa bagay, may mas iitim pa ba sa akin?). Kita pa ang cleavage, as in! Tapos backless pa. Nakatali lang sa leeg. Di ko na napansin kung pati cleavage ng pwet pinakita.
Pero sa totoo lang, type kong kaibigan ang mga bading. Kasi kadalasan sa mga bading, artistic, creative, prangka at masarap kasama. Kapag may ayaw sila sa 'yo, harap-harapan nila sinasabi. At least, nalalaman mo kung ano ung dapat mong baguhin sa sarili mo, di ba? Isa pa, creative sila. Akalain nyong nakakaisip silang magsuot ng ganong mga kagagarbong damit. Hindi basta-basta un.
Sa bansa natin, parang medyo nadidiscriminate ang bading. Bakit ba? Ano bang problema kung sinunod nila ung gusto ng puso nila? Wala naman, di ba? As long as wala silang naaagrabyado, walang problema sa pagiging ganun nila.
***
10pm na kami nakauwi. Nung tapos na at patawid na kami sa OLA para bumalik sa sasakyan, may napansin akong lalakeng naka-pink na parang sumusunod ng tingin sa akin at maganda sa paningin ko. Mukhang may kamukha pa nga sya e. Hihi. Natatandaan ko lang ung damit. Siguro namukhaan ako. Sayang. Sana napicturean ko man lang sana. Tsk.
Ngayon, eto, matutulog ako ng maaga sa ala-una. Yes. Pero bukas, panibagong araw na naman ng pananakit ng ulo. Kailangan ko na talaga matapos ung Machine Problem! Kung ayaw kong mawalan kami ng kinabukasan ni Diana...
Labels: bading, gowns, parade