Valenzuela Trip
Story told at
23:26 //
0 person(s) left violent reaction(s).
me project kami sa PL. si arizia ang partner ko.
matagal na naming napag-usapan na pupunta ako sa kanila para dun. pero kanina lang ako nakapunta. hehe.
sabi ko 9 ako aalis ng bahay. pero almost 11 na ko nakaalis. nagjeep lang ako hanggang cubao, at nag-bus hanggang sa village nila. medyo traffic din. tas ang dami pang stopover nung bus. err. aircon ung nasakyan kong bus pero parang ordinary lang dahil sa init. argh.
1 na ko nakarating dun. adik. buti na lang nakita ko si arizia nakatayo dun sa kanto ng village nila. di ako naligaw. haha.
pagdating, gumawa na agad kami. kasabay ng tv, cookies, pancit, chocnut, jellyace at c2. almost 7:30, binalak ko na umuwi. nung nasa daan na kami, biglang dumating ung mommy at daddy nya. bumalik pa kami sa kanila para kumain. mga 7:45 siguro ko nakaalis ulit dun. ang bilis ko kumain e. kahit pangalawang beses ko na nakapunta dun at mabait naman ung parents nya, nahihiya pa rin ako.
di na ko hinatid ni arizia. pagkasakay ko ng tricycle, bumalik na rin sya sa kanila. mabilis naman ako nakarating sa kanto ng village nila. tas sumakay agad ako ng jeep. nung una, naalala ko talagang sumakay kami ng jeep dati. pero nung nakakita ko ng bus na dumadaan dun, bigla ko nagdalawang isip. parang gusto ko bigla bumaba ng jeep. akala ko nagkamali ako. haha. un pala, tama lang palang nag-jeep ako (kahit bwiset na bwiset ako dun sa high school students na nakasabay ko na feeling nila e service nila ung jeep, tatapunan pa ko nung buko nung bading, ang sarap sabunutan). buti na lang nakita ko ung binabaan namin dati. biglang luminaw ang pag-iisip ko. haha. akala ko naligaw na ko. di ko pa naman kabisado talaga ung daan. hehe.
tapos 8:30 na ko nakasakay sa bus. ang saklap. puro ordinary kasi ung bus dun. gusto ko aircon. haha. mabilis lang ung biyahe. mga 20 minutes nasa cubao na ko. dumaan pa ko ng gateway para mag-cr. haha.
nag-jeep lang ako. patok. tutal pauwi na rin naman. para masaya. anak ng tae. hindi ko alam kung bakit tuwing me innova na dadaan e plate number agad an gtitingnan ko. walangya, pagtingin ko dun sa isa, ZHM601. ke dadi un! bwiset. namiss ko lang sya. haha. pero nagtataka ko, anu un, dala nya sa school? e di lalo na ang dami nagkandarapa dun? naku... haha! sana di nya mabasa to. huling-huli ako. hehe.
almost 10 na ko nakauwi. buti na lang naabutan ko pa si director choi. haay. ang gwapo talaga. :)
Labels: valenzuela